Infatuated

0 0 0
                                    

"Alam mo bes, tigilan mo na kakalingon dyan kay Jc. Aware ka naman di ba na sobrang sungit nung kambal ko na yon? At tsaka may Rina na yon" sabi ni Jhing na may halong pagsusungit. Ayaw na ayaw niyang nakikita ang kanyang kaibigan na umaasa sa wala. "Bakit ba?" saad ni Ember at inismiran siya. "Ahh ganon ha... JC!!" sigaw ni Jhing. Nagulat si Ember nang sumigaw si Jhing. Di siya prepared. Di naman sila ganon kaclose ni Jc pero alam niya na nag exist siya.

Nilingon ni Jc ang kanyang kambal at nagpaalam muna siya kay Rina, yung nililigawan niya, bago pumunta sa pwesto nila Ember. At natulala na naman siya. Crush niya si Jc since grade school pa. Di maitatanggi na gwapo nga si Jc. Matangos ilong, makapal ang kilay, mahabang pilikmata at ang mata niyang tila may sinasabi. Bukod sa gwapo na gentelman pa kaya maraming nahuhumaling sa kanya. Medyo may pagkasungit nga lang.

"Bakit?" kunot noong tanong ni Jc sa kakambal. Hindi man lang niya nilingon si Ember na kanina pa nakatulala sa kanya. "Ahh.. alam mo ba pupunta kami sa mall mamaya ni Em. So gusto ko pagdrive mo kami. Please?" sabi ni Jhing. "Huh? May pupuntahan tayo mamaya?" tanong ni Em. "Oo nga, di ba nga may usapan tayo?" saad ni Jhing. Napaisip siya, wala naman silang usapan.

"Pero may date kami ni Rina mamaya." Nalungkot si Ember sa kanyang narinig niya. "Tsk sige na nga, ipagda drive ko kayo mamaya." Jc sighed wala naman siyang magagawa. Inutos ng daddy nila na bantayan si Jhing. Bumalik na sa si Jc sa pwesto nila ni Rina. Sinundan ng tingin ni Em si Jc na ngayo'y masayang nakikipagkwentuhan kay Rina.

Little did they know, may binabalak si Jhing. "Hayysstt.. tara na punta na tayong mall. Magsha shopping tayo." sabi ni Jhing sa kaibigang may malalim na iniisip. Hinila niya si Em papunta kay Jc at nagsimulang kabahan ulit siya. Di niya alam ang gagawin. "Em, tara na" at tahimik na sumunod naman siya.

Habang papunta sila sa mall di niya malaman ang gagawin. Di siya nagsalita buong biyahe. Puro tango at iling lang ang sinasagot niya. Finally, nakarating na din sila sa mall. "Tara Jc, wala ka namang lakad di ba?" tanong ni Jhing.

"Hep hep hep tara na kasi ang tagal na nating hindi nakapag bonding" sabi ni Jhing nang tangkahing umayaw ni Jc. Wala nang siyang nagawa at sumama na lang siya sa magkaibigan. Samantalang si Em ay hindi pa rin kumikibo dahil sa sobrang kilig.

Kanina pa sila paikot ikot sa mall at madami na din silang nabili. "Tara don tayo sa cinema" pag aaya ni Jhing. Hinila niya ang dalawa para hindi na sila umangal pa. "Ohh, ito na yung tickets pati popcorn. Wait lang restroom lang ako ha" saad ni Jhing.

"Akin na tulungan na kita" "Ahh hindi okay lang ano ka ba" pagpapakipot na sabi ni Em. Biglang tumunog ang cellphone ni Jc. Tumatawag si Rina. Naghintay si Em na matapos ang tawag. "Malapit na daw si Rina dito, manonood din daw siya" sabi ni Jc kay Em.

Mamaya maya pa ay dumating na Rina. "Hello, Jc and..." "Ah, babe si Ember nga pala bestfriend ni Jhing" sagot ni Jc. Kitang kita sa mga mata nila na sobrang mahal nila ang isa't isa. Hindi maiwasang mainggit ni Ember.

Doon niya finally narealize na kung mahal mo ang isang tao 'hahayaan mo siyang maging masaya kahit hindi ikaw ang dahilan'. Sabi niya sa sarili niya, siguro may taong may nakalaan para sa kanya. Kaya naman niyang maghintay para sa "the one".

"Ahh, by the way, this is my kuya, Hiro" pagpapakilala ni Rina. Hindi pinansin ni Hiro si Jc. Nagulat si Em nang, bigla siyang nagpakilala "Hi, Hiro nga pala" saad ni Hiro. Di alam ni Em ang gagawin. Di niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Para gusto niya itong titigan na lamang. "Uhm, Hi din" di pa rin inaalis ang kanyang tingin sa mga matang tila nangungusap.

"Ohh, Hiro bat ka nandito" tanong ni Jhing na kakadating lang. "Uhm, Jhing, ito ba si Em? Yung kinukwento mo sakin dati?" tanong ni Hiro. Palihim na ngumiti si Jhing. Finally nagmeet na niya si Em. "Oo, ito yung kaibigan ko." "Anyways, iwan na namin kayo ha" sabi ni Jc. Namalayan na lang ni Em na wala na sila nung nagsalita si Jhing. "Tara, sine na tayo don sa horror"

Nasa ginta si Em sa kanan niya si Hiro sa kaliwa naman si Jhing. Ayaw na ayaw ni Em ang mga horror movie. Madalas kasi niyang napapanaginipan ito. "Waaahhhhhh" malakas na tili ni Em at di niya namalayan na napayakap na pala siya kay Hiro.

"Ehem, sorry" pagpapaumanhin ni Em. "It's okay, kapit ka lang pag natatakot ka na. Di kita pababayaan" saad ni Hiro.

Palihim na ngumiti na naman si Jhing. Natutuwa siya dahil matagal nang may gusto si Hiro kay Em. Hindi man aminin ni Hiro sa kanya. May nakita siyang picture ni Em sa wallet niya. Kaya naisip niya bat hindi siya maging tulay para maging masaya na silang dalawa.

8 years later
"Love, naalala mo ba dati yung una nating pagkikita? Yung sa sine?" tanong ni Em sa kanyang boyfriend na si Hiro. "Ahh, oo naman, love. Pero alam mo love hindi yon yung unang nakita kita. January 12 birthday yon ni Jhing yon yung una kitang nakita. Naalala ko pa non naka white dress ka tapos may hawak na regalo. Sobrang ganda mo non hindi ko maiwasang hindi tumitig sayo."

"Kaya hindi na rin ako nagpakatorpe. Nung nalaman ko na maypupuntahan yung kapatid kong si Rina at kasama si Jhing. Automatic syempre nandoon ka. Kaya tumawag ako kay Jhing at nagpatulong. Sobrang tuwa ko nang pumayag si Jhing. Nagulat nga ako nung sinabi niya 'buti naman at di ka na nagpakatorpe'. Hahahaha, alam pala niya na may gusto ko sayo" pagkukwento ni Hiro.

"Thank you, love, sa pag aalaga at pagmamahal na binibigay mo sakin. I love you, Hiro" sabi ni Em.

"I love you too, mahal ko" sagot ni Hiro nang may ngiti sa kanyang mga labi.

The End.

Started: April 19, 2019
Finished: April 19, 2019

Untold Stories Where stories live. Discover now