Chapter 10

0 0 0
                                    

Chapter 10

Surprise

"Tara na uwi na tayo..." Hinihila hila na ako ni lea sa mga sandaling ito.

"Sandali lang may kukunin lang ako sa faculty room..."

"Wag na bukas na yan." Tuloy parin ang pilit nya sa akin.

"What? Lea, alam ko yung kukunin ko hindi gaanong importante... Pero i need to get that one." Mahinahon kong explenasyon.

"Bukas na nga sabi..."

"Okay, then." Hanggang sa sumunod na ako sa kanya.

Lea is a friend. Dapat ko rin naman syang sundin minsan. Pag wala kasi si dwayne sa tabi ko andyan sya palagi sa gilid ko at palaging nagku-kwento ng kung ano-ano, kaya palagi akong nakikinig. I should appreciate her right? Kasi sya yung kaibigang alam kong kahit kailan hindi ako iiwan.

"Bakit papunta tayong parking lot ng school?" Tanong ko sa kanya nang napagtantong papunta kami sa parking lot.

"...Andun kasi yung sundo ko" Matagal syang nakapag-isip ng maisasagot. I wonder why?

"Pero lea... Andun sa labas yung sundo ko. " Pagdadahilan ko.

"Samahan mo na lang ako sa parking lot... " Pagdadahilan nya ulit.

"O sige. " Sumunod ulit ako sa kanya papuntang parking lot. Malaki ang kanyang ngisi kaya nakakunot na lang ang aking noo habang tinitingnan syang malaki ang ngisi.

"Oh? Saan ang sundo mo?" Sabi ko.

"Hindi ko alam. Dadating na siguro iyon... " Aniya.

"Baka hinahanap na ako ng sundo ko... " Sabi ko sa kanya.

"Sandali lang... " Luminga-linga ulit sya.

May biglang dumating na sasakyan sa harap namin, hindi ko alam kung kanino ito. Siguro, ito na yung sundo ni lea.

"Ito na ba?" Bumaling ako sa kanya.

Nagkibit balikat lang sya at nagtaas ng kilay.

Biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan, may lumabas doong amoy pa lang alam ko na kung sino sya kaya kumpirmasyon na lang ang kaylangan ko kasi hindi ko pa nakikita ang mukha nya.

"Dwayne... " Tiningnan ko ang lalaking nakatayo. Mula ulo hanggang paa hanggang sa amoy.

Bigla nyang sinirado ang pintuan. There, i saw him. I saw dwayne in front of me. Hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla sa mga pangyayari...

"Surprise... " Ani nya sa isang kagayakan na boses.

Bigla syang lumapit at niyakap ako ng sobrang higpit.

Akala ko sa susunod pa sya na araw babalik. Akala ko hindi ko sya makakasama ulit ngayon. Pero hindi. Makakasama ko na sya ulit.

Nang kinalas nya ang kanyng yakap, doon lang nag sink-in sa akin ang lahat kaya niyakap ko sya ng sobrang higpit ulit.

"Akala ko next day ka pa babalik? " Sabay nguso ko sa kanya.

"Ayaw mong andito ako?" Nagtaas sya ng kilay sa akin matapos marahang hinawakan ang aking baywang.

"Hindi naman sa ganon... "

"Ehe-ehem... Alam nyo nilalanggam na ako dito." Panunuyo ni lea sa aming dalawa.

"At ikaw? Nag sinungaling ka sa akin?" Hinarap ko si lea at tinaasan ko sya ng kilay.

"Kelly, utos yun ng boyfriend mo. Baka, kung hindi ko gagawin... Papatayin nya ako." Sabay humalakhak si lea.

"Paano mo nalaman na dumating na si dwayne?" Tanong ko sa kanya.

"Nakita ko kasi sya kanina sa canteen e. Pasulyap-sulyap sayo, sasabihan na sana kita kaso sumenyas sya sa akin na wag daw sabihin sayo. Kaya ayon... "

"Lea, thanks. Kung hindi dahil sayo hindi ko sya masosorpresa." Ani dwayne.

"O sige na alis na ako... Nasa labas na yung sundo ko. Mag-ingat kayo ha!" Sabay beso ni lea sa akin at kumaway naman sya kay dwayne.

Bumaling ako kay dwayne na gulat na gulat parin.   Ngumuso ako sa kanya.

"What?" Halakhak nya.

"You lie... " I told him

"Don't be mad, I have something for you." He said with a sweet tone.

"Ano naman iyon?" Tanong ko na tinatago ang saya.

"Sumama ka sa akin may pupuntahan tayo." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Huh?" Sabi ko na nawindang parin sa mga pangyayari.

"I want you to come with me, okay? Kaya, halika na!" Pinapasok nya na ako sa loob ng kanyang sasakyan kaya umikit sya para makasakay sa driver's seat.

"You happy?" He start the engine.

"Ofcourse... " I said without looking him.

This guy in my side really love surprises. I mean, halos lahat ng ginagawa nya sa akin ay puro surpresa. I'm happy right now cause dwayne really comeback early for his special surprise kuno. Not everyone love surprises, yung iba kasi gusto nila na wala nang surpre-surpresa pa. Pero ibahin nyo ako, i really love some surprises pero nakakatakot rin minsan ang mga surpresa. Yung dumating ang araw na mawawala na lang sayo bigla ang lahat yung minsang inaakala mong sasaya ka yun pala papaiyakin at papaiyakin ka ng sobra. I think that's the reason why some other peole hate surprises. Sana hindi mangyari sa akin ang bad side ng mga supresa.

"Pupunta kayong dalawa ni dwayne? " Tanong ni lea sa akin isang araw. Halos tatlong araw na rin ang nakalipas simula noong dumating si dwayne galing sa ibang bansa.

"Huh? " Hindi ko pa makuha ang gustong sabihin ni lea.

"I mean, sa birthday ko. Malapit na iyon... " Sabi nya.

"Yeah, i almost forgot about it." Sabi ko habang naglalakad na kami patungong cafeteria.

"Punta kayong dalawa, please... I know my party will going to be awesome" Ani lea.

"Yes, pupunta kami. " Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bag para tingnan kung sino ang nag text.

Dwayne:

Where are you? I'm here at the cafeteria. Natapos na ako mag-order.

Bumaling na ako sa aking cellphone matapos magsalita ni lea ng kung ano ano.

Kelly:

Papunta na ako.

Nang namataan kong malapit na kami sa cafeteria ay nagpaalam si lea sa akin.

"Kelly, punta muna ako doon, ha!" Tinuturo nya ang mga ilan pa sa kaniyang mga kaibigan

"Ayaw mong sumama sa amin magkain? " Tanong ko sa kanya.

Umiling sya "Wag na... "

Nilingon ko si lea sa isang pagkakataon pagkatapos ay pumasok na ako sa cafeteria. Luminga-linga pa ako para hanapin si dwayne. But. I. Can't. See. Him.

May biglang kumaway sa akin kaya doon ko na namataan si dwayne. Lumapit ako sa kanya at umupo sa isang upuan doon.

"I thought kasamo mo si lea? " He ask.

"She see her bunch of friends, kaya hindi sya sumama sa akin" Sabi ko.

"Dwayne?"

"Hmmm.... " Bumaling sya sa akin.

"Pupunta tayo sa birthday ni lea sa mga susunod na araw na iyon" Sabi ko sa kanya.

"Okay, then. " Tinuro nya sa akin ang mga pagkain na andito sa aminv harapan ngayon.

"Yes, kakain na tayo" Bahagya akong nabuhayan. Talagang nagugutom na ako ngayon.

"Malapit na rin birthday mo." Sabi ni dwayne habang sinusubo ang burger.

"Kaya nga e." Buamaling na agad ako sa kanya.

"It will be going to be your best birthday ever..." He wink to me. I smiled at him.

When Things Are Right Where stories live. Discover now