Prologue

18 0 0
                                    



"Ate Mayang, hati tayo dito sa saging..." Bulong ni Bensoy sakin. Tiningnan ko ang mukha nyang puno ng dumi at ang marumi nyang damit.

Suminghap ako sa gutom na naramdaman ko. Pero wala akong magawa kundi gawin ang gusto nya.

Ngumiti ako ng mapait. "S-san ba yung sayo? Diba hinati ko na yung sainyo ni tansiong—"

"Ate wag mong sabihin kay Tansiong ah! Baka pagalitan ako kasi nanghingi ako sayo. Naubos na kasi yung sakin. Gutom na gutom kakalaro eh," Sabi ni Bensoy nang mahina.

"Sige na," sabi ko at inihiwa yung saging ng kamay ko at binigay ko sa kanya ang kalahati.

Tumatalon sya sa kusina at ang niyapos ako ng mahigpit.

"Salamat Ate! Grabe talaga—"

"Bensoy? Mayang?" Ang mababa nyang boses ang nagpatigil ni Bensoy. Napawi ang ngiti nya pero pag tingin nya sa may sala, agad siyang tumakbo nito.

"Tansiong! Naagahan ka? Akala ko alas kuwatro pa uwian nyo?" Sabi ko, papakita sa presenya ko habang pinupunasan ang maduming sala.

Hindi sya sumagot. Ilang minuto ang lumipas at tumingin ako sakanya, nagtataka. He's still silent, observing me clean.

Ang maamo nyang mukha ang bumukad sakin. Dagdagan pa yung mala-espanyol nyang mukha ang kumikinang. Ang kahali-halina nyang mata ay sinusuri ang gutad-gutad kong damit pero hindi ito gaano kasira at decente paman itong tingnan.

"Tansiong?" Agaw ko ng atensyon sakanya.

Ipinikit nya ang mga mata nya at nang bumuka ito, tiningnan nya ako ng mapait. Ano kaya iniisip nito?

"Wala."

Yun lang ang mga salita na sinabi nya bago iniwas ang tingin sakin at pumunta sa kwarto. Nagtataka kong sinundan sya ng tingin. Ano kaya ang nangyari sakanya? Baka na badtrip sa eskwelahan?

Yung ingay ng mga estudyanteng nagkadarapa sa gate para mag unahang lumabas. Ang mga reklamo nila sa guard para palabasin. Ang agos ng gripo na hindi isinirado nila kasi matamad.

Ang kabaitan ng mga kaklase ko at ang ngiti ang mga bati nilang ibibigay saakin pag ako'y dadating. I can't imagine their faces every time the teacher saw them copying assignments in class.

Reality struck me as I almost slipped in my place. Napagtanto kong malapit akong ma slide sa sahig namin at mabilis na hinawakan ang silya sa gilid ko.

I sighed. Tumingala ako sa labas ng bintana at napatingin sa dalampasigan. Malapit na gumabi. Ang aloy nang dagat ay sumsabay sa buhok kong mataas. I felt the salty air pierced through my skin. It feels good like life was given to you in the air. There is nothing better than the sea.

I am 11 years old when I still can't eat a proper food. Pwera nalang pag nakakuha na ng sweldo si Tansiong sa mga pinagtrabahuan nya. I left the house, thinking of strolling in the sands.

Wala na akong ibang magawa. Pag labas ko pa lang sa bahay, nakita ko na si Bensoy na kinuha ang saging ko. Huminga ako ng malalim at pinalipas ang gutom na naramdaman. He's still five. I can't believe his life is poverty stricken. He doesn't deserve this.

"Nang Edna?" Tawag ko sa labas ng bahay nila. Kailangan ko ng pera, kundi mamatay ako at ang mga kapatid ko sa gutom.

"Mayang! Ginabi ka na naman? Halika at linisin mo na buong bahay! May mga damit pa si Lucianna na hindi mo nilabhan!" Sigaw nya galing sa bahay nila. Dali-dali akong pumasok at pumunta sa harap nya. Kumakain siya ng junkfoods habang nanood ng teleserye.

Golden SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon