"Ma, wag tama na" abot ang hikbi ni Sofia. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hirap na hirap na siya. Palagi na lang ganyan ang nanay niya.
"Hindi ka naman magiging writer! Kaya tigilan mo na yan! Wala kang mapapala dyan!" sabi ng kanyang nanay habang pinupunit lahat ng mga kwentong kanyang nilikha. Mga pangarap na unti unting pinupunit sa mismong harap niya.
"Ma, m-meron. May mararating ako. Magiging sikat na writer a-ako." sigaw niya sa harap ng nanay niya. Natigilan ang kanyang ina. Pati siya nagulat din siya sa inakto niya.
Kumunot noo ang nanay niya sa kanya. Hindi siya makahinga ng maayos. Tila ba nauubusan na siya ng luha. Di siya makalma. Walang awang pinunit lahat ng kanyang gawa.
"M-ma wag, t-teka lang" pagmamakaawa niya. Hindi pa nakuntento nanay niya. Tinapon lahat ng gawa niya sa labas ng bahay. Nagliparan lahat. Wala na.
Gusto niyang magmura. Gusto niyang sampalin nanay niya pero di niya magawa. Gusto niyang maglayas. Gustong gusto niya.
Matapos punitin lahat ng gawa niya. Natulala siya. Hindi makagalaw. Nauubusan ng pag-asa. Hindi na makapag isip ng matino.
"Kailan ba matatapos to" tanong niya sa sarili. Namumugto mata niya pagkagising. Walang buhay ang mga mata niya. Wala pa sa sarili.
"Ohh, bat ngayon ka lang nagising. Di tuloy ako nakapag almusal. Late na tuloy ako." sambit ng kuya niyang walang pakialam sa kanya. Di man lang niya napansin na tuluyan nang umalis ang kuya niya. Sa sobrang pagkatulala.
Dumating ang kanyang ama. "Ohh, bat nandito kang gag* ka! Di ba sabi ko wag kang uuwing lasing! Araw araw ka na lang ganyan! Puny*ta ka! Layas!" sigaw ng nanay niya sa tatay niyang walang ginawa kung hindi uminom. Nag-aaway sila kahit nasa harap lang nila ang kanilang anak. Di nila naisip na nakakadagdag sila sa lungkot na nararamdaman niya.
"At ikaw naman Sofia! Bat nandito ka pa?! Pumasok ka na nga! Kumakayod ako sa pamilyang 'to. Para makapag-aral ka! Tapos ngayon di ka mag-aaral ng mabuti! Ha?!" sabay sabunot sa kanya. Sa kanya na naman nabuhos lahat ng galit ng nanay niya.
Di niya maintindihan. Di na nga siya kumikibo. Siya pa rin ang pinupuntirya. Ang sakit. Gustong sumigaw ng tulong ni Sofia pero walang lumabas na kahit ano sa kanyang nanginginig na labi.
Kalaunan tumigil na din ang nanay niya. Nag-ayos na siya para makapasok. Sobrang sakit ng anit niya. Feeling niya may galit sa kanya ang mundo.
Wala siyang naiintindihan sa lesson niya. Walang buhay na umuwi siya sa bahay nila. Hindi niya napansin na nahulog na pala ang kanyang notebook kung saan niya sinusulat lahat ng kwento. Natulog na lang siya at hindi na bago sa kanya 'to. Kaya niya 'to. Malakas siya.
Nagising siya bandang madaling araw. Naalimpungatan. Naisipan niyang magsulat. Kaya nagsulat siya. Sinulat niya ang buhay na pangarap niya. Simple pero masayang pamilya. Walang away. Walang gulo. Mahal na mahal siya siya ng pamilya niya.
Isang araw, habang naglalakad siya. May lumapit sa kanya. "Miss, ikaw ba si Sofia Miranda? Gusto sana ka naming imbitahan. Nabasa ng aming company ang mga kwento sinulat mo" di siya makakibo. Finally, may taong gustong bumasa o maniwala sa kanyang kakayahan.
"Gusto naming gawing libro ang ilan sa mga kwento mo. Kung gusto mo bibigyan ka namin ng scholarship para makapagtapos ka." Hindi pa rin makapagsalita si Sofia. Nangingilid ang luha.
After 7 years.
Isa na siyang magaling na writer. Hanggang ngayon di pa rin siya makapaniwala. Ang mga pangarap niya lang dati. Unti unti nang natutupad ngayon.
Ang pamilya niya proud na proud sa kanya. Hindi na siya binabalewala. Madami na ding humahanga at patuloy na humahanga sa mga kwentong ginawa niya. Di niya lubos maisip na totoong nangyayari lahat sa kanyang 'to. Para siyang nabubuhay sa isang panaginip. Lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng blessings na natatanggap niya.
Madaming naiinspire sa kwento niya. Madaming writers na patuloy na nagsusulat para sa pangarap nila.
The End.
Started: April 22, 2019
Finished: April 23, 2019
YOU ARE READING
Untold Stories
Dla nastolatkówShe knew she was born to weave letters and words, forming powerful sentences to delicate paragraphs, as each resembles life and stories to be told. -ElysianRaibow
