Chapter 2

11 2 0
                                    

Chapter 2

Nananatili akong nakatutok sa dagat habang sinusuklayan ni Tansiong ang mahaba kong buhok. Kanina pa ako naka tulala dito. Kaya naman, para may palipas oras si Tansiong kasi tapos na syang nag-aral, sinuklayan nya nalang yung buhok ko. Wala kasi si Bensoy, nandun kina Nang Edna.

Medyo masakit nung una kasi deretso nyang hinawi ang buhok kong buhaghag. Hindi naman kasi ako interesado na ayusin ang buhok ko. Kahit ano pa yan, wala na akong pakealam.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Galit pa ba kaya si Tansiong sakin? Eh, sinuklayan na nga nya buhok ko, kaya siguradong baka papansinin na nya ako.

"Tansiong..." Mahina kong tawag.

Hindi sya sumagot. Nagpatuloy lang sya sa ginawa nya. Baka bukas, papansinin na nya ako. Ilang araw na kasi syang ganito simula ng sinabi ko sakanya ang gagawin ko.

"Tansiong naman..."

"Tss..."

If life was easier, it shouldn't come to this point. I was feeling so stress the past days, trying to think through the possibilities. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.

Muntik na akong ma harass last week dahil sa padalos-dalos kong pag trabaho kahit saan. That made Tansiong really furious and made me stop working. Kahit anong pilit nya pa, hindi ako titigil. Ayaw kong maging pabigat lalo na't mag malapit ng mag-co-college si Tansiong.

"Malaking pagkakataon yun. Malaki pa sahod, safe pa, tsaka nandun si Nanay—" he stop brushing my hair.

"Sa Mayor ka mag ta-trabaho?" He asks, slowly.

Lumaki ang mata ko. Yumuko ako at dahan-dahan na tumango.

Sa inakala ko'y sisigaw sya, sasabihan ako ng mga salitang 'manhid' o di kaya'y 'sobrang bait'.

Pero hindi, huminga sya ng malalim, at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok ko. He gently stroke his hands in my hair.

"Alam mo naman diba? Hindi na tayo babalikan ni Nanay. Nakakita siguro ng milyonaryo sa mga bisita ng Mayor galing ibang bansa. Kaya wag ka ng umasa na papansinin ka nya dun' o kung nandun pa yun sa Mansyon ng Mayor."

"So ibig sabihin papayag ka?!" Sabi ko, lumaki ang mata ko.

Ngumiti sya saakin' pero hindi abot mata. "Oo, kaya magpakakabait ka dun'. Bibisita ako sa Sakahan sa Mayor taga lingo, tutulungan ang ibang magsasaka."

"Salamat! Kaya wag ka ng mag-alala Tansiong, sisiguraduhin kong ibibigay ang unang sahod sayo," Sabi ko.

Umiling sya. "Wag na, pag-iipunan mo na yan para pang college mo. May pera pa ako para sa pang araw-araw na pagkain namin ni Bensoy tapos binigyan ko na ng pera sina Aling Edna para samahan si Bensoy mamili ng school supplies."

"Kahit na!" Protesta ko. "Ano na naman gagamitin ko sa napakalaking sahod ko? Eh, plano ko naman mag scholar sa college."

"Oh sige na, pag-iipunan mo yang sahod mo para sa mga pangangailangan natin. Basta huwag kang magipit sa sarili mo, i-enjoy mo naman yung sarili mo't bumili ka ng kagamitang pambabae sa pera mo," Usal nya.

Nanahimik lang ko. Pinagpantasyahan ko naman yung mga damit na nakikita ko sa mga mall o boutique pero hindi naman ako desperada pagdating sa mga gusto ko. Mas prioridad parin ang pangangailangan namin.

Ano kaya yung gusto ko? Hmm. Nag-iisip lang ako sa mga maaring mabili ko habang nagsusuklay si Tansiong saakin. Ramdam ko ang titig ni Tansiong sa likod ko pero binalewala ko lang ito.

I'm thirteen years old, turning 14 in the next few months. Hindi ko naman pinakaelaman ang nalaman ko nung bumisita si nanay saamin last 7 months para lang sabihin ang balita na hindi kami magkapatid ni Tansiong. Grabe ang iyak ko sa araw na yon pero simula palang bata, tinutukso naman si Tansiong na may gusto saakin kaya parang pakiramdam ko hindi kami magkakapatid.

Golden SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon