Chapter 9

2.4K 44 4
                                    

ANIKA'S POV

Naglalakad ako papunta ng room at nasira agad ang araw ko ng Makita ko si Sandy na nakatayo at tila ba may hinihintay. Malamang baka si alien na naman ang inaabangan niya. Bilog nga Naman Ang mundo, dati Si alien ang naghahabol, ngayon si Sandy Naman.

Masama ang tingin niya sakin habang naglalakad ako papalapit sakanya. Inirapan ko siya at nag dire-diretso papasok sa loob.

Kala mo ikaw Lang ah!'

Mamaya na ang Contest Kaya kailangan Kong ikondisyon ang sarili ko. Gusto Kong i-relax ang utak ko.

Nakita ko si alien na pumasok habang salubong ang kilay, Kaya sumilip ako at Wala na dun si Sandy. Iniwas ko nalang Ang tingin sakanya dahil Wala Naman akong paki. Kahit magtampuhan at magsapakan pa sila diyan Wala na akong paki haha! Putik Ang sama ko talaga!.

"Anika!" Tawag sakin ni Alien at parang naiinis ang tono nito

"Oh?"

"Pwede bang kausapin mo si Sandy?"

"Haha" sarkastikong tawa ko "gago ka ba? Pag nakikita pa nga lang niya ako parang sinasakal na niya ako sa utak niya eh"

"Nakakairita na!"

"Nakakairita? Eh diba lab lab mo Yun?" Natatawang tanong ko "layuan mo Kasi ako, iwasan moko para 'di magselos! Ganun Lang yun, lalambingin ka nun!"

"Hindi moko naiintindihan eh!"

"Wala ako sa mood intindihin ka, Wala akong talent intindihin ang Isang alien"

"Alien your face!"

DISCUSS

DISCUSS

DISMISS

After lunch ang Contest kaya nagsimula na akong kabahan. Hindi ko na nga halos magalaw ang snacks ko pero kailangan kong kumain para may laman Ang utak ko. Kahit saan ako magpunta ay dala dala ko Ang ilustration board ko. Nakakangawit!.

"Anika" tawag sakin ni Victoria saka siya tumabi sakin

"Hm?"

"Good luck ah, lampasuhin mo sila!"

"Tss hahaha! Wag mo akong i-pressure"

"Ay haha sorry, Basta do your best, Kaya ikaw ang si-nuggest ko kay ma'am Sheena Kasi Alam kong magaling ka"

"Naks Naman! Thank you!"

Class president namin si Victoria, muka siyang masungit pero mabait Naman pala.

"Excuse me po, Sino daw po yung sasali ng poster making contest?" Tanong ng biglang sumulpot sa pintuan, Hindi namain kaklase

"Si Anika!!!!" Masayang sigaw ni alien, abnuy talaga!

"20 minutes before magsimula, dapat nandun na daw po kayo sa hall"

"Ok!!!" Sigaw ni alien, saka umalis ang babae

"Bat ikaw ang sumasagot!?" Iritang tanong ko Kay alien

"Kinakabahan ako"

"Bakit!? Ikaw ba lalaban!?"

"May epekto sakin Ang resulta" bulong niya at tumango naman ako

Oo nga 'no!

Hindi ko tuloy Alam Kung gagalingan ko ba o Hindi!. Pag nanalo ako, magiging alipin ko si alien, masaya Yun! Makakapaghiganti Rin ako sa mga pambwi-bwiset niya sakin araw araw! Magiging utusan ko pa siya!. Pag natalo Naman ako,... ok lang din, para Naman lumuwag luwag ang mundo ko. Tatanggapin ko ang offered sakin ni daddy na lilipat ako sa school na pagmamay-ari namin. Matagal na akong pinipilit ni dad na palipatin ako ng school. Dahil daw sabi ng ka- business partners niya sakanya ay kaisa-isa nila akong anak pero hindi man lang ako mapag aral sa school na pag mamay ari namin mismo. Dahil matigas nga Ang ulo ko, binigyan ko siya ng kundisyon at Yun nga na pag natalo ako sa Contest, papayag ako sa gusto niya, at pumayag Naman siya.

MY SWEETEST REVENGE|VSooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon