Marami akong natuklasan. Sa loob ng isang buong araw na hinahalungkat ang secret files na kaytagal kong binubuksan ay marami kaagad akong nalaman tungkol kay Hiroshi.
Siya ay isang sundalo kagaya ni Benito. Ngunit ang kanilang pagkakaiba ay hindi siya lumalaban para sa Clod.
Nalaman ni Benito na hindi galing sa Clod si Hiroshi. Siya ay isang sundalo na lumalaban para sa Higashi. Pagkatapos na matuklasan ang tunay na kakilanlan ni Hiroshi ay nagawa niyang pasabugin lahat ng Mechagon ng Clod at nakatakas pabalik sa Higashi. Nang akala na ng lahat ng nasa Clod ay wala na silang magagawa, nasabotahe ang Higashi. Lahat ng kanilang kagamitan ay nasunog, ang mga Mechagon nila ay hindi makontrol at karamihan sa kanilang sundalo ay nalason.
Umamin ang salarin bago pa man lumala ang gulo.
Ito ay walang iba kundi si Hiroshi.
Ang pagbitay sakanya ang isang bagay na napagkasunduan ng dalawang bansa. Iyon lamang ang isang bagay na napagkasunduan ng dalawang bansa buhat ng nagsimula ang alitan. Bago siya parusahan, ang tanging hiling na kaniyang hiningi ay makausap ang pinuno ng dalawang bansa.
Hindi ito nasunod. Kundi, ang parusang kanyang nakamit ay ang public execution na naganap sa Clod and Higashi borders, where the land of the two countries meet.
Maraming sundalo, parehong galing sa Higashi at Clod, ay dumalo sa araw ng kanyang bitay. Sa panonood ng pagkamatay niya ay natanto ng ibang sundalo kung ano ang mali nila.
"What's the sense of this war if we don't even know what was the reason behind it in the first place? This chaos has gone on for long enough, it's not necessary anymore. Whoever wins or loses this war doesn't matter anymore, victory in this war will be all for naught if we fight blindly. No happiness will be found if you win a war without knowing what you really fought for."
Iyan ang huling salita ni Hiroshi. Funny how they allowed him to say all that before he got beheaded by the guillotine. Surely what he said was something worth treason. Sabagay, 2 treason na din ang nagawa na kaya bakit hindi nya pa itodo bago siya matuluyan diba?
Hindi man agarang nahinto ang labanan, ngunit pagkatapos ng kanyang pagkamatay ay nabawasan ang kaguluhan. Maraming sundalo ang hindi na ninais na lumaban sa kabilang panig. Minulat ni Hiroshi ang mata ng maraming tao. Ipinarinig niya ang isang bagay na marami sa mga lumalaban ay nais isabi ngunit natatakot lamang.
He was the voice of the fallen soldiers who died without knowing what they died for.
He shouted things that no one dared to speak of.
It was suicide but he still went with it.
He was the Great Hero of Terra.
Ngunit ang kanyang naambag sa Terra ay hindi naipangalan sakanya. Hindi siya ang kinilalang Great Hero sapagkat ang Uthgard Society ang kumuha ng titulong ito.
"The Uthgard Society is not what it seems."
Sa hindi pa malamang paraan, nagawa ng Uthgard Society na mapaniwala ang lahat ng tao sa Terra na sila ang nagpahinto ng kaguluhan. Itinago nila ang lahat ng impormasyon tungkol kay Hiroshi dahil ayon sakanila, hindi dapat tingalain ang isang traydor.
***
Sa huling linggo ng pagtatanggal, pito nalang ang natitira sa mga representatives. Ako ang pangwalo sa bilang. Tatlo lamang ang natirang representative na galing sa Clod, kung isasali ako. Ngunit ayon kay Mr. Sui, sinwerte lang ako dahil pumayag ang Uthgard Society na walo ang kuhanin.
"As of now, I assume all of you already know why there were only limited slots that were given to people that will stay here in Uthgard." Isang larawan ang lumabas sa hologram; ang mukha ng presidente ng US. "It is because you are the greatest of the greats. I would like to congratulate all of you, for all your hard work."
BINABASA MO ANG
After the War
Historia CortaThis story is set on a post-apocalyptic world. May isang matinding gera na nangyari sa mundo na tumagal daan-daang taon bago naresolba. Ilang taon ang lumipas nang kanilang nakamtan ang kapayapaan, mayroon namang nalaman na sikreto si Carlo na hin...