Rianne's PoV
Nasa mall kami ngayon ni Yves. Nilibre nya kasi ako ng milktea.
"Salamat," sabi ko.
"Libre pa kita araw araw okay lang," sabi nya.
Nagtaka naman ako biglang tumigil sa paglalakad si Yves. Pero maya maya naglakad ulit sya. Ano bang problema neto?
"Saan mo pa gustong pumunta?,"tanong nya.
"Ikaw?,"tanong ko.
"Yves?," napalingon kami sa tumawag.
"Oh Pia?," tanong ni Yves.
"Long time no see," sabi ni Pia?
"Oo nga. Long time no see," sabi ni Pia.
"Ikaw si Rianne diba?," tanong ni Pia.
"Oo," sabi ko.
"Nice to meet you," sabi ni Pia.
"Nice to meet you din," sabi ko.
"Pia kanina pa kita hinahanap,"
Napalingon ako sa lalaking yun.
"Henry?," tanong ko.
"Ooww small world," sabi ni Yves.
"Oo nga," sabi ni Henry.
"Ano mo si Henry?," tanong ni Yves kay Pia.
"Cousin ko," sabi nya.
"Ikaw? Ano mo si Rianne?," tanong ni Henry.
"Girlfriend ko," nasamid ako sa sinabi ni Yves.
"T-talaga?," tanong ni Pia.
"Eh bakit parang ayaw ni Rianne?," tanong ni Henry.
"Kami talaga. Actually nandito kami kasi nag tampo si Yves sakin kagabi," sabi ko.
"Hindi ka naman matampuhin Yves ah," sabi ni Pia. Bakit ba nila kami pinagdududahan?
"Sino bang di magtatampo kung andaming umaaligid sa taong mahal mo?," sabi ni Yves at nagpout.
"Sabagay," sabi ni Pia.
"Sige na mauuna na kami," sabi ni Yves.
"Sige," sabi ni Pia at nagpaalam na kami.
"Magpinsan nga. Parehong nangiwan," sabi ni Yves.
"Baliw ka," sabi ko.
"Pangalawang araw na pala kitang girlfriend," sabi niya at inakbayan ako.
"Gusto mo naman?," tanong ko.
"Halatang nakamove on na tayo ah," sabi ni Yves.
"Wala na akong pake kay Henry ano. Kahit na nga di pa tayo magpanggap sa kanila eh," sabi ko.
"That's our Riri," sabi ni Yves at ginulo ang buhok ko.
"Yah," sigaw ko at inayos yung buhok ko.
"Tara mag amusement park tayo," sabi nya at hinila ako palabas ng mall.
Pagkarating namin sa amusement park, agad nya akong hinila sa vikings.
Ang cute lang para syang bata na gustong gustong sumakay sa mga rides.
Nang matapos kaming mag vikings, nadaanan namin yung store ng mga headbands.
"Tara punta tayo dun," sabi ko at hinila sya paloob.
Tumingin kami sa loob. Nagulat ako ng bigyan ako ni Yves ng headband na may tenga ng pusa. Sinuot ko naman.
"Ayan bagay sayo. Mukha kang pusa," sabi niya at ngumiti. Bigla akong napatigil sa mga ngiti nya. Teka anu bang nangyayari sakin?
"Eto try mo," sabi ko at binigay yung headband na may tenga ng aso.
"Ang cute," sabi ko. Binili naman namin yun.
Nang makalabas kami saka kami nag picture dalawa. Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Yves.
"Para tayong magjowa," sabi nya. Bigla namang tumibok ng mabilis yung puso ko. Rianne ano bang nangyayari sayo?
BINABASA MO ANG
Our Summer | c.yj & s.rj
FanfictionTXTZY Chatfic Series #1 Choi Yeonjun × Shin Ryujin :: notes before reading ▪︎marami pong bad words na nakasulat dito. ▪︎this is just a fictional story, lahat po dito ay gawa gawa lamang ng aking imahinasyon. ▪︎thank you and enjoy reading! God bless...