Nine

465 7 0
                                    

Trina POV

"Yan buti na lang may natural ka na Ganda kaya light lang na make'up linagay ko sayo" Sabi ng make'up artist sa akin "ang ganda po ng anak nyo" Sabi ng make'up artist kay mama

"Oo nga ehh mana sa ina" Sabi ni mommy. Suusss! "Oh sya sya anak mabihis kanadun. Dun ang damit mo sa room natin" Sabi niya

"Sige mom" Sabi ko at humalik sa pisngi nya at umalis ng make'up room. Bago ka makarating sa room namin madadaanan mo muna ang venue ng party buti na lang at sa ibabaw at hindi mismo sa venue. Tiningnan ko lang ito. Ang daming tao, eto na naman ang kaba ko. Lininga- linga ko lang ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad patungo ng aming kwarto pagkapasok ko nakita ko ang evil cousins ko na ginutay- gutay ang gown ko

"What are you two doing?!" I shout to them at lumapit sa kanila. Bigla naman nila tinapon sa akin ang gown ko na punit- punit sa ilalim

"Siguro naman sa lagay na yan hindi kana makakaattend ng party noh?" Sabi ni Loisa

Tiningnan ko sila ng masakit

"Nope. Salamat sa inyong dalawa dahil sa ginawa nyo mas lalo pa akong namotivate na umattend ng party" Sabi ko

"How sad... Umalis na ang ngdeliver ng gown. Saan ka kukuha ng gown mo anyway?" Tanong mi Lisa at tumingin sa kapatid nya at nag'uphere sila.

Oo nga noh? Parang sino ako na umasta pero wala na pala akong mapagkukunan. Tiningnan ko sila ng taas noo at Di ko pinahalata na kinabahan ako

"For me to know and for both of you to find out later." Sabi ko at kinuha ang gown ko na punit- punit pumunta ako sa CR at narinig ko na tumatawa sila palabas ng kwarto. Lumabas ako ng cr at linapag ang gown ko sa mesa "enahale exhale" Sabi ko sa sarili ko at pabalik balik ko. "What should I do?" Kiniskis ko pa ang dalawang palad ko. Tiningnan ko ang gown ko at kinuha ito at tiningnan. Di ko alam pero may biglang pumasok na idea sa isip ko at naghanap ako ng gunting. Karayom at sinulid na yellow. Nung nakakita ako nagsimula na ako sa pag'aayos ng aking gown. Shettt Di pa nga nagsimula ang party haggard na ako tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin Di naman halata ehh konting retouch lang to. After many minutes matapos din ako tiningnan ko ulit ang gown ko. This much better na. Tiningnan ko ang wall clock

"Holy shizzz! 5 mins. na lang I need to hurry" Sabi ko at pumasok na lang ako ng cr at sinuot ang gown ko pagkalabas ko sinuot ko ang heels ko. Black stilleto heels na transparent. Bagay na bagay talaga sa damit ko. Tiningnan ko ang itsura ko. Medyo may mga pawis kaya linabas ko ang make'up set ko at rinitouch ko ang sarili ko. Nasira na rin ang hairstyle ko dahil sa kakamadali. So binuhaghag ko na lang ang buhok at inayos ang hairstyle ko at spray some sparynet then viola. I still look classy and gorgeous. Sariling puri HAHAHA. Biglang pumasok si mama na nakabihis na.

"Mom saan ka nagbihis?"

"Sa make'up room anak nandun na rin kasi ang gown ko. Pero what have youve done to your gown and to your hairstlye?"

"Someone destroyed my gown mom and dahil sa pagmamadali ko sa pag'ayos ng gown ko nasira ang hairdo ko. So I choose to buhaghag na lang I have no time na kasi na ayusin pa"

"Pero ang ganda ng gown mo ha? Saan ka kumuha nyan?" Tanong nya

"Mom this is my gown inayos ko lang" Sabi ko

"What?! Seriously?! Kailan kapa natuto gumanyan?" Bulalas na tanong ni mommy

"Err! Diba your are a designer so do I? So dapat lang natural na natural nato sa akin" Sabi ko "tara na mom" Sabi ko at naglakad na kami

"Ayy oo nga hahaha nakalimutan ko peroWow! It's so fabulous anak! Pero speaking of gown sino ang sumira anak?" Tanong ni mom

"It's my business mom. Ako na ang bahala sa kanila" Sabi ko at ngumiti. Naningkit naman ang Mata ni mommy "I promise mom walang gulong mangyayari pagsasabihan ko lang. I swear. Well kung sila ang mag'uumpisa" natatawang sabi ko

"TRINA LOPEZ!"

Author's POV

Busy sa kakachika ang dalawang magkapatid na Loisa  at Lisa nung nakita nila si Trina na may suot itong gown at mas malala pa mas maganda pa ito sa kanilang gown.

"What the hell? Where did she get that gown?" Bulalas na sabi ni Lisa

"Don't tell me..." Sabi ni Loisa at tiningnan si Lisa

"Ang gown na sinira natin" sabay na sabi ni Loisa at Lisa

"Mga anak ano ang tinitingnan nyo?" Sabi ng mommy nila Loisa at Lisa

Tiningnan nya naman ito only to find out it was her sister in law and her daughter

"Anak akala ko na nasira nyo na ang gown mo Trina? Where did she get gown anyway?" Tanong ng mommy nila Loisa sa kanila

"Mom yan ang damit na sinira namin I don't know kung paano masolusyunan ni Trina yan"

"My my napakatalino ata no Trina ahh"

Nung nakita ni Trina ang mga pinsan nya biglang naningkit ang mata nya at tiningnan sila ng masakit. Inirapan rin ni Loisa at Lisa si Trina

"Here are the family Lopez. To start with Elizabeth Lopez" at pumasok si Madame Elizabeth Lopez at naglakad sa red carpet

"Leonardo Reyes" at pumasok ang tatay no Tricia. Si Tricia Kasi ang sister in law sa pamilyang Lopez at asawa nya lang ang Lopez pero namatay din ito nung bata pa lang dahil komplikasyon sa puso

"Then Tricia Lopez and Celestine Anderson" Sabi ng hostess at pumasok si Tricia at Celestine ngumiti ang dalawa sa isat ISA na kunwari close sila pero nagplaplastikan naman sila

"Mike Reyes, Maricar Reyes, Bryan Lopez, and  Kaycee Lopez" at pumasok ang mga titas at Tito's nila Trina sa side Ng mommy nya at sa side ng papa nya

"Lastly the apo's Loisa Anderson and Lisa Anderson and Trina Mae Lopez" naglakad na Sana papasok si Trina ng tinulak na siya ni Loisa at Lisa kaya natumba sya at napaupo

"Jan ka bagay"  Sabi ni Lisa

Bigla naman tumayo si Trina nung nakita nya pumasok na si Loisa at Lisa at nag'uumpisa na sa paglalakad sa red carpet. Biglang pumasok si Trina at napasinghap ng mga tao

"Halaaa! Si Trina nga!"

"Shettt ang namatay tao"

"Kawawa naman ang pamilya Lopez. Sobrang kahihiyan to"

Yan ang mga narinig ni Trina pero binalewala nya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad

At di sa kalayuan nakatingin naman si Naddie, Sabrina at Niel Kay Trina. Masakit ang tingin ni Naddie pero si Sabrina at Niel parang wala lang.





To be Continued~

Please keep support and vote

Miss_Dyosa

Elizer Estacio

Thank you!

Lovelots❣️

IWR: Who Am I? (Completed)Where stories live. Discover now