PART 1

7 0 0
                                    

Sabi kasi nila kapag in love ka, inspired ka. Sa naaalala ko, wala pa kong nararamdaman na ganun. Yung sasabihin sakin na may talent ako pero walang concept, na ideal ako maging boyfriend pero wala namang girlfriend. Pero para sakin, dadating din naman yan.

"So hanggang kailan ka maghihintay?"

Tinitignan ko kung may naiwan pa ba ko sa mga na pack kong gamit. Tatlong araw lang naman yung na booked nung client ko dun sa hostel. 


Pero syempre hindi ko naman kayang mag light pack at kaylangan pang icheck yung mga lapis at pens na gagamitin ko. I was told na gumawa ng isang artwork para sa isang matandang tycoon, para daw kasi sa anak niya yun. Kahit ano naman din yung binigay niya sakin na theme, basta something na mayroong beach. So tama lang din ang naisip niya na kumuha ako ng motivation sa lugar na gusto niya.


"Ayoko naman mag madali Belle.. Bata pa naman ako.."


"Bata your face! 24 ka na noh!"

Sabi nila sakin, nagkaron naman daw ako nag girlfriend dati. Jane pa nga daw yung name pero mga bandang high school daw yun then after that wala na. Focus na daw ako sa pag drawing at painting. Minsan na nga lang daw ako sumama sa barkada eh. Kaya konti lang daw yung circle ko dahil sa hobby ko.


"Basta pasalubong ko Eli.. Kahit abs nalang ng mga surfers don.."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or maiinis na babyahe mag isa. Originally kasama ko si Belle pero since may duty pa siya, nag decide ako na mag bakasyon nalang mag isa. Okay naman na ako lang ang mag babyahe, at least makakahanap ako ng peace at makakapag muni-muni pero mahirap din kasi na mag stay sa isang unfamiliar place na ikaw lang mag isa.4am palang nasa bus station na ko. 

Since hindi naman ako marunong mag drive at isa pa wala akong sasakyan, nag decide ako na mag commute nalang. Medyo matagal din daw ang byahe kaya madaling araw palang umalis na ko. Patulog palang din si Belle nung umalis ako kaya hindi niya na rin ako naihatid sa station.

Seventeen liters na backpack lang ang dala ko at nag super light pack nalang din ako dahil kalangan ko pang pagkasyahin yung mga gamit ko sa trabaho ko. Kaya mas kumportable akong makakapag byahe kung hindi tumabi sakin itong matandang may bitbit na bahay sa bus. Puwesto ako sa tabi ng bintana para makatulog sa byahe, siya naman sinakop na halos yung dalawang upuan na binayaran naman daw niya. 


Hindi ko nalang din pinansin yung ginagawa niyang pag dasal dun sa cards na hawak niya dahil sobrang antok ko na.Yung first stop over naming sa may shell, nakausap ko pa siya. Binigay niya sakin yung lumang pouch na nakatago sa wallet niya. 


Hindi ko alam kung bakit pero kinuha ko nalang din nang hindi na niya ako kulitin.


"Kapag gusto mong malaman yung totoo, isaboy mo lang to sa kasinungalingang gumugulo sa isip at puso mo.."


Uso na yung weird na mga tao ngayon kaya ngumiti nalang ako sakanya sabay tago nung binigay niya. Madalas meron nito sa Quiapo, yung may lalapit sayo tapos sasabihing may mangyayari sakin at bibigyan ako ng kung ano sabay singil. 

Kaya nasanay nalang din ako. Pinisill pisil ko pa nga yung pouch at medyo iba pa nga yung nasa isip ko, na baka akalain stoner ako dahil sa laman nito at matokhang pa ko.

IllusionWhere stories live. Discover now