Rianne's PoV
Natapos ang three days namin sa beach. Maaga kami ngayon pauwi. Si Stephen ang nagdadrive ng sasakyan ko kasi di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil nga ang ingay nilang tatlo.
"Bat di ka pa matulog Rianne? Malayo pa naman ang byahe," sabi ni Stephen.
"Okay lang yan. Pag pagod ka na ako na papalit sayo," sabi ko.
"Wag ka ng makulit. Sundin mo na lang si Stephen. Ako na lang magdadrive pag napagod sya," sabi ni Lorraine.
"Matulog ka na dyan," sabi ni Yves.
"Sige sabi nyo," sabi ko at sumandal sa gilid para matulog.
Mahaba haba din ang tulog ko kaya nagising na lang ako nung papasok na kami sa loob ng subdivision nina Yves.
"Goodmorning," sabi ni Lorraine.
"Morning," sabi ko.
Nang makarating na kami kayna Yves agad na pinark ni Stephen yung kotse at nagsilabasan na kaming lahat.
Napaupo naman akong pabagsak sa upuan nina Yves habang sila ay nilalabas yung gamit nila sa compartment ng sasakyan ko.
Napapikit naman ako. Inaantok pa talaga ako.
"Rianne,"
Napadilat ako. Nakita ko naman si Yves na medyo malapit saakin habang tinignan ako.
"Hmm?," tanong ko.
"Matulog ka muna sa kwarto mo dali na. Kami na bahala dito," sabi nya at tinutulak nya pa ako.
"Salamat," sabi ko at pumunta sa kawrto ko. Hindi ko na talaga kaya so natulog na lang ako.
________
Nagising na lang ako ng may marinig akong notif sa cellphone ko. Fudge 3:30 pm na?
Nandito na lahat ng gamit ko sa kwarto. Yung mga damit wala. Bigla namang bumukas yung pinto.
"Rianne, nalabhan ko na lahat ng damit nyo. Maligo ka na muna at bumaba ka na para kumain," sabi ni Tita.
"Salamat tita," sabi ko at lumabas na sya ng kwarto ko. Naligo muna ako saka lumabas.
Ang tahimik sa sala.. nasan na kaya si Yves?
Nagugutom ako ngayon kaya pumunta ako sa kusina. Magluluto sana ako ng makakita ako ng pagkain na may takip. Binasa ko naman yung note.
"Nagluto ako ng adobo para sayo. Sabi ni Manang paborito mo daw yan kaya nilutuan kita. Nandito nga pala ako kayna Bryan ngayon. Safe naman namin naihatid si Lorraine sa kanila. Uuwi din ako mamayang 5 pm," sabi nya.
"Luh kung makaasta sya para ko syang syota ah," sabi ko.
Tinikman ko naman yung adobo. Syet ang sarap.
Kumain na kaagad ako. Halos maubos ko na yung nasa mangkok. Kaya hinugasan ko na lahat ng pinagkainan ko. Pinuntahan naman ako ni tita.
"Masarap ba?," tanong ni tita.
"Opo,"sabi ko.
"Nako naperfect nya yan kasama yung Mommy nya. Bata pa lang tinuturuan na sya ng Mommy nya magluto," sabi ni Tita.
"Tita, ano nga pala paboritong pagkain ni Yves?," tanong ko.
"Nako marami. Parehas sila ni Stephen kain ng kain," sabi ni Tita at tumawa.
"Pero gustong gusto nya yung caldereta ng mommy nya. Naalala ko nung bata yan umiiyak yan ng umiiyak pag di nasusunod ng mommy nya yung pinapaluto nya," sabi ni Tita.
"Teka ihahanda ko nga lang yung iluluto ko para mamayang gabi," sabi ni Tita.
"Gusto mo tita ako na lang ang magluto?,"tanong ko.
"Kaya mo?," tanong ni tita.
"Aba tita. Best cook ako ng tropa namin. Ako din tagaluto pag nandyan si Mama at Papa," sabi ko.
"Sige na. Magluto ka na. Lilinisin ko lang yung cr. Ichecheck na lang kita mamaya pag tapos na," sabi ni Tita.
"Sige po tita," sabi ko at umalis na sya.
BINABASA MO ANG
Our Summer | c.yj & s.rj
FanfictionTXTZY Chatfic Series #1 Choi Yeonjun × Shin Ryujin :: notes before reading ▪︎marami pong bad words na nakasulat dito. ▪︎this is just a fictional story, lahat po dito ay gawa gawa lamang ng aking imahinasyon. ▪︎thank you and enjoy reading! God bless...