031

29 0 0
                                    

Please support bae jinyoung's hard to say goodbye, yoon jisung's I'll be there and nuest's bet bet.

Wannables iloveyou (^ 3^) (^ 3^)

~~~~~~~~~~~~~~~~~
Raffy's POV

Andito na ako sa bahay namin. Di na ako sinalubong nila  mama sa airport dahil sabi ko. Bakit ba? Mapapagod lang sila eh hahaha.

"Ate!!pasalubong ko?" sabi sa akin ng kapatid ko. Kita mo 'tong lalaki na to. Pasalubong agad hinanap sa akin eh?

"Hanep ka Drei! Di mo man lang ako kinamusta? Kakadating ko lang tapos pasalubong agad hinanap mo?" pabiro kong sabi sa kanya hahaha

"Halata namang okay ka lang ate eh. Hahaha" lintek na bata to. Di ata ako nito love eh.

"Heh ewan ko sayo. Jan!tingnan mo sa maleta ko"sabi ko sa kanya. Kaya ayun hinalungkat na yung maleta ko.

"Kamusta ka naman dun anak? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong sa akin ni papa.

"Hindi naman po papa. Mababait naman sila sa akin dun" sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"Nabalitaan namin yung nangyari sayo duon. Tinawagan kami ng presidente ng kompanya niyo" sabi namam ni mama.

Nabigla ako. Bakit sinabi pa ni president kila mama yun? Bakit di ko alam na sinabi nya?

"Wag niyo na po alalahanin yun mama. Okay lang namam po ako eh. Hehehe. Namiss ko po kayo" sabi ko sabay yakap sa kanila ni papa.

"Oi!! Sali naman ka jan sa family hug. Iniiwan niyo ako eh" maktol naman ng kapatid ko.

"Ay lika na dito kapatid dali. Miss ka na ni ate eh hahaha. Ilove you bro!!" sabi ko sa kanya.

"I hate you bro!!" sabi nya sa akin. Pero yumakap din naman. Kita mo to. Hahaha. Ayaw na ayaw nya kasing sweet ako sa kanya. Kinikilabutan daw sya. Sus!!alam ko namang gustong gusto din nya.

"Oh sya sige. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Alam kong pagod ka" sabi ni mama.

Pumunta na ako sa room ko at nahiga. Hayyy. Namiss ko yung kwarto ko na to. Ahihihi..

Ringgggg~~~~~

Hmmmm. Sino naman kaya tong tuamtawag na'to?

"Hello?" sagot ko dun sa tawag.

"Ice" biglang nagbago expression ng mukha ko. Mukhang alam ko na kung sino to.

"Kailangan mo? Diba sabi ko sa iyo wag niyo na ako tatawagan?" sabi ko sa kausap ko. Hanep..

"Nalaman namin yung nangyari sayo sa Korea. Hinihintay ka namin na tawagan kami pero di mo ginawa. Nakalipas na at lahat ang isang buwan wala pa din. Tapos ngayon nalaman namin na nandito ka na ulit sa Pilipinas." hayyy

"Bakit ko kayo tatawagan? Wala namang kinalaman sa inyo yung nangyari ah. Saka pinapasundan niyo ba ako ha ?Snow?" umiinit ang ulo ko ahh.

"Pasensya ka na Ice. Namimiss ka na kasi namin. Balik ka na oh! Miss ka na namin nila Hale at Frost." sabi ni Snow sa akin.

"Tsk. Alam niyo kung bakit ayaw ko na diba? Kaya pwede ba? Wag na wag niyo na ako kokontakin. Baka kalimutan ko pang naging kaibigan ko kayo" huli kong sinai bago ko ibaba yung tawag.

LIVING WITH MY IDOLS ☞WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon