Chapter 4
Good Luck
Bumilis ang mga araw araw. Nagising ako ng madaling araw upang makapaghanda na ako sa eskwela. Bumangon ako at hindi ko na muli muna tinuon ang pansin ko sa aking cellphone, hinawakan ko ang aking tuwalya at naligo na para agad makapagbihis. Nang natapos na ako maligo,kaagaran akong pumunta sa aking closet para mahanap ko ang aking pwedeng masusuot, hindi na ako nag-abala na mag-suot na muna ng uniporme ng paaralan total first day naman. Nang nakatapos ako magbihis,nag retouch ako sa aking mukha ng ilan pang mga sandali at dali-dali nang bumaba.
"Ang aga mo yata ngayon maa'm kelly? " Malaki ang ngisi ni manang nang sinasalubong ako pababa ng hagdanan.
Alam ko naman na dapat hindi ako dapat maaga ngayon kasi first day naman at wala pa masyadong estudyanteng papasok ngayon. Pero hindi ko ba alam at napa-aga ako ng tapos ngayong araw.
"Gusto ko kasi maaga ako makarating, Manang" Tumango ako kay manang.
Kaagaran nyang iminuwestra sa akin ang kusina para na rin siguro makakain.
Binilisan ko ang kain at tumungo na sa driver na hinihintay ako na makapasok sa aming sasakyan.
Binilhan ako ni daddy ng sasakyan kasi gusto nyang matuto ako mag-drive para in-case dumating ang panahon na walang makakapaghatid sa akin ay kaya kong pumunta kong saan ko man gustong pumunta. Alam ko paano mag-drive. Yes. Pero ang sabi ni daddy na wag daw ako araw-araw mag drive kasi baka mabunggo daw ako o ano man ang masamang mangyri sa akin dyan sa kalsada. Kaya heto, at ang driver namin ang naghahatid sa akin.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang malaking sign sa taas ng aming gate 'AMA Basic Education' hudyat ito na malapit na akong makarating sa paaralan. Nang nakarating kami ay pinagbuksan ako ng pintuan ng aming driver kaya lumabas na ako at tumungo sa aking unang klase, tiningnan ko muna ang schedule ko bago bumaling sa aking cellphone na may isang text ni dwayne.
Dwayne:
I'm heading to your house. Susunduin na kita.
Nagulat ako at agad akong nagtipa upang hindi na sya makarating sa bahay pero huli na ang lahat nang nag-text sya ulit sa akin.
Dwayne:
Your dad, told me na umalis ka na raw kaya nga hindi kanya naabutan. Your too early, huh?
Agad kong binura ang dapat i-send ko na sa kanya,kaya nagtipa na ulit ako ng bago.
Kelly:
Yup. Napaaga nga ako e. I'm sorry hindi na kita nahintay hindi ko kasi inaakala na susunduin mo ako. I'm going to my first class now! See you around.
Luminga-linga pa ako sa mga estudyanteng konting-konti palang. Bakit ba kasi ang aga-aga ako, yan tuloy na papala ko. Huminga ako ng malalim matapos ulit buksan ang cellphone ko para makita ulit ang isa pang text ni dwayne.
Dwayne:
Ow. Wait. Can you wait for me? Kahit sa kiosk o sa mga upuan na lang. Please. I want to see you.
Luminga ako para makahanap ng malapit na upuan na matutuluyan para intayin si dwayne. Nang nakahanap ako ay umupo kaagad ako at di na inabala na mag reply ulit kay dwayne. Alam ko malayo-layo pa si dwayne ngayon. 15 minutes siguro ang layo ng paaralan patungo sa aming paaralan e. Kaya baka matatagalan iyon, pero kahit na! Hihintayin ko parin sya dito.
Tumunog ang cellphone, akala ko si dwayne ang tumatawag pero nagkamali ako. It was mommy!
"Helloo... " Napapaos pa si mommy sa kabilang linya.
"Mommy. Thank god at napatawag ka." Ramdam sa boses ko ang gayak na aking nararamdaman ngayon.
Halos isang buwan ring hindi nakatawag si mommy sa akin kaya di na ako nag-abala pa na tawagan sya dahil alam kong ibaba nya rin agad. Kaya ngayon na nalaman ko na tinawagan ako ni mommy, lubos ang kasiyahan na aking nararamdaman.
"Ito yung first day mo sa school diba? Good luck sayo anak..." Parang langit ang naramdaman ko nang narinig ang mga katagang sinabi ni mommy sa akin.
"Thank you for the good luck, my. I love you." Napaluha na ako. Sige, kelly umiyak ka at pinag-titinginan ka ng mga taong dumadaan.
Bahagya kong pinunasan ang luha ko,para hindi na makakuha ng atensyon ang lahat ng dumadaan.
"I love you,too." Pagkatapos nun binaba na ni mommy ang tawag. Agad dumalaw ang aking lungkot, ganon lang ba kadali matatapos ang tawagang iyon? I wish it could be more longer.
Hindi ko alam na natulala na pala ako. Hindi ko namalayan na dumating na si dwayne. Hinawakan nya ang braso ko upang maagaw ang atensyon ko. Nagulat ako at nanlaki ang mata.
"You okay? What's your problem?" Nag-aalala si dwayne habang tinatanong ako.
Tumango kaagad ako "Kanina ka pa ba?" Pag-iiba ko ng tanong.
Umiling sya "Hindi masyado."
"I gotta go now to my next room, baka kasi ma late na ako." Wika ko.
"Ihahatid na kita.. " Bahagya ko syang tinuonan ng pansin at kumunot ang aking noo.
"N-No...need" iling-iling ko "Dwayne, baka malate ka sa next mong klase."
"Don't worry. Let's go" Inilalayan nya ako patayo. Kinuha nya sa akin ang bag ko. Bago ako umangal ay nagsalita na sya agad "Ako na... " Tumango na lang ako habang sabay kaming naglalakad patungo sa next kong room
Darn!Dwayne i am so lucky to have you!
Nang nakarating na kami sa room ko, ay papasok sana sya para ilagay ang bag ko pero hinawakan ko na ang braso nya.
"Dwayne, pumunta ka na sa next room mo! Baka ma late ka! Ako na bahala sa sarili ko. Bye." kahit naiinis ako kay dwayne ay parati parin nyang natitibag ang mga galit ko sa kanya,palagi parin akong nanlalambot sa huli.
"Okay, then. Pupuntahin kita dito mamaya. Hintayin mo ako, ihahatid ulit kita sa next room mo. Wag ka ng umangal pa... Kundi hindi... Hindi ako aalis dito." Umirap na lang ako.
"Okay... Okay. Sige na." Naglakad na sya palayo sa akin. Palayo, pero alam ko babalik sya ulit.
Nang nakapasok na ako sa first room ko ay pinasadahan ko ng rin tingin ang mga babae at mga lalaki na parehong mga nakatingin sa akin. Why?
Dianalawan kaagad ako ng hiya, kaya dire-diretso ang lakad ko at umupo ako sa mga babaeng kakilala ko at yung iba naman ay naging classmate ko noong grade 9 ako.
YOU ARE READING
When Things Are Right
FanfictionIn a world full of temporary can you be my permanent? Tamang panahon, Maling tao. Tamang tao, Maling panahon. Saan ba tayo lulugar? Wala na bang pwede para magkita tayo ulit? Everything is a temporary but can you prove me that you really are my perm...