Chapter 2

4.1K 54 2
                                    

PRINCE'S POV

Ayo! Ladies and Gentlemen!

Habang naglalakad sa Gitna ng Daanan ay nginingitian ko ang mga babaeng napapasulyap sakin. Sikat Kasi ako at gwapo pa! Wait there's more! Talented pa!. Dancer ako dito sa campus at kahit anong salihan namin ng mga kagrupo ko ay Hindi kami umuuwing talunan!.

Ay! Si Sandy!

"Hi Sandy!" Bati ko sakanya ng Makita siyang naglalakad mag Isa "Sabi ko Hi"  paguulit ko ng Hindi niya ako pansinin

"Ano ba!?" Salubong na kilay niyang tanong

"Uhm.. Sorry nainis ba Kita?" Tanong ko habang nagkakamot ng ulo

"Ano sa tingin mo?! Wag mo na akong kakausapin--"

"Bes!"

Lumingon ako Kung saan nanggaling Ang salitang yun, at nabwiset!. Kahit kelan talaga panira 'tung gurang na 'to.

"Hi Bes!" Bati sakanya ni Sandy

"Sabay na tayo!" Sabi ni gurang at inakbayan si Sandy saka sila tumalikod

Hindi niya ba ako nakita?! Bwiset!

O_O

>>__<<

Mabilis ko silang sinundan ng lingunin ako ni gurang at dilaan!? Aba! Tarantado talaga 'tung gurang na 'tu!.

"Hoy gurang!!" Tawag ko sakanya at pumunta ako sa harap nila

"Ako Gurang?!" Tanong ni Sandy habang nakaturo sa sarili

"Halla Bes! Gurang ka daw? Halla! Kung ako sayo sasapakin ko Yan!" Panggagatong ni Gurang

"Hindi ikaw Ang gurang, Kasi maganda ka" paglilinaw ko saka ko tinuro si Gurang "siya! Siya Ang gurang!"

"Naku! Nagpapalusot ka pa! Tabi nga diyan! Harang harang eh panira ng view! Tabi!!" Sigaw sakin ni Gurang at natawa naman sakanya si Sandy habang nakatakip Ang bibig Kaya napangiti ako sakanya "ngiti ngiti ka pa diyan! Kutusin Kita diyan eh!" Sabi pa no gurang ngunit Hindi ko Ito pinansin at Kay Sandy Lang ako nakatitig

"Sasabay na ako!" Sabi ko at tumabi ako Kay Sandy

"Bakit ka sasa-- aray!" Kinurot ko Ang braso ni Gurang na nakaakbay Kay Sandy para manahimik siya

Please Sandy, Sana tayo nalang ulit huhu!

Pinagsisisihan ko talaga Ang ginawa ko sakanya dati. Ipinaramdam niya talaga saking Mahal niya ako pero sinayang ko Lang.

Aaminin Kong ako talaga ang may maling nagawa samin.

Last year ko siya nakilala, nagtransfer sila dito sa SAA kasama si Gurang. Nagandahan ako sakanya pero napakasuplada niya, Kaya na challenge ako. Pinagpustahan namin siya ng mga kagrupo ko sa Dance troupe na pag napasagot ko siya ay isasali nila ako sa isang dance competition na matagal ko ng gustong salihan.

Nagtagumpay ako, napasagot ko siya at naging kami. Habang kami ay biglang nagparamdam Ang Ex Girlfriend ko Kaya nawala Ang atensyon ko sakanya dahil sa ex ko na sa tingin ko noon ay Mahal ko parin ngunit Hindi pala.

Nahuli ako ni gurang na nakikipaghalikan sakanya at sinumbong niya Kay Sandy Kaya kami naghiwalay. At nung mga panahong Wala na kami dun ko naman napagtanto na totoong nagugustuhan ko na siya. Napakabuting niyang tao at minahal niya ako, ngunit Tama si Gurang sinayang ko Lang siya.

Kaya ngayon, sinusuyo ko siya dahil gusto Kong maging kami ulit, gusto Kong makabawi dahil Mahal ko siya!. Napakatanga ko!.

"Justin!" Biglang sigaw ni Sandy habang naglalakad kami, at lumingon Ang isang lalaki saka huminto "Bes Kay Justin na ako sasabay ah, may pagusapan Kasi kami para--"

MY SWEETEST REVENGE|VSooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon