17☆5

10 1 0
                                    

Eunie's

Nagising ako ng masakit ang aking ulo. Mukhang naparami yung ininom ko kagabi.

I remembered everything. Pakiramdam ko isa akong nauupos na kandila. Tumulo na naman ang luha ko ng naalala ko si shin.

Nilibot ko yung paningin ko sa kwartong kinalalagyan ko ngayon. Hindi sa akin ang kwartong ‘to. Naalala ko kagabi bago ako mawalan ng malay, si seokmin. Sa kanya kaya itong kwarto na ‘to?

Biglang bumukas yung pinto kaya dali dali ko ding pinunasan ang luha ko. Pumasok si seokmin na may dalng hang over soup at juice. May sandwich din.

“good morning” bati nya sa akin. Hindi ako sumgot. Nakatingin lang ako sa kanya.

“uy!!! Wag ka ngang tumulala! Iisipin ko nagagwapuhan ka sa akin nyan eh. Hay nako.. hirap pala talagang maging gwapo. Tsk” lintik ang hangin ah.

“tsk. Di ka gwapo. Haha” sabi ko sa kanya

“ayan tumawa ka na yeheyyy!!!” tsk. Babaw ng kaligayahan ng isang ‘to ah.

“Eunie, wag mo na uulitin yung ginawa mo kagabi ah! Wag ka ng magdadrive ng lasing ka. Paano kung may nangyaring masama sa’yo?? Alalang alala kami nila Sai sa iyo alam mo ba yun? Di ka din naming ma-contact kahapon” sabi nya sa akin. Na guilty naman ako lalo na kay Sai.

“alam na namin kung anong nangyari kaya please lang, andito lang kami kung kailangan mo ng kausap” seryoso nyang sabi sa akin.

Tumango na lang ako ng bahagya kasi masakit talaga ulo ko.

“oh sya. Kumain ka na. lalabas muna ako. Babalik na lang ako pamaya maya ah.” Sabi nya sa akin. Bakit ba ang bait sa akin ni seokmin?

“salamat min-min” mahina kong sabi sa kanya kaya ngumiti naman sya sa akin at umalis na.

Kinain ko na yung dala nyang pagkain. , masarap talagang magluto yung isa na yun ah.

Teka pala, kailangan kong tawagan si Sai.

Dialling Sai.

“HELLO EUNIE!!!! BAKIT NGAYON MO LANG AKO NAISIPANG KONTAKIN HA?” nailayo ko bigla yung phone sa tenga ko.

“sorry na Sai.” Malungkot kong sabi sa kanya. Hanep ako ang boss nito ah. pEro yaan mo na nga. Pinag-alala ko sya eh. Kaibigan ko rin naman si Sai.

“sabi sa akin ni seokmin hyung nag drive ka daw ng lasing. Hindi ka ba nag iisip Eunie? Oo boss kita pero sana naman isipin mo naman kami. Ayaw kong mawalan pa ng isa pang kaibigan. Nawala na nga si shin pati ba naman ikaw? *sniff*” narinig ko yung pag-iyak niya.

Shittt!!! Bakit nga ba di ako nag-iisip??aishhhh!!

“sai. Sorry. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko kahapon eh. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin si shin” sabi ko sa kanya. Naiyak na lang din ako.

“alam ko yun pero sana isipin mo din sarili mo. Akala mo ba matutuwa si shin sa ginawa mo?” oo siguradong hindi matutuwa yun..

“shit Sai!! Yug photo shoot pala. Diba may shoot pa tayo ngayon??” bakit di ako sinabihan kanina ni Seokmin. Aisshhh

“wag kang mag-alala sa shoot. Cancelled yun ngayong araw. Nalaman kasi ng Seventeen yung nangyari kaya nagdahilan sila sa production staff nila.” Sabi nya sa akin. Bakit nila gagawin yun?

“bakit?” tanong ko sa kanya.

“nag-aalala sila sayo eh. Gusto muna nila na makapag pahinga ka.” Sabi nya sa akin.. hindi naman ako nakapag salita dahil don.

Sealed It With a Kiss ☞Seventeen「Lee Seokmin/D.K」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon