Dear someone,
Gumawa ako ng liham para sayo. Para naman malaman mo na gusto kita, dati pa. Wag mo sana akong iwasan kapag nabasa mo na 'to. Kasi alam ko lahat ng nagkakagusto sayo, iniiwasan mo. Dito ko na lang sasabihin lahat lahat sayo. Ang mga salitang hindi ko masabi sa harap mo. Sa katunayan, unang kita ko palang sayo. Alam ko nang hindi ka mahirap gustuhin/mahalin. Kaso may gusto ka nang iba ehh.
Di ka tumitingin sa iba. Sa kanya lang talaga. Ano ba meron sa kanya? Alam mo, hindi ko maiwasang ipagkumpara sarili ko sa nililigawan mo. Sabi ko sa sarili ko di na ako aasa sayo pero 'to ko ngayon umaasa pa rin sayo. Ang sakit palang umasa, noh? Yung alam mong kahit kailan di ka magugustuhan ng gusto mo. Ang dami nang nakakaalam na gusto kita pero bakit ikaw, hindi mo pa rin alam. Ahh, alam ko na kasi hindi ako kasing ganda niya? O baka naman di ako kasing bait niya?
Isang araw, sabi sakin ng kaibigan mo "tama na titig baka malusaw yan." Nagtanong ako sa kaibigan mo. Tinanong ko kung alam ba niyang may gusto ko sayo. Tapos sabi niya, "ang obvious mo kaya" Nagtanong ulit ako "alam ba niya?" Sabi sakin ng kaibigan mo "ayon pa ehh, hindi nga tumitingin sa iba yon, tsaka hindi ka nga kilala non" Natahimik ako don. Gusto kong sapakin yung kaibigan mo na yon. Sakit ehh, sinampal ako ng katotohanang "nobody" lang ako sayo.
Ang sakit. Sobrang sakit. Kasi kahit existence ko di mo alam, wala kang pakialam. Aaminin ko, naiingit talaga ko sa kanya. Sa lahat ng oras, effort, at pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Gusto ko sanang lumayo sayo. Natatakot kasi akong mas lumalim pa 'tong nararamdaman ko sayo. Tapos hindi kayanin ng puso ko.
Kaso patagal ng patagal, lalong lumalala feeling ko sayo. Sabi ko sa sarili ko "nahihibang na naman ako" Hindi ko alam kung paano ka hindi mahalin. Iniwasan kita kahit di mo alam na iniiwasan kita. Nakakatawa, noh? Tara tawa tayo. Kahit na masakit. Okay lang wala naman akong magagawa ehh. Masaya ka sa kanya. Kita ko sa mata mo. Na kahit kailan di ko nakitang tumingin sakin.
Bakit ka ganyan? Bakit palagi mo na lang ginugulo isip ko? Muntik na nga kong mabaliw sayo. Wag kang mag alala di kita pipilitin na gustuhin mo din ako. Alam ko namang di mo mapapantayan ang pagkahumaling ko sayo. Hahayaan na kita sa kanya sumaya. Sabi nila kapag mahal mo, hahayaan mong maging masaya kahit hindi ikaw ang nasa tabi niya.
Kaya eto ko ngayon, hinahayaan ka. Para makamove on na rin ako sayo. Sinulat ko 'to kasi di ko na kaya yung sakit. Salamat nga pala. Thank you for existing. Thank you, kahit hindi mo ko napapansin. Salamat. Kasi narealize ko na hindi lahat ng gusto mo dapat makuha mo. Hindi lahat ng tao handang suklian yung pagmamahal na binibigay ko.
Sincerely not yours,
MavkaAstrid
![](https://img.wattpad.com/cover/184914532-288-k793276.jpg)
YOU ARE READING
Untold Stories
Teen FictionShe knew she was born to weave letters and words, forming powerful sentences to delicate paragraphs, as each resembles life and stories to be told. -ElysianRaibow