Chapter 11

0 0 0
                                    

Chapter  11

Birthday Party!

"Punta kayo mamayang gabi ha!" Ani lea sa isang excited na tono.

"Oo naman lea, ikaw paba!" Wika ng mga kaklase kong invited sa birthday ni lea.

"I'm excited..." Wika ni dwayne nagpakunot ng noo ko.

Excited? Saan? Sa birthday ni lea? Talaga?

"S-sa birthday ni lea? " Nauutal ang boses ko habang bumabaling sa kanya.

Humalakhak sya " Nagseselos ka... "

"No I'm not. " Pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Hindi naman sa birthday ni lea e." He smirk.

"Saan naman? " Gusto kong huminahon pero traydor itong sarili ko. Namumula ako sa galit.

"Sa birthday mo... " Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Talaga? " Ngumuso ako sa kanya.

"Syempre. I love you. Wag ka na magalit ha!? " Paglalambing nya.

I only smiled at him. Hinatid ako ni dwayne sa bahay upang makapaghanda kami para sa gaganaping party ni lea. I'm excited, akala ko talaga kanina gusto na ni dwayne si lea akala ko talaga kanina ayaw na ako ni dwayme. Pero parang ang agresibo ko naman ata para makapag-isip ng mga ganoong bagay. I should trust dwayne on what he promise me right?

"Kelly... " May biglang kumatok sa aking kwarto habang naliligo pa ako.

"Po... " Nilakasan ko ang boses ko upang makarinig.

Binuksan nya ang pintuan at alam kong nakatayo na siya ngayon sa harapan ng aking banyo.

"Manang what do you need? " I ask nnag napansin na si manang nga ito.

"Yung susuotin mo sa party ilalapag ko lang dito sa kama mo kelly ha! " Sabi ni manang habang papalabas na sya ng aking kwarto.

Kalaunan natapos rin akong maligo at sinuot ko na ang dress na binili pa ni daddy. It has so many crystals na nakapalibot dito but still it is a simple pink with black dress. Nag retouch ako ng kaunti at tuluyan nang bumaba para hintayin na si dwayne sa baba. Habang naglalakad ako sa aming hagdanan pababa natatanaw ko na si dwayne na kausap si daddy at nang namataan nya ako kaagaran naman syang tumayo.

"Hi kelly... " He suddenly give me a hand.

"Hello... Dad, aalis na kami." Mahinahon kong sinabi.

"O sige. Dwayne, alagaan mo itong anak ko. Sayo ko lang yan ipapabantay." Sabay hawak ni daddy sa balikat ni dwayne habang tumatangi ito.

Hindi na ako nakiusisa pa kung anong pinagsasabi ni daddy kay dwayne ang ginawa ko dumiretso na ako sa kotse nya at hinayaan na lang sila sa loob na nag-usap, its not yet time to party pa naman kaya hindi pa siguro iyon nagsisimula. Limang minuto ang nakalipas nang nakapasok si dwayne sa loob ng sasakyan.

"Anong pinag-usapan nyo ni dad?" I ask.

Nagtaas sya ng balikat at napangiti.

"Wala. Tara na?" Tanong nya.

"Kanina pa naman ako handa..." At agarang tumango.

Sa gitna ng aming byahe ay nag text si lea sa akin.

Lea:

Where are you? The party will start in 15 minutes.

Nagulantang ako sa kanyang sinabi ngunit malapit narin naman kami sa venue kaya dali dali akong nagtipa.

Kelly:

Where almost there, see you! And happy birthday lea, I love you!

Ayon lang ang nasabi ko sa kanya.

"Dwayne, the party will start in just 15 minutes..." Sabi ko sa kanya.

"Really? Malapit na naman tayo eh" Sabay tingin nya sa akin.

Nang nakarating kami ay kitang kita ko ang magarbong mga disenyo sa labas palang ng venue. Agad namang binuksan ni dwayne ang pintuan para sa akin.

Sabay kaming pumasok at tumambad kaagad sa amin ang mga flash ng camera na nakatutok agad sa kung sino ang dumating.

"Dwayne, Kelly." Tawag ng mga kaibigan naming nasa kabilang parte ng venue nakaupo.

Tumungo agad kami sa kanila, at pinasadahan agad nila ng tingin ang aking suot na damit.

"Talagang napakaganda't napakagwapo nyong dalawa, Tiyak na bagay bagay talaga kayo" Sabi ng isa naming kaibigan.

"Kaya nga, kung magkakaanak kayo panigurado gwapo't magaganda" Sabi uli ng isa.

Humalakhak kamk ni dwayne ng sabay.

Yun na agad iniisip nila? Ang magkaroon kami ng anak ni dwayne? Napakabata pa anmin oara dyaan, maraming oang mangyayari bago ang magkaroon kami ng pamilya. Pero siguro minsan hindi nila maiwasang isipin iyon.

"Kell, upo kana" Sabay lahat ni dwayne sa akin ng upuan.

Tumango ako at umupo kaagad.

Nililibot ko ang aking paningin sa magandang tema nitong kaarawan ni lea, talagang napaghandaan ang kanyang kaarawan. Tiyak na malaking pera ang nagamit dito. Sa harap ng entablado ay makikita mo ang malaking nakasulat na 'happy birthday' at ang magarbong upuan na napapalibotan ng mga bulaklak.

" Saan na ba si lea?" Napatanong ako sa mga kasama ko.

"Andun pa sa loob, naghahanda parin" Tumango ako.

Maya-maya ay nag text ulit si lea sa akin.

Lea:

Are you here?

Kelly:

Yes. Ofcourse. Where are you?

Lea:

Palabas na ako! Excited to see me?

Kelly:

Yes! Yes!

Habang patuloy sa pagte-text kay lea ay nagsalita na ang emcee dahilan para ibaba ko na ang phone ko at makinig nalang sa emcee.

"Good evening everybody..." Panimula ng emcee.

Pagkatapos ng mahabnag diskusyon ng emcee ay agad nyang tinawag si lea dahilan para magsimula nang maghiyawan ang mga tao na andito.

Dahan-dahang naglakad si lea sa red carpet at sa kanya na nakatutok lahat ng camera na andito, Sobrang magarbo ang kanyanv soot na long gown na kulay pula. When suddenly our eyes met, umikit ang malaking ngisi sa kanya at pati narin sa akin.

Lea is such a good friend to me, andyan sya when I need her and andito naman ako when she need me. And we really make most of our time talking fun things.

Nang naka akyat na sya sa entabaldo ay pinaupo na sya sa kanyang magarbong upuan at pagkatapos nun ay kumain muna kaming mga bisita.

"Bored ka na ba?" Tinanong ko si dwayne.

"Hindi, bakit mo naman natanong?" He suddenly smile.

"Wala lang, gusto ko lang tanungin..." I suddenly hug him.

Mabuti at wala sa amin ang mga mata nilang lahat at hindi nila medyo napansin yung ginawa ko sa kanya.

Nang natapos nang kumain ay nag announce na ang emcee na magsisimula na daw ang program, so we better sit back and just relax.

 

When Things Are Right Where stories live. Discover now