★4

5 0 0
                                    

Chapter 4

Paikot-ikot ako sa aking kama. I can't sleep even though I feel so tired with everything that happened that day.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala-wala ang mga iniisip ko. Dumagdag pa ang kalituhan ko.

I hugged the spare pillow tightly and spaced out again. Ilang oras na akong nakatulala at hindi makatulog.

I verified later that day that I am still the owner of my unit. Kataka-takang akin pa rin iyon kahit matagal na dapat tapos ang kontrata ko.

Mas ikinalito ko kung ano ang ginagawa ni Ridge doon dahil ako pa rin naman ang may-ari ng unit. Kung paano siya nakakuha ng access para doon. Magkaiba na ang Ridge noon sa Ridge ngayon.

He didn't remember me but he remembered my unit? There's something wrong but I can't tell what.

Mas lalo pang bumagabag sa'kin ang ikinilos niya nang makita kami. Tila nahuli siyang may maling ginagawa.

Matapos mabigyan ng updated na keycard ay binisita ko ang unit. Walang pinagbago. Kung paano ko ito natandaang iniwan,ganoon pa rin. Ano ang ipinunta ni Ridge?

Binalak kong tuluyan nang muling tumira doon ngunit hindi pumayag si Dieu.

"It's for your security. What if that guy is a bad one? He may go back here again." sinabi niya.

Alam kong hindi masama si Ridge pero may tinig sa'king isip na nagsasabing maaaring bagong Ridge na ang nakasalamuha namin. But I know deep down my heart, he's still the same old Ridge.

Wala akong nagawa kundi pumayag na lang kay Dieu kaya nandito muli ako sa kaniyang guest room.

Pinilit din niya akong magdala ng gamit para sa isang linggo. Pipilitin kong hindi tumagal ng ganoong panahon dahil maaaring nakakaabala ako.

Lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng gatas para makatulog na rin.

Madilim na ang buong penthouse bukod sa dim lights sa iilang sulok. Siguradong tulog na rin si Dieu.

Pagkababa ay dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng gatas. Sinamahan ko na rin ito ng cookies.

Kahit madilim ay hindi ako makaramdam ng takot. Masyadong komportable ang aura ng kaniyang penthouse.

Ngunit ang makaramdam ng sobrang pagkakomportable ay nakakatakot din. Your so much comfort may make you unready for everything that can wreck you.

Napapitlag ako nang maramdamang may tila hanging dumaan sa aking likod. Mabilisang pagdaan ng hangin.

Sinuri ko ang paligid. Walang anumang kakaiba.

Tumingala ako sa bandang direksyon ng kwarto ni Dieu. Nakita kong bukas ang ilaw ngunit agarang namatay din naman.

Hindi ko alam kung totoong bumukas nga ang ilaw ng kwarto niya o repleksyon lang iyon ng ilaw mula sa labas.

Dala ang baso ng gatas, pumunta ako sa sala. The furnitures were minimal only. Halatang lalaki ang nakatira.

Lumapit ako sa nag-iisang picture frame na nandoon. Isang masungit na Dieu ang nasa larawan. Kabaliktaran ng tunay na personality niya.

Halatang bagong kuha lang iyon dahil ganoon pa rin ang itsura niya sa picture. Nakasuot siya ng long sleeve polo at bukas ang unang tatlong butones.

Wala ng iba pang mga pictures doon bukod sa nag-iisang 'yon.

Napansin ko ang isang cabinet na puro figurines. This must be his collection.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Born With 27 LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon