034

26 0 0
                                    

Raffy' POV

Natapos ko yung exam ngayon ng walang problema kahit na lumilipad ang isip ko sa korea.

Oo hindi ako makapag focus kanina pero nasagutan ko naman ng maayos lahat ng questions.

Sa mga oras na ito ay sigurado akong anduon na sa korea ang winter. 3 weeks pa ako dito sa Pilipinas.

Matatagalan talaga bago ako makabalik duon kaya kailangan ko ang winter. Hindi naman kasi kaya ni ahjussi guard na bantayan lahat ng members ng sabay sabay eh.

Gagawa at gagawa ng paraan yang mga saseang fans na yan para makalapit sa Wanna One. Kaya inutusan ko ang winter para hindi sila makalapit.

Ringggggg

Rinig kong tumunog yung phone ko.

Alex pakyut Calling..

“ow?” sagot ko sa tawag.

“grabe bruh?? Wala man lang hi hello ganern?” sabi nya sa akin. Arte talaga nito kahit kalian.

“wala bakit?” sagot ko sa kanya.

“ay bakit ang cold hehehehehe. Namiss ko yang pagiging cold mo. Bumabalik na ba si Ice?hihihi” sabi nya sa akin. Kaya napasimangt na ang ako. Oo alam niya yung past ko.

Alam niya na isa akong agent. Kaya nga mas nanganib ang buhay niya eh dahil alam niya na ako si Ice. Sya ang unang pinuntirya ng mga kaaway ko.

“bakit ka ba tumawag?” tanong ko sa kanya. Iwas natin yung topic.

"Ihhhhhhhhhh" lantod nito ah..

“wala kang sasabihin?ibaba ko na ‘to!” sabi ko sa kanya.

“oy grabe ka naman babae!!! Kita tayo sa cafe dun sa ayala triangle” sabi nya.

“kay. Geh na!” sabi ko saka pinatay yung tawag.

Naglakad na ako papuntang sakayan. Mabilis lang naman ako nakasakay. Habang nasa byahe ako ay nakatanggap ako ng message.

From: hale

We’re here.

Buti naman andun na sila. Mabilis pa rin talaga sila. Hmp. Alam ko naman na ginamit nila yung private airplane ng winter.

Ini-off ko na yung phone ko saka tumunghay sa daan. Traffic, maingay, mausok, mainit. Hindi ganito sa Korea hahaha..

Kapag pumasa kami ni Alex, magtatayo kami ng firm. Pangarap namin yun eh.

Since may pera naman sila Alex and yung sinasahod ko naman pagiging manager ko eh Malaki-laki na din. Wala naman ako halos gastos eh.

Nang mkarating ako ng cubao ay bumaba na ako. Mag mrt na lang ako papuntang ayala. Traffic eh. Baka andun na si Alex. Nakabili na ako ng ticket kaya pumasok na ako.

Habang papunta ako sa platform ay may nakabangga ako. Tiningnan ko yung nakabangga ko. Nagulat naman sya samantalang ako eh straight face lang.

“Raf…” isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Raf.

“ow?” tanong ko kay Gab. Oo tama kayo ng basa. Si Gab nga.

“kamusta exam?” tanong nya sa akin.

“okay lang naman” walang gana kong sagot sa kanya.

“pwede ba tayong mag-usap?” tanong nya sa akin.

“nag-uusap na tayo diba?” sarkastiko kong sagot sa kanya.

“Raf..”

“sige aalis na ako. Anjan na yung tren” sabi ko at tinalikuran ko na sya.

LIVING WITH MY IDOLS ☞WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon