Nagising na ako pero bakit nasa kwarto ako ni bestfriend , biglang bukas ng pinto “oh gising ka na pala” sabi ni bestfriend “bakit nandito na ko? anong oras na pala?” sabi ko “nilipat kita dito parang nahihirapan ka sa sofa.. 8:30 pm na” sabi niya “8:30 na ,,hala ka” sabi ko “wag kang mag-alala tumawag na ako sa bahay niyo” sabi niya “pasyensiya na ah nakitulog pa ko” sabi ko “naku bestfriend wala ng bago .. ok lang ano ka ba..” sabi niya “ano yan?” turo ko dun sa dala niyang tray .. “ah pagkain ,,gigisingin sana kita para kumain ka” sabi niya ,, sweet niya talaga “nag-abala ka pa , sa bahay na lang ako kakain” sabi ko pero nilagay niya sa lap ko ang tray “ano ako may sakit?” sabi ko “oo meron ,, sakit sa puso dahil broken hearted ka, kaya kumain ka na” sabi niya at akmang sisusubo sa akin ang kutsara “bestfriend ako na may kamay ako” sabi ko at taas ng kamay ko, “tara kain tayo” sabi ko “kumain na ko” sabi niya “teka panonoorin mo kong kumain?” sabi ko “hindi pwede?” tanong niya “nakakahiya” sabi ko “ngayon ka pa nahiya” sabi niya “oh sige na nga” sabi ko .. tapos na akong kumain pero nakatitig pa rin sa akin si bestfriend .. “bestfriend” sabi ko “oh?” sabi niya pero nakatulala pa rin “tapos na po ako” sabi ko , akmang tatayo na ko pero pinigilan niya ko “ako na” sabi niya at kinuha ang tray at ibinaba sa kusina , inikot ko ang kwarto ni bestfriend wala pa ring pagbabago , ngayon lang ulit ako nakapunta ditop simula nung naging kami ni marco , hay naku si marco , sakit sa puso ng pangalan niya ,, one time makakalimutan ko din siya , mahal ko pa rin siya kahit niloko niya ko , nakita ko ang laptop ni bestfriend , bubuksan ko na sana nagbigla akong pigilan ni bestfriend “wag..” sabi niya “bakit? titingnan ko at painternet na din” sabi ko “dun ka na lang sa desktop sa kwarto ni marie” sabi niya “wag na baka maistorbo ko pa kapatid mo, sige na sa laptop mo na lang” sabi ko ng nakangiti “hindi pwede at wag mo nga akong daanin sa pacute cute effect mo” sabi niya ,at kinurot ang ilong ko “aray ah ,, ok hindi na kita pipilitin” sabi ko at kurot sa pisngi niya “cute cute mo talaga bestfriend bakit di na lang tayo?” sabi ko , “bakit ano?” sabi niya “bakit di na lang tayo maglaro nito” sabi ko at kinuha ang scrable games sa cabinet niya “alam mo talaga kung saan nakalagay mga gamit ko” sabi niya , tumabi ako sa kanya sa sahig “ako pa ba noon parang araw-araw yata akong nandito , hindi nagbago room mo ah” sabi ko “baka kasi manibago kapag pumunta ka” sabi niya , ako manibago bakit ako, napa-isip tuloy ako “tara na nga laro na tayo” sabi niya
Lumipas ang ilang oras 1:00 am na pala pero ito kami ni bestfriend , ngatatawanan , naghaharutan sa kwarto niya , hindi na rin natapos ang paglalaro namin..
“bestfriend nagtext mama mo sa akin” sabi ni bestfriend , nandito kami sa terrace ng kwarto “oh anong sabi?” sabi ko “kanina pa tong 9:15, dito ka na lang matulog medyo gabi na rin daw” sabi niya ,, “ai oo nga pala di ko natext si mama” sabi ko “ hindi naman masyadong mag-aalala si tita sayo” sabi niya “sabi ni mama” sabi ko “hindi” sabi niya “ eh paano mo nasabi?” tanong ko “kasi kasama mo ang gwapong lalaki , katabi mo pa” sabi niya “ah ganun, gwapo , saan ? saan?” sabi ko at hinwakan ako ng dalawang kamay ko ang mukha na at hinarap sa akin pero naging awkward kasi nakaakbay siya sa akin ,,malapit lang ang mukha ko sa mukha niya... bigla kong binitawan “ikaw talaga bestfriend masyado kang palabiro” sabi ko “hindi ako gwapo?” tanong niya “gwapo” sabi ko, na kinagulat ko “inlove ka na sa akin niyan?” sabi niya “hindi ah baliw , yabang mo” sabay tayo ko at pumasok na sa kwarto niya “bestfriend tulog na tayo, antok na ko” sabi ko biglang may yumakap sa likod ko “thanks” sabi ni bestfriend “salamat saan ako nga dapat magpasalamat sayo kung hindi dahil sayo hindi ko malalampasan kahit papaano ang sakit dito sa puso ko” sabi ko “salamat pa rin” sabi niya , naguguluhan ako , umalis na siya sa likod ko .. at nakita ko na lang siya naglalatag sa sahig “oh bakit naglalatag ka diyan?” sabi ko “dito ko matutulog diyan ka na sa kama” sabi niya “ang laki laki ng kama mo kasya tayo ditto , dito ka na lang tabi tayo” sabi ko “wag na baka hindi ko mapigilan sarili ko” sabi niya loko to ah.. “baliw ..may tiwala ako sayo” sabi ko “ako wala” sabi niya “sige na matulog ka na diyan dito na ko” sabi niya at humiga na nga siya ... makahiga na din antok na ko pero bago ako matulog marami akong naiisip paano ko haharapin si marco? at ano tong mga kilig moment ko kay bestfriend parang ang sweet na niya sa akin at nagpapasalamat siya sa akin eh ako nga dapat magpasalamat sa kanya kasi lagi siyang nandiyan para sa akin ...hay naku makatulog na nga ...
Nagising ako ng 11 am , grabe naman kasi 3 am natulog , pagbangon ko wala na si besfriend sa baba ng kama malinis na din.. kinuha ko ang cellphone ko , ngayon ko lang siya nahawakan simula kahapon 125 messages 70 miscall , 90 messages galing kay marco ang 35 ay gm at text ni mama, makapagtext naman si marco puro pahingi ng tawad , mahal na mahal niya daw ako , hindi daw niya sinsadya yun ,, hay sisirain ko ba ang araw ko dahil kay marco ,, ano ba... tinext ko si mama na uuwi na ko maya-maya ..
“good morning po tita , pasyensiya na po nakitulog pa ko” sabi ko sa mama ni dominic na kasalukuyang kumakain kami ng tanghalian “ok lang yun iha fell at home ka lagi dito” sabi ni tita pero parang may binulong kay bestfriend “hatid ka ni dominic pauwi” sabi ni tita “ah wag nap o kaya ko naman po” sabi ko kay tita “naku ate jasmine pahatid ka na kay kuya hindi makakampante si mama” sabi ni marie kapatid ni dominic “dominic gamitin niyo na yung kotse” sabi ng papa ni dominic “naku po nakakahiya naman po magcocommute nalang po ako” sabi ko , nakakahiya naman kasi .. “ihahatid na kita” sabi ni bestfriend atlast nagsalita din siya ... “pero....” sabi ko “ihahatid na kita ayaw mo yun libre pa” sabi ni bestfriend “sige na nga po , 4 kayo isa lang po ako” sabi ko “iha ganito talaga kami , kung anong gusto ng anak namin , gusto na din namin..” sabi ni tita “po?” sabi ko “ah wala iha sige kain ka lang wag kang mahiya” sabi ni tita “ma” sabi ni bestfriend