Habang dumadaan ang oras , nag-iisp ako kung paano sasabihin kay marco ang sagot ko ..
“Hi Jasmine” sabi ni marco “hi marco” ngiting sabi ko “tara sa canteen tayo” sabi niya “ah wag na marco busog pa ko” sabi ko “ok dito nalang tayo sa room” sabi niya “marco...” sabi ko ,, sasabihin ko na sa kanya tutal kami lang nandito sa room “bakit?” tanong niya “alam ko matagal ka ng nanliligaw sa akin..” sabi ko , pero bigla niyang pinutol “ha? Babastedin mo ko .. wag please i love you” sabi niya ng nakaluhod , natawa naman ako sa kanya .. “ teka nga lang patapusin mo muna ako” sabi ko “sorry jasmine, ok “ sabi niya at umupo na sa harap ko ..hinawakan ko ang kamay niya “ marco pinakita mo kung gaano mo ako kamahal , pinakita mo sa mga magulang ko kung gaano ka kaseryoso, binigay mo lahat ng gusto ko , at higit sa lahat hindi ka sumuko., time na para ako naman ang pagpakita ng pagmamahal sayo , I Love You too John Marco Feliciano” sabi ko at bigla na lang ako nagtaka ng walang reaction si marco hawak pa din niya ang kamay ko at nakatitig sa akin “hoy! Marco wala ka man lang reaction ano ba yan , pinaghandaan ko....” biglang naputol ang pagsasalita ko ng halikan ako ni marco sa cheeks ko “tayo na? Sabi niya , ano ba tong taong na to ,,nagI love you na nga “ano pa nga ba?” sabi ko “YESSSS!!!! Kami na ,,” lumabas pa ng room ang mokong “kami na ni Princess Jasmine Roque” sigaw niya sa corridor “hoy! Ano ka ba wag kang maingay jan” sabi ko “ayaw mo yun para malaman nila na tayo na at mahal kita” sabi niya at niyakap ako “I Love You Jasmine” sabi niya “I Love You too Marco”
At lumipas ang relasyon naming ng 2 months, nandiyan na nag-aaway dahil kay bestfriend , minsan sweet sa isa’t- isa .. at ang hindi ko maipaliwag kung bakit nagbago na lang ang lahat sa amin ...
“marco . marco, marco” sigaw ko sa gitna ng gymnasium , wala akong pake kung sino nakakakita sa akin “ano ba marco?” tanong ko sa kanya at siyang harap niya sa akin ,, kasi ikaw ba naman hindi pansinin ng buong araw .. hindi ka ba maiinis “ano ba jasmine , nakakahiya ka , bakit ka ba sumisigaw diyan?” sabi niya mokong to ah .. “ah ganun nakakahiya ako?” sabi ko “bakit ka ba sumisigaw diyan?” tanong niya “kanina pa ho kita tinatawag hindi ka lumilingon aber ,, at bakit hindi tayo sabay maglunch kanina at inuuna mo pa yang basketball mo . at kailan ka pa nahilig diyan? ,,” sabi ko ng pagalit , nakakainis ilang araw na siyang ganyan sa akin minsan pa nga nalalaman ko lumalabas siya kasama yung mga kabasketball niya ng hindi ko alam ... “jasmine kasama ko sila maglunch libre kasi nila at kasama mo naman bestfriend mo di ba? Sabi niya “ah ganun libre , paano kung libre araw-araw . eh di araw-araw mo din silang kasama , paano kung sabihin ko sayo na sila na lang samahan mo araw-araw ? gusto mo yun diba? Sabi ko, hinila niya ako palayo sa mga kasama niya “ano ka ba jasmine , wag kang mag-iskandalo dito” sabi niya “ah ayaw mo pwes magsama-sama kayo” sabi ko at lumakad palayo sa kanya, narinig ko pagtinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon ,,
Nakakainis na , nung unang buwan namin ang saya saya namin , tapos parati niya ako sinasamahan sa lakad ko , hindi ko rin maintindihan ang ugali niya , minsan sweet , misan naman gali ng hindi mo maintindihan ang paliwanag niya , lahat na nga ng oras ko sa kanya ko na ibinigay , buti nga nanadiyan ang bestfriend ko tuwing wala si marco sa tabi ko , siguro iniisip na ni dominic na kailangan ko lang siya kapag wala si marco ..
Sabado ngayon makapagmall nga, nagtext ako kay marco para samahan niya ako sa mall
*marco samahan mo naman ako sa mall* send to marco
Reply by marco *sorry jasmine kasama ko family ko ngayon*
*ok sorry sa istorbo* send to marco
Reply by marco *sorry talaga ah , I Love You*
*i love you too* send to marco
Hindi na siya nagreply , parang hindi totoo yung sinabi niya ..iba yung kutob ko .. si bestfriend nga lang , maaasahan lagi yun ,,
*bestfriend samahan mo naman ako sa mall* send to bestfriend
Reply by bestfriend *saan si marco?*
*kasama daw niya family niya* send to bestfriend
Reply by bestfriend *sige papunta na ko sa inyo*
*wag na sa mall na lang tayo kita* send to bestfriend
Reply by bestfriend *i enssist, hihiramin ko kotse ni erpat*
*thank you , sige drive safety bestfriend* send to bestfriend