037

22 0 0
                                    

I'm back!! Hehehe. Busy lang po masyado. Need ko po kasi mag cross-enroll sa bulacan. Bakbakan po eh. Kailangan makapasa. Sorry sa matagal na hindi pag-update (^-^)v

~~~~~~~~~~
Raffy's POV




Sa loob ng kalahating buwan ng pananatili ko dito sa Pilipinas, napakaraming nangyari na.




Nakapasa ako sa board exam, and inaayos na ngayon ng papa ni Alex yung business namin.




May nahanap na din kami na maghahandle nito since wala naman kami experience. Kumbaga,para pa rin kaming ojt.



Pag-aaralan namin yung mga kailangang matutunan sa industriya ng pagiging inhinyero.



Kalahating buwan na lang din at babalik na ako ng Korea. Sobrang miss ko na yung mga alaga ko eh.




Nagkakausap naman kami madalas pero iba pa din yung kasama ko sila.



Ang dami na ngang naglalabasan na balita na pinalitan na daw ako bilang manager nila eh dahil nga mejo matagal na din akong di nakikita ng publiko.




Hayyy nako. Mga rumors talaga. Gaya nga ng sabi ko, babalik ako ng Korea after a month.



Tungkol naman sa construction company na itatayo namin, ako hahandle sa mga plano. Bali email email na lang.





Mejo mababa nga lang ang magiging share ko sa kita since wala naman ako dito and di ko masusupervise yung mga magiging project namin.





Which is okay lang naman sa akin. Walang kaso yun dahil may work din naman ako sa Korea.




Ayos na yun. At least magagamit ko pa din pinag-aralan ko.




Di ko kayang i-let go ang wanna one eh. Hahaha




Nga pala, mga kalahatian ng august, comeback na ng wanna one! Yeheyyy!!





Yung pinakahihintay ng mga fans mangyayari na. After ilang months ng paghihintay.




Gusto kasi ng wanna one, perfect lahat kahit walang perfect sa mundo. Hahaha. De joke lang.





Sa ngayon. Ang pinagkaka busyhan ko muna ay ang pagpapaayos ng aming bahay.




May nakuha kasi akong pera sa school ko dafi dahil nga nakasama ako sa mga nag top sa board exam.




Dito ko muna pinapractice ang pagiging registered civil engineer ko. Oha!!




Kaso, habang andito ako, patuloy naman ang panggugulo sa akin ni Gab. Isama mo pa yung fiance nya.




Kung hindi text or tawag ay pumupunta dito yung lalaki na yun.




Di ko alam kung ano ba talaga kailangan nya. Nakaka-inis lang. Kasi ayaw nya akong tigilan.




Kaya kapag nalaman naman ni Reign na nagpupunta si Gab dito, aba ayun sinusugod ako at kung anu-ano sinasabi.




Kahit anong taboy ko kay Gab pabalik-balik sya dito. Di ko na nga lang pinapansin eh. Hayy nako.




Teka nga pala. Two days na hindi tumatawag yung mga alaga ko ah.




Pati yung tatlong may malalamig na pangalan walang updates na binibigay sa akin. Hmmm.




LIVING WITH MY IDOLS ☞WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon