17☆11

16 0 0
                                    

Eunie's

Another day na naman. Kung napapansin niyo, hindi na ako nakakapunta ng dance studio.

Sobrang busy kasi eh. 3 am na ako natapos sa pag-aayos ng mga pic ng seventeen na dadalhin sa printing office. Yung mga pang poster ba. Kaya wala na akong time para pumunta ng studio.

Ngayon yung huling araw ng photo shoot ng seventeen. Nauna na akong pumunta ng location kahit na sabi sa akin ni seokmin ay sabay na kami.

Pero nagsabi naman na ako sa kanya na mauuna na ako dito. Baka mamaya eh magtampo na naman yun.

Iba pa naman trip nun pag nagtatampo. Nag drive thru na lang ako ng breakfast ko. Dun na din ako kakain sa location. Maaga kasi dapat andun na ako dahil wala ngayon si Sai.

May photo shoot ang mamamoo. Kasama nya si hera. Kaya ang kasma ko ngayon ay si mitch at jiwoon.

Sa totoo lang kaya ko naman na ‘to eh kahit wala yung dlawa kaso ang letseng Sai, sabihan daw ba si seokmin.

Ayun pinilit ako na dapat may katulong ako para daw hindi ako masyadong mapagod. Tss. Para namang hindi ko to ginagawa dati.

Dumating ako sa location. Mabilis lang naman ang byahe eh. Nagulat ako na nakaayos na ang lahat pagdating ko.

Andito na pala sila mitch at jiwoon.

“good morning!aga niyo ah.” Bati ko sa kanila ng nakangiti.

Nag-bow naman sila sa akin bilang pag-galang.

“eh para unnie wala ka nang iintindihin kaya inagahan na naming.” Sagot ni mitch sa akin. Napangiti naman ako. Responsible sila pagdating sa trabaho.

“nag-almusal na ba kayo?” tanong ko sa kanila. Umiling naman silang dalawa kaya inutusan ko muna silang mag-almusal. Binigyan ko naman sila ng pera. Treat ko sa kanila dahil maayo ang trabaho nila.


Oh diba? Ang aga ko mang treat hahaha. Ayaw pa saa nila tanggapin pero dahil mapilit ako ay wala na silang nagawa kundi kunin yun.

Lumapit ako sa lamesang andito at inilapag yung pagkain ko. Nag-start na din akong kumain.

Pagkatapos ko ay iniligpit ko yung pinagkainan ko. Nagpapababa ako ng kinain ng may maisipan ako. Hmmm. Since 6 am palang naman, maaga pa masyado. 8 pa ang usapan na pagpunta dito ng seventeen.

Sila mitch naman ay siguradong kumakain pa. medyo malayo yung mga restaurant dito. Matutulog muna ako. Hahaha.

Wala eh antok na antok pa ang lola niyo.

May 2 hours pa ako para matulog.

*yawn* nahiga na ako sa my bench na nandito. Close naman ‘tong location na ‘to kaya kahit matulog ako dito ay ayos lang. may nakuha akong neck pillow at ginamit ko to.

Naglagay din ako ng mask and tinakpan ko yung mukha ko ng sombrero. Hmmm. Nakapantalon naman ako eh kaya di ako makikitaan. May blanket din kami dito so ayos na. pede na ako matulog—

Zzzzzzzzzzz

Naalimpungatan ako ng may marinig akong kumakanta habang nagpeplay ng keyboards. Langya naman oh. Nakita ng may natutulog eh.

Whoo, baby, yeah

Naega jom isanghae

Malsuga jeogeojyeo

Chingudeuri da geokjeonghae

Ni apeman seomyeon

Shimjangi ttwieoseo

Sealed It With a Kiss ☞Seventeen「Lee Seokmin/D.K」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon