Nandito ako sa cafeteria at naorder ng kakainin ko sa lunch. Para naman marami ang bumili ngayon sa cafeteria ay may pakulo sila "Finding may kafoodever" yan ang title.Ang mechanics ay dapat parehas kayo ng mabiling pagkain para masabing magkafoodever kayo.
Umorder ako ng rice, chicken at isang orange juice na kadalasan kong binibili. Nilista ko iyon at hunap ng mauupuan.
Nang makahanap ako ay dali-dali akong umupo at tahimik na kumakain.
Napansin ko rin na maraming bumibili ngayon dahil sa pakulo nila. Tsss dami talagang gustong magkalove life ngayon.
Marami na rin akong nakikitang nakahanap ng kafoodever nila na sabay kumakain. Habang ako ito nakain lang ng tahimik.
Habang nakain ako ay bigla na lang akong tinawag.
"Calling the attention of Krea Les. Nag-iintay na ang kafoodever mo", sabi ng nagbabantay ng lista sa mike.
Madami ang tumingin sa akin at hinila ako papuntahan sa unahan para sa message na iaalay daw sa kafoodever mo.
Nakatalikod sya pero mukhang pamilyar ang itsura nya. Agad namang iniabot ang mike saakin para makapagbigay ng message. Di pa rin humaharap ang kafoodever ko kaya naman nagsimula na akong magsalita.
"Uhm.. Di ko alam ang sasabihin ko.. Basta kung maging tayo kung lang may patutunguhan itong pakulo nila ay sana di mo gayahin ang nahuli kong ex wag mo akong iiwan sa ere kasi masakit.. Yun lang", sabi ko.
Masakit kasing maiwan sa ere eh. Akala ko sya na yung the right one yun pala sya yung the wrong one.
Lagi nyang sinasabi saakin na di nya ako iiwan at hanggang walang hanggan kami. Andami naming pangarap at yung mga mabababang pangarap namin ay unti-unti naming natutupad. Masayang-masaya kami pero natapos ang lahat ng ito noong 3rd anniversary namin.
Gabi noon at napagkasunduan naming magdate 3rd anniversary na namin ito. Masaya ako at tumagal kami kaya todo ang paganda ko. Nasa restaurant na ako kung saan kami magkikita at nakapagpareserve na din sya ng table para saamin. 3 hours passed wala pa rin sya. Niisang text ay wala akong natanggap mula sa kanya. At dumating na ang oras na magsasara na kailangan ng magsara ng restaurant at pinaaalis na ako. Wala parin syang text kaya umuwi na lang ako sa bahay. Saktong pag-uwi ko ay nagtext sya na magcool off daw muna kami. Wala akong ginawa kundi mag-isip at umiyak kung ano ang dahilan ng pagcocool off namin.
Unti-unti ng humarap ang lalaki at laking gulat ko ng makilala sya.
"Di naman kita iniwan sa ere sadyang kailangan ko lang umalis para mapagamot si Daddy. Sorry babe di kita nasabihan.. Pero hayaan mo nandito na ulit ako at di na kita iiwan", sagot ng ex ko. Oo sya ang ex ko na iniwan ako sa ere.
Niyapos nya naman ako at paulit-ulit na nagsabi ng sorry. Habang ang iba naman ay naghihiyawan at sumigaw ng comeback.
"Comeback is real", sigaw ng lahat ng nakakita saamin.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories