17☆10

9 0 0
                                    

Eunie’s


On the way na ako papuntang Pledis Entertainment. May gusto daw pag-usapan ang big-boss. Gusto pa sana ni seokmin na ihatid ako kaso tumanggi ako.


May shoot pa sila sa isang variety show so kung ihahatid pa nya ako ay magiging hassle lang sa kanya. Worst, baka ma-late pa sya sa call time nila.



Nang makarating ako ng building ng pledis ay agad akong sinalubong ng isa sa mga manager ng seventeen. Yung kumausap sa akin para maging photographer para sa next comeback nila.



Tatlo kasi silang manager ng seventeen eh. Sa dami ba naman ng seventeen, hindi kaya ng isang manager lang.



“good morning Ms. Kim” nakangiting bati sa akin nito.



“good morning din po manager Ahn” bati ko din sa kanya. Iginiya naman nya ako papuntang opisina ng president ng pledis.



Nung makarating kami sa tapat ng pinto ng opisina ni president Min, kumatok na si manager ahn.

Tok tok tok


“come in!!!” narinig kong sabi ni president.


Pumasok kami ng opisina ni president Min.


“oh genesis right?” tanong nya sa akin kaya tumango ako sa kanya.


“have a seat please. Manager Ahn give us something to drink. Just ask my secretary” utos nya kay manager. Sumunod naman sa kanya si manager ahn at naiwan kaming dalawa dito.



Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa office nya. Sya naman ay nakaupo sa single couch na katapat ko.



“kaya kita ipinatawag dito ay may nais sana akong sabihin sa iyo. Or mas maganda sigurong sabihin na proposal.” Nakangiti nyang sabi sa akin.



“proposal po?” tanong ko sa kanya. Naguguluhan ako eh. Ang akala ko kaya ako pinatawag ay para tanungin about sa photoshoot ng seventeen. Hindi pala.



“hmmm. Sabihin na nating nais kitang kunin bilang official photographer ng pledis. Nakita ko yung portfolio mo and I was amazed by your talent. You capture even the little details na nakakadagdag sa ganda ng mga pictures na kinukuha mo. All your photos tells story that only the eyes could tell” sabi nya sa akin na nakangiti pa din.



Masaya ako na pinupuri ang mga gawa ko. Pero nagulat ako ng sabihin nya na kukunin nila ako sa para sa company nila.



“hindi naman problema kung may kumuha man sayo na iba para sa mga photo shoot, but I want you to prioritize pledis especially our artists.” Seryoso nyang sabi sa akin.



Dumating na din si manager ahn na may dalang juice pero umalis din ito agad.



Mahirap yung gusto nyang mangyari. Prioritize them? Paano kung magkasabay sabay yung malalaking trabaho? Aishhhh.. paano ba ito?



“so anong masasabi mo genesis?” tanong nya sa akin.


Wala akong maisip na isasagot sa kanya. Malaking responsibilidad ito. Kailangan kong kausapin si Sai tungkol dito.



Isa din kasi sya sa mahihirapan sa mangyayari eh. Hindi lang naman kasi photoshoot ang ipaprioritize ko kundi pati mga comeback showcases ng mga artist nila.



“pwede ko po ba munang pag-isipan? I need to consult din po yung isa ko pang kasama.” Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin.



Sealed It With a Kiss ☞Seventeen「Lee Seokmin/D.K」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon