035

24 0 0
                                    

Raffy' POV

Any minute from now, lalabas na yung result ng board exam kaya eto kami ngayong buong pamilya kinakabahan.

Naka-abang na kami sa announcement ng PRC. Maya-maya lang may nag-notif sa akin.

SHITTTTT!!!!! Eto na yung result. Punyeta!! Kinakabahan ako.

Hinanap ko yung name ko sa list of passers. Syempre letter f  ang simula ng surname ko kaya agad kong hinanap yung mga apelyidong nagsisimula sa letrang f. pero bigo ako.

Walang Raffy Fuentes akong nakita. Pakshet!!! Hindi ba ako nakapasa?? Naiiyak na ako huhuhu!!

Alex Calling..

“bru!!! Nakapasa ako omygashh!!!!!!!”  sabi  nya sa akin. Hayyy buti pa sya.. naiiyak na ako..

“bruh! Hindi ako nakapasa “sniff”” sabi ko sa kanya na humihikbi.

“anong hindi nakapasa?”  tanong nya

“bagsak bes huhuhuhu” hindi ko na napigilan yung iyak ko. Shet!!!

“paano mo naman nasabi na bagsak ka aber?”  pagalit nyang tanong sa akin.

“bruh!!! Wala yung name ko nung tiningnan ko yung list of passers waaahhhhh!!!!” bulahaw ko ng iyak..

“gaga ka talaga kahit kalian. Uso tumingin sa top natchers bru!!” sabi naman nya kaya nagtaka ako.

Pero tiningnan ko pa din yung list ng mga nag top.

“PUTANGINA!!!!!!!! BRUH!!! TOP 7 BRUH!!!!!!!! WAAAHHHHHHHH!!!!!!!!” mas lalong lumakas yung iyak ko. Tangina huhuhu..

“gago ka bruh!!ang sakit sa tenga ng iyak mo!! Pero BRUHHHHH!!!!!!! CONGRATS SA’YO!!! HUHUHUHUHU. I’M SO PROUD OF YOU WAHHHHH!!!!”  nyeta masakit daw sa tenga yung iyak ko pero yung kanya mas masakit..

“bruh!!!! Wahhhh!!!” iyak ko sa kanya..

“bruh!! Huhuhu” nag-iiyakan na kaming dalawa dito.

“baba ko na bruh. Sasabihin ko kila mama huhuhu” sabi ko sa kanya.

“sige bruh!!! Nga pala tangina mo!! Ang galing mong hayp ka!!” lutong ng mura hanep

“bruh !!! same to you blehh :P” sabi ko sa kanya sabay baab ng tawag..

“MAMAAAAA!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko kaya naman biglang bumalibag pabukas yung pinto ng kwarto ko. Grabe ahh.. ibig sirain. Pshh

“BAKIT? ANONG NANGYARI SA’YO? SAN ANG SUNOG????!!!” tanong nya na pasigaw.

Hoooo!!! Hingang malalim.

“MAMA!! PASADO AKOOOO.. TOP 7!!!!!” sabi ko kay mama saka nagtatalon sa kama ko huhuhuhu. Sobrang sayo ko ngayon!!!

“WAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!! ENGINEERRRRRR NA ANAAKKKKK KOOOOOO!!!!!!!” sigaw ni mama. Ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana. Hahahaha

Tahimik lang si papa na nakikinig sa amin ni mama magsisigaw. Pero maya-maya lang ay umiiyak na din sya. Huhuhuhu.. sobrang saya ko.

Si Andrei ayun tumatakbo sa loob ng bahay ng paikot-ikot habang sumisigaw ng “YOOOOOOOOOOOO!!!!! ENGINEEEERRRRRRR NA ATEEE KOOOO!!! MAYYYY ATE NA AKONG ENGINEERRR!!!” oh diba? Ang abnormal naming pamilya. Si papa lang yung matino hahahaha..

Nakareceive naman ako ng text galing kay frost, hale at snow. Take note, hiwa-hiwalay pa sila ng text samantalang iisa lang naman ang sasabihin. Mga baliw talaga.

From frost:

Congratulations Ice.

Oh diba ang cold ni frost? Bagay yung code name nya sa personality nya. Pero mas cold ako.

LIVING WITH MY IDOLS ☞WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon