Chapter 5

488 23 3
                                    

Chapter 5
Trouble

Naisipan naming mag movie marathon ngayon. Gaya ng suggestion ni Koen horror movies ang panonoorin namin. Nakapantulog sila lahat at tanging siya lang at si Brysen ang nakapambatang suot.  Kay tanda tanda ganun manamit at siya pa ang nagsuggest na horror movie ang panoorin gayong siya pala ang takot na takot.

Imbis na matakot kami ay matatawa pa kami ng dahil sa kaniya.

"Dex, ayoko na natatakot na ako," sabay tago nito sa tagiliran ko. Natawa naman ako sa inasta niya.

"Suggestion mo 'yan, tapusin natin kung ano ang sinimulan," Natatawang sabi ko rito halos makurot na niya ako sa tuwing nakakatakot 'yung scene.

"Kuya Koen, stop it! Will you? You're too annoying!" Salubong na kilay na suway ni Brysen.

"Bakit Brysen hindi ka ba natatakot?" Nakanguso nitong hamon. Aawayin na naman niya 'yung mas bata sa kaniya. Isip bata talaga, tch.

"Bakit ako matatakot? It's just a movie." Irap nito saka tumayo. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng fresh milk. Bumalik na parang walang nangyari.

"Okay Koen it's just a movie don't be afraid." Pag-aalo nito sa sarili na sinabayan niya ng malalakas na buntong hininga. Nakakatawa't siya pa mismo ang nagpapalakas sa loob niya.

Dalawang movies lang ang pinanood namin dahil hindi na rin namin kinaya ang kakasigaw ni Koen. Dinaig pa ako. Alas dose ng matapos kami.

At nakahiga na ako sa aking kama. Sa ibaba nitong double deck na tinutulugan ko ay si Koen.

"Dex, hindi ako makatulog nakikita ko pa rin 'yung mga multo sa pinanood natin," Sinilip ko siya't naka balot sa kaniya ang kumot. Hayss. Katanda pero astang bata. Natawa naman ako sa kaniya.

"Dex, bakit ka tumatawa?" Bumangon siya at muntik pang mauntog.

"Nakakatawa ka kasi, katanda tanda mo na pero gan'yan ka umasta." Nakasilip parin ako sa kaniya. Ngumuso naman siya at umupo sa higaan niya.

"May time kasi na gusto ko manood ng mga horror movies at may time na dadalawin ako ng takot hanggang sa pagtulog ko," Kamot ulong sabi nito sa akin. Tumaas naman ang isa kong kilay.

"Kung ganun pala, bakit ikaw pa 'tong naghamon na horror movies ang panoorin natin?"  Taas kilay kong tanong sa kaniyaya. Ngumuso't may kinapa siya sa ilalim ng kama. May tali akong nakita, hinila niya naman ito at tumambad ang iba't ibang klase ng mga chichirya. Kumuha siya inalok niya ako pero tumanggi ako.

"Parang maganda kasi pero hindi ko naman alam na hanggang pagtulog ko dadalawin ako nun." Aniya habang ngumunguya. Iba ang trip ng isang ito.

"Wag mo nalang isipin at matulog ka na gabi na." Humiga na ako saka pinakiramdaman kung natutulog na siya pero naririnig ko pa rin 'yung pagnguya niya. Naiistorbo ako pero saglit lang nagsalita siya.

"Sige Dex, tulog na tayo may pasok pa tayo bukas." Napasilip naman ako sa kaniya.

"Papasok na ako bukas?" Takang tanong ko rito. Tumango naman siya.

"Bakit ayaw mo ba pumasok?" Humiga na rin siya at binalot na naman ang sarili ng kumot.

Humiga na rin ako saka diretsong tinignan ang kisame.

"Nakakapanibago lang at puro lalaki ang lugar na 'to, baka magtaka na naman ang iba bakit ako nandito." Hindi naman na siya umimik kaya sa tingin ko nakatulog na. Ang dali naman kung ganun.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon