Nandito kami sa may garden ng kaibigan ngapapalipas ng oras. Time na ng lunch ngayon at kakatapos lang namin kumain kaya napagpasyahan namin na tumambay muna sa garden.Nakaupo kami sa ilalim ng puno habang nakapatong ang ulo ko sa balikat nya. Super close talaga namin ng simula noong bata pa lang kami ni Jasper.
"Amboring naman ngayon", sabi ko
"Tulog ka na lang gugisingin na lang kita pagtumunog na ang bell", sabi nya.
"Sige".
Pinili kong ipikit ang mga mata ko pero wala e. Kaya naman minulat ko na lang ang mga mata ko.
"Di ako makatulog. Nauuhaw ako", saad ko.
"Sige dyan ka lang bibili lang ako", sabi nya at umalis pero bago sya umalis ay hiniram ko muna ang cellphone nya.
Sa totoo lang meron akong lihim na pagtingin sa kaibigan ko yan di ko alam kung alam nya ba o nahahalata nya. Gusto ko sya pero pinipigilan ko syempre kasi kaibigan ko sya at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Binuksan ko ang cellphone nya at kinalikot ito. Natutuwa nga ako tuwing nakikita ko ang wallpaper at lock screen nya kasi ito ay aking picture feel ko tuloy jowa ko sya hahaha. Ayoko naman umasa kasi alam kong bestfriend lang kami.
Habang kinakalikot kong ang cellphone nya may nakita akong calculator pero teka bakit dalawa ang calculator nya?
Naku balita ko pa naman na mga porn ang nakalagay dyan. Naku Jasper ikaw ha.. Jiba ka din pala. Sabagay lalaki pa rin naman sya at normal lang naman sa lalaki iyon.
Tinry kong buksan yun at nagtype ng kunag ano-anong number para mabuksan at viola nabuksan ko sya. Pero laking gulat ko sa nakita ko.
Hindi porn ang laman mg calculator nya kundi.. Kundi mga stolen pictures ko at mga vids ng kabaliwan ko.
Ayokong umasa pero bakit nya pa kailangan ilihim ang mga stolen pictures ko?
Kinalikot ko pa iyon hanggang makita ko ang isang vid at agad na pinidot ito.
'Uhm... Hi Pauline.. Uhmm ano magpapapractice lang ako kung paano ko aamin sayo.. Ah pano ko ba sisimulan to. Ah kasi ano ano noon pa lang gusto na kita... Aishh basta gusto kita ay hindi mahal na kita ayy basta I love you'
Ayun yung laman ng video na nakapagpapula ng pisngi ko. Nagulat naman ako ng biglang may humablot ng cellphone ni Jasper saakin.. At mas ikinagulat ko ng makita si Jasper na pulang pula ang mukha.
"Ja..jasper to..too ba?" Kinakabahang tanong ko.
"Ah kasi ano", nahihiyang sabi nya.
"Totoo ba?" Tanong ko ulit.
"Aish.. Oo mahal kita Pauline simula pa noong bata pa tayo. At mas lalao akong nahulog sayo noong dinamayan mo ako sa pagkamatay ni lolo. Natatakot ako na umamin syo kasi baka masira ang pagkakaibigan natin. Ayokong iwasan mo ako. Sana di mo ako layuan ngayong umamin na ako sayo. I love you Pauline and sana let me court you... Ay di ko na kailangan ng sagot mo kasi sa ayaw at gusto mo liligawan kita and no one can stop me", paliwanag nya na nakapagpakilig sa buong sistema ko.
Written by: kyotnaRainne
Sorry kung napapangitan kayo ha ayan kineri ng powers ko. Salamat sa pagbabasa mahal ko kayo. Sorry sa mga typos, wrong grammar and wrong spelling..
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RomanceDifferent stories... Ako po ang mismong gumawa ng mga stories.. Hope you like it #51 oneshotstories