Unti-unting pumapatak ang mga luha ko. Kasabay ng pag-aayos ng tali na isasabit ko sa kisame ng aking kwarto. Ang taling ito ay ang tatapos ng paghihirap ko. Ang taling ito ay ang magiging instrumento ko para malaman nila ang halaga ko.
Napangiti ako ng mapait habang inaalala ang mga bagay na nagtulak sa akin para gawin ang bagay na ito.
----------------
"Wala kang kwenta! Ano itong nabalitaan ko na wala ka daw sa rank 5 sa klase nyo!" Galit na sigaw ni mama.
"Rank 6 naman po ako mama eh. Tsaka hindi po ako masyadong nakapag-aral para sa examination. Pero ma with high honor pa rin naman ako", paliwanag ko habang nakangiti kay mama.
"Aba! Nasisiyahan ka na dyan! Tingnan mo nga ang ate mo lagi yang nangunguna sa klase! Maging pangatlo lang sya ay manghihinayang na kaagad yan! Samantalang ikaw pang-anim ka na nga nagagawa mo pa ako ngitian! Tamad ka kasi kaya di ka nag-aaral! Wala kang isip! Walang kwenta! Gayahin mo ang ate mo!" Galit ulit na sigaw ni mama bago nya ako iwang umiiyak sa aking silid.
---------------
Wala sila Mama, ate at papa kasi pumunta sila sa reunion ng panilya namin hindi ako pinasama ni mama dahil baka daw kung anong kahihiyan na naman ang magawa ko kaya naman napagdesisyonan kong maglinis ng buong bahay para naman matuwa sila saakin. Naglinis ako ng bahay.
Winalisan ko kahit kasuluksulukan ng bahay. Nagpunas din ako ng sahig. Nag agiw din ako ng kisame. Kaslukuyan akong nagpupunas ng mga pigurin nang biglang tumunog ang doorbell at di ko napasin ang paboritong vase ni mama kaya naman natabig ko ito at nahulog sa sahig na naging dahilan ng pagkabasag nito.
Laking gulat ko naman ng mapatingin ako sa pinto at nakita ko sila mama na galit nakatingin saakin.
"Mama p-pasenya n-na p-po di ko naman ko sinasadya n-naglilinis lang po ako ng bahay at bigla ako nagulat sa pagtunog ng doorbell k-kaya naman natibig ko po at nabasag. P-pasensya n-na po mama", nauutal-utal na paliwanag ko kay mama habang unti-unting bumabagsak ang mga luha sa mata ko.
"WALA KA NA TALAGANG GINAWANG TAMA! HINDI MO KASI INAAYOS ANG TRABAHO MO! NAPAKAWALANG SILBI MO! WALANG KWENTA! ALAM MO BA KUNG MAGKANO IYANG VASE NA NABASAG MO! MAS MAHAL PA YAN SAYO! YANG VASE NA YAN MAY SILBI HINDI KAGAYA MONG WALANG SILBI! UMALIS KA SA PANINGIN KO BILISAN MO AT NAIIRITA AKO SAYO!" Galit na galit na sigaw ni mama.
Tumakbo naman ako sa loob ng kwarto ko habang umiiyak.
--------------
Sa paglipas ng mga araw laging ipinaparamdam sakin ni mama na wala akong kwentang anak. Hanggang sa may isang lalaking nakaappreciate ng halaga ko.
"Mama.. Si Alex nga po pala boyfriend ko", pakikilala ko kay mama.
"Boyfriend?! Aba ang bata-bata mo pa boyfriend na kaagad inuuna mo! Tingnan mo nga ang ate mo hindi nagboboyfriend! Kaya siguro mababa ang mga markha mo kasi boyfrieng na lang inuuna mo! Wala ka na ngang silbi nagboyfriend ka pa!" Galit na sabi ni mama.
"Mawalang galang na po hindi naman po mababa ang grades ng anak ninyo tsaka huwag n'yo naman pong sabihin na walang silbi ang anak n'yo kasi ginagawa n'ya ang lahat para sa inyo", sabat ni Alex.
""Aba! Sumasagot ka pa iho! Walangyang bata ka ah! Lumayas kayo dito! Mga walang galang! Di kayo marunong rumespeto! Layas! Wala ka talagang kwenta Arrian!" Sigaw ni mama.
Agad ko namang pinauwi si Alex at humingi ng pasensya dahil sa nangyari.
--------------
Akala ko siya na... Akala ko hindi n'ya ako iiwan. Hindi ko na alam mababaliw na ako. Iniwan ako ni Alex at ang malala nabuntis nya ako.. Di ko na alam ang gagawin ko siguradong lagot ako nito.
"Mama.. Papa. B-buntis po a-ako", naiiyak na pag-amin ko.
"ANO?!" Gulat na sigaw ni papa.
"Sinong ama nyan?" Malamig na tanong ni mama.
"S-si A-alex p-po", naiyak na sabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh! Boyfriend ka kasi ng boyfriend ano ngayon ang napapala mo?! Sinisira mo ang buhay mo! Gayahin mo kasi ang ate mo! Puro ka kalokohan! Wala ka na ngang silbi magdadagdag ka pa ng isa pang palamunin! Wala ka talagang kwenta!" Sigaw ni mama.
"Nasaan si Alex?" Tanong ni papa.
"Iniwan nya na po ako", sagot ko.
"Ayan.. Ayan iniwan ka din! Ang lakas naman nyang si Alex! Matapos makapuntos ay iiwan ka na saamin! Ano? Anong balak mo?! Sinabi ng huwag munang magboboyfriend! Tigas kasi ng uli mo! Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin! Napakawalang kwenta mo! Lagi mo na lang nilalagay sa kahihiyan ang pamilya natin! SANA PALA DI NA KITA ISNILANG SANA NOONG NASA SINAPUPUNAN PALANG KITA AY PINALAGLAG NA KITA!" Galit na sabi ni mama habang dinuduro-duro ako.
"S-sorry po mama at papa", naiyak na sabi ko sabay takbo sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories