★2

5 0 0
                                    

Chapter 2

Alas kwatro na ng madaling-araw ngunit hindi na ako ulit nakabalik sa pagtulog. Ten hours of sleep earlier is already enough.

I hugged my knees, thinking what will I do starting this day. The truth that it's already 2046 can't still sink in me.

Umalis ako sa kama at binuksan ang ilaw sa kwarto. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata upang mag-adjust sa biglaang liwanag.

Inilibot ko ang aking paningin. Iniisip kung saan maaaring naitago ang aking sling bag.

Tanda kong nakasabit pa rin ito sa aking katawan noong nasa waiting shed pa lang ako.

Hindi ako nahirapang hanapin ang aking bag. Nakatago lamang ito sa top drawer ng bedside table. 

Nagpasalamat ako nang wala namang nawala sa mga gamit ko. I rummaged through my things, hoping for something that will give me a clue on what is happening.

Wala namang nangyaring kakaiba sa mga gamit ko. Agad kong kinuha ang resibong nakaipit sa aking cellphone case nang maalala ito. It may tell me the date.

Napatitig lamang ako sa blankong papel na aking hawak. Burado na ang mga nakasulat sa dating resibo. Alam kong hindi naman ito mabubura kung kahapon lamang nangyari ang lahat.

Mas lalo akong nanghina. 

I know that guy is telling the truth but I need it to confirm for myself. Hindi madali sa'king maniwalang 27 taon na ang nakalilipas.

Binuksan ko ang aking cellphone at tulad ng inaasahan ay battery drained na ito. Wala akong charger na nakatago sa bag.

Lumabas ako ng kwarto nang tahimik upang wala nang ibang magising.

Dumiretso ako sa sala at naghanap ng cellphone charger. Nakakita ako sa ilalim ng center table.

Agad kong chinarge ang aking cellphone. Ngunit hindi ito umilaw bilang senyales na nagchacharge na. Hinayaan ko muna ito at naghintay ng ilang sandali. Marahil sobrang lowbat ito.

Nakaidlip ako sa sofa dahil sa inip ng paghihintay.

Ngunit paggising kong muli ay ganun pa rin ang lagay ng aking cellphone.
Nangamba akong baka hindi na ito muling bumukas.

Ilang beses kong tinanggal-balik ang baterya ngunti walang nangyari. Ilang beses ko na ring pinindot ang power on. Sinigurado ko pang nakasaksak ang extension na pinagchachargan ko.

Inis akong tumayo at binato ang cellphone. Nanlaki ang aking mata sa aking ginawa.

Agad ko naman itong pinulot at napangiwi na lamang nang makitang nagkaroon ng crack ang screen nito.

Binalik ko ang battery dahil natanggal ito sa pagkakabato ko at muling sinaksak sa charger.

Napatalon ako ng makitang umilaw ang diode na nagsabing charging na ito. Pinipigilan kong tumili dahil may natutulog pa.

Kailangan lang pala kitang ibato.

Napakembot ako at napasayaw ng kahit anong step na maisipan nang makitang bumukas na ang aking cellphone at makitang 1%.

Natigilan lamang ako nang marinig na  may nagpipigil ng tawa. Napalingon ako sa pinanggalingan nito.

Nanlaki ang mga mata ko. "Kanina ka pa dyan?" tanong ko.

Gusto kong takpan ang aking mukha sa kahihiyan. Sigurado akong pulang-pula na ang aking mukha.

He chuckled. "I didn't see you dancing."

Born With 27 LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon