Chapter 1

16.1K 141 45
                                    


ANIKA'S POV

"Anika! Dalawang buwan ka ng Hindi nakakapagbayad! May balak ka pa bang magbayad!?" Inis na Sabi sakin ni Aling Sonya

"Ang Sabi ko po mamayang gabi po ako magbabayad Kasi po sahod ko, promise po, ako po mismo kakatok diyan sa kwarto Niyo para magbayad" sagot ko

"Oh sige hihintayin ko Yan ah!" Sabi nito saka tumalikod at umalis, saka ko siya dinilaan

Kainis! Umagang umaga naniningil! Parang napakangganda Naman ng apartment niya eh ang dami namang ipis!. Pero buti nalang at nagising niya ako, tanghali na Rin kasi.

Pagkatapos ng usapan namin ay isinara ko na Ang pinto saka naligo dahil ayokong malate sa school, baka mabilad na naman sa araw.

Hirap na hirap Kong sinuklay ang buhok ko dahil naubusan ako ng shampoo, buti nalang talaga at sahod ko mamaya. Working student ako, pagkatapos ng klase ay diretso ako sa coffee shop ng tita ko. Medyo nakakapagod Lang Kasi sa umaga estudyante ako at sa Gabi Naman ay trabahador ako pero ayos Lang naman sakin, Ang iniisip ko nalang ay parusa ko na 'to hay!.

I'm Anika Turalba, 17 years old and I'm grade 12 student. ABM ang strand ko Hindi dahil magaling ako sa math kundi dahil gusto ko Lang. Nag aaral ako sa Saint Anthony Academy, isang private school, Yun Lang Kasi Ang school na malapit dito sa apartment na tinitirahan ko Kaya no choice ako.

Patakbo akong pumunta sa Gate ng school ngunit huli na ang lahat. Humarang si Mr. Nam sa harap ko habang malawak Ang ngiti Kaya bumagsak ang dalawang balikat ko.

"Aba! Bwena Mano ka iha ah! First day of school pero late ka? Napakahusay!" Nakangiting Sabi nito, ka vibes ko 'to eh

"Talaga Mr. Nam? Ang galing apir Tayo diyan!" Nakangiting Sabi Ko at apir kami saka sumeryoso Ang muka niya

"Pwesto!" Sigaw nito at tinuro Ang isang bakante

Sumunod Naman ako, tinaas ko Ang bag ko at tumayo Lang. Ito Ang parusa sa mga late, 10 minutes Ito Kaya mabababad ka talaga sa init. Istrikto Kasi Ang eskwelahan na 'to dapat before 20 minutes na mag uumpisa Ang klase dapat nasa loob ka na ng campus dahil Kung Hindi, may parusang nag aabang sayo, diba napaka istrikto!.

"Second runner ka Lang ngayon Mr. Antonio!" Rinig Kong Sabi ni Mr. Nam Kaya napabuntong hininga ako at naramdaman Kong tumabi Ito sakin

"Hahaha!" Tawa nito ngunit Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko Ang ulo ko "hoy gurang"

Kung minamalas ka nga Naman!

"Gurang anong section mo ah?" Tanong niya sakin

"Abm b" walang gana Kong sagot

"Uy! Tanga classmate tayo"

--__--

Natanga pa ako ng hinayupak!

"Hoy bat di ka sumasagot ah! Matapang ka na!?"

Luh? Kitams! Kung ano ano naiisip!

"Kayong dalawa! Pwede na kayong pumasok!" Sabi samin ni Mr. Nam at ibinaba ko ang kamay ko saka sinuot Ang bag

SABAY TAKBO NG MABILIS!

Baka Kung ano pang gawin sakin ng Alien na Yun!

Siya si Prince Lucas Arevalo ang isang malaking BWISET sa buhay ko!. My one and only ENEMY!.

NAGSIMULA YAN LAST YEAR.

Ganito Yan!.

Kaibigan ko Kasi ang Ex GF Niya na ngayon. Nagbreak sila dahil sakin o dahil narin Kay Prince bwiset Yan!. Nahuli ko siyang nakikipaghalikan sa ibang babae at sinumbong ko yun sa kaibigan ko, Kaya sila naghiwalay. Nalaman ni prince na ako ang nagsumbong dahil sinabi sakanya ng kaibigan ko!, Diba hanep! Nagmalasakit na nga ako eh binuking pa!.

MY SWEETEST REVENGE|VSooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon