the world we live in.

16 3 8
                                    

532 NEN

"Welcome to Uthgard, the floating paradise. Here in Uthgard, we will provide, assist and help you when in need. Our mission is to give our guests the ultimate comfort as they enjoy their stay. For more information about Uthgard, feel free ask in the information desk located at the city's Central Hall near the station. Enjoy your stay, thank you!"

I closed the holographic note that was given to me when I went out of the hovercraft.

Uthgard, I'm now standing at where the elites live. I never thought I'd set foot on a place like this. I've always dreamt to go here and it still feels like a dream that I am here. Ganito pala ang pakiramdam sa taas, ramdam mo na ligtas ka sa mga ibang nakakatakot na nilalang dahil sa dome na nakapaligid sa Uthgard. Pero kahit na mayroong nagtatakip sa Uthgard, malamig parin at ang hangin dito ay napakalinis kumpara sa Higashi at Clod.

"Are you Carol?" May lumapit sa aking babae na nakasuot ng puting blouse na mayroong simbolo ng Uthgard samaliit na bulsa ng damit. Ang buhok niya ay parang isang piluka na kasing kulay ng kalangitan. Ang kanyang mukha ay puno ng kolorete na kumikislap pa.

"It's Carlo actually." Sagot ko sakanya. "Napagbaliktad lang ang dalawang huling letra pero malapit-lapit na rin." Mahinang pagsabi ko. Tinignan ako ng babae ng matagal. Hindi siya nagsalita, tumitig lang kaya't medyo nailang naman ako.

"You speak the native language of Clod, please wait as I download the data needed to understand your language." Sabi ng babae, biglang nagbago ang boses niya kaya nagulat ako. Ngayon ko lang natanto na isa pala siya sa mga sinasabi nilang Jinzo, mga robot na nakakalat lamang sa Uthgard para tumulong sa tao. Walang Jinzo sa Clod kaya hindi ko alam kung ano ang itsura nila ngunit ang sabi saamin ay mukha silang mga normal na tao.

Malayo ang tingin ng babae pagkatapos niyang sabihin na siya ay magsisimulang magdownload. Ang buong katawan niya ay nakadiretso lamang, parang bangkay na nakatayo ngunit nakamulat. Walang makikitang emosyon sa mukha niya, at ang kanyang mata ay biglang nagbago ng kulay. Napansin ko ding hindi siya kumukurap. Nagulat nalang ako nang bigla siya gumalaw.

"Download complete." Isang boses ng robot muli ang nagsabi.

Parang naging iba ang kaharap ko nang ngumiti siya. "Pasensya na, hindi ako nakapagpakilala kanina. Ako nga pala si Skyla, ang Jinzo na naka-assign sa iyo." Pinakita niya ang isang ID na mayroong larawan niya, ibang personal information at logo ng AJA, Association of Jinzo Assistants. "Magandang araw sa iyo Carlo Dizon ng Clod." Kinamayan ako ni Skyla habang nakangiti ng sobra. Tumango nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"The download of my language wasn't necessary you know, I can speak English just fine." Sabi ko sakanya ngunit tinawanan lamang ako ni Skyla. 

"Yes. I am aware that I must not underestimate you, Carlo Dizon of Clod, pero kasama sa protocol namin ang paggamit ng native language ninyo para mas madali ang ating pag-uusap." Sabi sakin ni Skyla.

"Sundan mo lang ako at ituturo ko saiyo kung saan ang bago mong tirahan." Ani Skyla habang nauna ng maglakad. Sinunod ko nalang ang kanyang sinabi. Marami akong napansin na gamit na hindi karaniwang makikita sa Clod gaya ng lumulutang na sasakyan na karaniwan nilang ginagamit bilang transportansyon. Must be nice to have your own hovercraft like that.

Nagtungo kami sa isang gusali na hindi malayo sa Central Hall. Mataas ito at mayroong kakaibang hugis. Hindi kagaya ng mga gusali sa kinalakhan ko na ang hugis lamang ay parihaba. Ang hugis ng gusali ay parang maalon na parihaba at ang iba ay parang puno, nakakapagtaka kung paano ito itinayo. Anong support kaya ang meron dito? Pano nila naitayo iyon ng ganon kaayos?

After the WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon