Chapter 2

465 70 5
                                    

Encounter

Samantha's Point of View

Nagising kami ng maaga ni Shynna para mag gala at sinabi din ni Carleen na gusto niyang sumama sa'min.

Naging close na naman kami ni Carleen at pinakiusapan ko si Shynna na sumama nalang siya para maging masaya kapag kaming tatlo din.

Sa totoo lang hindi ako masyadong nakatulog... Iniisip ko pa din kasi na bakit kaagad nag ka meeting sa 2nd day of school.

I think siguro ganito talaga sa school na ito I expected something weird in this university.

Imbis na maging paranoid ako ay dapat mag saya nalang ako.

Naalala niyo pa ba yung lalaking bumangga sa akin!??? Nakakainis siya!! Pero isasantabi ko iyon dahil nasa 1st division siya at hindi ko siya pwedeng banggain.

"Ano Samantha saan tayo pupunta?" pag tatanong sa akin ni Shynna.

"Diba sabi ko sayo pupuntahan natin si Carleen sa Main building... Di ka nanaman nakikinig sakin" sambit ko sa kaniya.

Ewan ko dito at bigla niya akong tinignan mata sa mata at yung expression ng mukha niya ay natatakot at na-amaze at the same time.

"Totoo ba yung balita?" naguguluhan niyang tanong sakin.

Ako naman din yung naguluhan dahil sa tanong niya.

"Anong balita? Tungkol saan?" agad agad kong tanong sa kaniya.

"Kay Lexander" aniya sakin.

Sino yun? Anong meron dun? Mga 10 seconds ako natigil at inisip ng maigi kung sino yun at parang narinig ko na yung pangalan na yun.

OMGGG! SIYA BA YUNG BUMUNGGO SAKIN!? Siya ba yung naririnig kong pangalan sa mga kaklase kong nag bubulungan nung pumasok ako sa class room namin!?

"S-Siya naman talaga y-yung unang bumunggo sa akin eh tsaka n-natapunan niya kaya ako ng kape!" nauutal kong asik sa kaniya.

"Omygash! Samantha did you know that Lexander is in the 1st division!?" pag tatanong niya sakin.

"I-I k-know... Bakit ano bang special dun?" balik kong tanong.

Napailing nalang muna si Shynna at humugot ng malalin na hininga bago siya mag salita.

"Samantha... Lexander is the richest, has powerful magic, and at last.... He is the president of the Supreme Student Government" pag papaliwanag niya sakin na ikinagulat ko.

WHATTTT!? Nanlaki ang mga mata ko at napanganga nalang dahil sa gulat.

Para akong hihimatayin dito at gusto ko nang kainin ako ng lupa ng dahil pinairal ko ang pride ko mukhang ako pa ata ang mapapahiya dahil sa mga pinag gagagawa ko.

Urghhhh!! Kainis wrong move ako dun ah.

"T-to-totoo b-ba yang s-sinasabi mo?" nauutal kong sabi sa kaniya.

Pinapakalma ko ang sarili ko na baka pinaprank lang ako ni Shynna dahil dun.

"It's true" pag sagot niya sakin.

Parang tumigil sa pag takbo ang oras at napakalakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Samantha he can do anything he wants... Sana di mo nalang siya binangga halos lahat ng bumabangga sa kaniya wala pang nakakalusot" pag aalala niyang tugon.


Dimmetrio UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon