17☆7

9 0 0
                                    

Seokmin's

Pagkagaling namin ng shoot ay dumiretso ako sa kwarto ko. Kanina pa ako tahimik mula ng bumalik ako galing park kung saan kami nag-usap ni Eunie.

Nasaktan ako sa sinabi nya oo. Pero oo nga naman, sino ba naman ako sa kanya para makialam diba?

Napansin ng mga kasamahan ko yung pananahimik ko kaya tinanong nila ako pero di ko sila sinagot. Alam kong naaepektuhan nuon yung shoot nung turn ko na dahil di ko kayang ngumiti ng totoo sa harap nya.

Pinilit kong magmukhang masaya pero halata namang hindi ko nagawa. Hayyy.

Hayyyy. Masakit pala talaga. Oo masakit dahil sa ilang araw ko pa lang syang nakilala, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Ito siguro yung tinatawag nilang love at first sight. Unang beses ko pa lang sya nakita, nakaramdam na ako ng kakaiba sa dib-dib ko.

Tok tok tok

Bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si hoshi hyung.

"dokyeomie~~~ anong problema? Di kami sanay na ganito ka" tanong nya sa akin pero umiling lang ako.

"okay lang ako hyung pagod lang ako" sabi ko sa kanya saka umiwas ng tingin.

"si Eunie ba?" tanong nya. Hayyy . hindi talaga ako makakapagtago ng sikreto dito kay hyung.

"hyung- inlove na ata ako" sabi ko sa kanya. Bigla naman syang ngumiti. May binabalak to sigurado. Kilala ko sya at alam ko ang ibig sabihin ng ngiti nyang yan.

"seventeen!!kailangan ng tulong ni seokmin!!!! Sigaw niya. Sabi eh.. dali-dali namang nagpuntahan yung ibang member dito sa kwarto ko. Eto na nga ba sinasabi ko ehh.

"anong tulong ba? Kung sa kapogian lang naman eh Malaki maitutulong ko sayo" biglang sabi ni jun hyung kaya ayun binatukan sya ni seungcheol hyung.

"ano ba ang problema mo hyung? Kanina ka pa namin napapansin na tahimik ka. Hindi kami sanay. Pati yung tawa mo, hindi umaabot sa mga mata mo" malungkot na sabi ni seungkwan sa akin.

"naninibago kami. Hindi ka naman ganyan bago ka umalis at sundan si Eunie" so napansin pala nila. Sabagay. Observant sila lalo na si Joshua hyung.

Apektado silang lahat na ganito ako. Pero anong magagawa ko, himdi ko kayang maging masaya ngayon.

"mga hyung, inlove ata si seokmin hyung" sabi ni chan na ikinagulat naman ni jeonghan hyung.

"yah lee chan!! San mo natutunan yan? Ang bata mo pa para jan!!" hysterical ni jeonghan hyung. Mother alert hahaha

"ayun sa wakas natawa ka din!" biglang sabi ni mingyu sa akin.

"kung ano man yang problema mo pwede mo naman sabihin sa amin eh. Pamilya tayo dito. Lahat tayo dito nagtutulungan. Problema ng isa, problema ng lahat." Sabi naman ni woozi hyung.

"when I say no trolls will left behind, NO TROLLS WILL LEFT BEHIND!!!!" banat naman ni hoshi hyung kaya ayun binanatan sya ni woozi hyung. hahahaha

"tama si chan. Inove nga ata ako. Hindi pala 'ata' inlove pala ako." Sabi ko na ikinagulat naman ng maknae line. Samantalang yung hyung line nakatitig lang sa akin.

"oh diba? Tama ako mga hyung hahaha" masayang masaya namang sabi ni chan.

"heh!! Magtigil ka! Bata ka pa lee chan!!"sabi naman ni jeonghan hyung kaya napasimangot naman si chan.

"matanda na ako jeonghan hyung!!" sabi ni chan. nAnatawa na lang kami sa dalawa na ngayon ay nagbabangayan na.

"kay Eunie ba?" biglang tanong sa akin ni seungcheol hyung. Kaya tumango na lang ako. Wala naman ng sense kung itatago ko pa eh. Malalaman at malalaman din naman nila.

Sealed It With a Kiss ☞Seventeen「Lee Seokmin/D.K」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon