Prologue

85 1 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME AND IT WAS FUNISHABLE BY LAW
Please do not redistribute in any form without the consent of the author. Any name and instances that are similar to any person, dead or alive, are purely coincidental. This is made through the imagination of the author..
Sinulat ko to dahil na-inspired ako sa kwento ni Moira dela Torre at ni Rose ng Titanic. Don't get me wrong,this is made through my imagination. I don't plagiarise.
Please read and respect.Do not be so rude as well as your author.May mga wrong grammars diyan,kung babasahin nyo,salamat.At kung hindi naman,salamat parin..
PLEASE DO VOTE,COMMENT AND FOLLOW ME @Violet_Vogainvillea
thats all..Kamsahamnida! ^_^V

PROLOGUE

ILang beses na'kong sinaktan,Ilang beses naring niloko,pinagpalit,ginawang panakip butas at iniwan. Ilang beses narin akong nagpapakatanga sa taong hindi naman dapat.
Minsan tinatanong ko,mali ba ang magmahal o mali lang ako ng minahal?

"Carina,Please...Stop this shit!" Medyo tumaas na ang boses nya,halatang nagagalit na.
"Jace naman..alam ko,marami na'kong nagawang kasalanan sayo pero huwag naman ganito oh...Sabihin mo lang gagawin ko lahat ng gusto mo huwag mo lang akong iwan..." pagsusumamo ko.Hindi ko kayang mawala sya sa'kin.
"No Carina,itigil na natin to. Alam mong hindi na kita mahal! No,I don't love you at all so please leave us alone! Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang desperadang tulad mo! I am deeply inlove with HER. I'm sorry,I'm breaking up with you." Tinalikuran na nya akong tulala,nanginginig ang buong katawan ko.Nakatanaw lang ako sa likod nyang papalayo na sakin.
Ang sakit,Sobra..Yung tipong ginawa ko namn ang lahat pero hindi parin naging sapat.Ano pabang kulang? Hindi naman ako pangit,hindi naman ako mataba,hindi naman ako bobo ahh..pero bakit? Oo,Sabi ng iba matalino daw ako,pero nagpapakabobo ako sa pag-ibig.Ganon naman talaga diba? Kapag nagmahal ka,masasaktan ka talaga.Dahil kalakip ng pagiging masaya ang pagiging malungkot,meserable.Kung hindi ka nasasaktan,hindi ka nagmamahal.
Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tumingala ako sa kalangitan,nakikiramay sya sa sakit na nararamdaman ko. Naglakad-lakad ako,hindi ko alam kong san ako pupunta. Hanggang sa namalayan kong nasa harap na ako ng simbahan..Dito talaga ako dinala ng mga paa ko? Pero bakit?
"Kung naririnig mo'ko,sana last na po ito. Ang sakit po kasi eh,lagi nalang ganito..Gusto ko lang naman magmahal at mahalin pero bakit po ganun? Alam ko po na wala akong karapatang humiling kong sino ang dapat magmahal sakin ng totoo pero hinihiling ko po na sana bigyan mo ako ng taong mamahalin ko ng buo habangbuhay. Hihingi po ako ng sign para malaman ko kong sya na talaga ang gusto nyo para sa'kin. Una,Bibigyan nya ako ng isang bagay na pinaghirapan at hindi basta-basta nabibili sa tabi-tabi o sa mga malls. Pangalawa,bibigyan nya ako ng tatlong magkakaibang bulaklak. At pangatlo,yung dadalhin ako sa simbahan. Yung may takot SAYO para kapag niloko nya ako,alam nyang nagkasala sya SAYO." binabanggit ko yan habang umiiyak at nasa ilalim parin ng ulan. Unti-unti naring nagdidilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak na'ko sa semento.

Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Kailangan masaktan? Nakakapagod na,oras narin siguro para magbagong buhay na..Yung bago ang lahat,Yung sarili mo lang ang iintindihin mo. Yung pag-aaral mo lang itutuon ang atensyon mo. Yung hindi ka nasasaktan. Yung walang mananakit sayo.

The Man who meant for meWhere stories live. Discover now