Rianne's PoV
Kinabukasan maaga akong pumasok para makasabay sa bus ng Big Hit Academy. Kinakabahan talaga ako. Ano kaya mangyayari mamaya? Ano kaya mangyayari samin ni Yves?
Kasama ko na yung mga kaibigan ko sa bus at maya maya bumaba na kami dahil malapit lang din naman to sa school namin.
Pag baba ko nagulat ako sa mga hiyawan ng mg lalaki.
"We love you Rianne," sabi ng mga grupo ng mga kalalakihan na may hawak na banner at picture ko.
"Sikat ka pala dito," sabi ni Yvhone. Miski ako nagulat ako. Ordinaryong estudyante lang ako sa school namin.
"Ehem," napatingin ako sa lalaking nag linis ng lalamunan. Nakita ko sina Stephen, Brian, Thomas, Kyle at Yves. Si Yves yung naglinis ng lalamunan at masama din yung tingin nya sa mga grupo ng kalalakihang nagchicheer sakin.
"Welcome sa school namin," bati ni Brian.
"Tara na. Magiistart na yung flag ceremony," sabi ni Stephen at sabay sabay na kaming sumunod sa kanila.
"Welcome JYPNation University students!," sigaw ng principal nila. Nasa stage kami ngayon at nakaharap sa mga estudyante ng school na ito.
"Para hindi kayo maligaw inassign namin yung mga unang bumoto sa inyo para maging partner nyo," sabi ng principal.
"Sana pre ako nauna kay Rianne. Feeling ko ako naman eh," sabi nung isang lalaki. Nakita ko naman si Yves na masamang nakatingin sa lalaking iyon.
"Lorraine Choi at Stephen Choi,"
"Ayieeeee," sabi naming magkakaibigan. Puno nanaman to ng kaharutan.
"Cherry Lee at Thomas Kang,"
"Ayieeeee," hiyaw nanaman naming magkakaibigan.
"Yvhone Hwang at Brian Choi,"
"Yanna Shin at Huening Kyle,"
"Rianne Shin at...,"
Napatingin ako sa principal. Nahulog nya kasi yung papel bwisit. Napatingin din ako sa mga estudyante. May mga nag dadasal at naka cross finger.
"Rianne Shin at Yves Choi,"
"AYIEEEEEE," sigaw ng mga walangya kong kaibigan. Maraming nadismaya. Nakita ko namang nakangisi lang si Yves sa kanila.
Nako hindi ko alam paano ko sya lalapitan nito.
BINABASA MO ANG
Our Summer | c.yj & s.rj
FanfictionTXTZY Chatfic Series #1 Choi Yeonjun × Shin Ryujin :: notes before reading ▪︎marami pong bad words na nakasulat dito. ▪︎this is just a fictional story, lahat po dito ay gawa gawa lamang ng aking imahinasyon. ▪︎thank you and enjoy reading! God bless...