Worried
Third Person's Point of View
"Ano nang gagawin?! Napaka-eng-eng mo eh noh?!" nanlilisik ang mata ng isang matangkad na lalaki at naka cloak and black mask.
"P-Pa-patawad h-ho p-pi-pinuno!" nag mamakaawa na at luhang luha sa kadahilanang di na niya alam ang gagawin.
"Walang dahilan para patawarin kita! Isa kang lapastangan!" hinampas niya ito ng pag kalakas lakas sa mukha upang dumugo iyon.
"Nang dahil sa iyo nabulabog ang plano at nakatunog na agad sila!!"
"Hindi mo na ako ginalang at binastos mo ulit ako!! Hatulan yang taong yan nang...... Kamatayan!!" sasabog na ata ang mga ugat niya sa litid sa sobrang galit.
"Huwag pinuno!! Huwaggg!!" iyon ang huling salita niya at sinaksak na siya sa kaniyang ulo ng napakatulis at mahaba na patalim ng isang taong may hawak din sa kaniya.
"Dahil alam na nila ang plano.... Susugod na tayo pero bago iyan... Tatakutin natin muna sila. HAHAHAHA!!!" pag babanta niya at tumatawa na parang demonyong nag tagumpay na agad.
Samantha's Point of View
MY GOSHHHH! Suki na talaga ako sa Medical Laboratory na ito!!
Di ko rin alam kung anong naging ganap bago ako mahilo na akala mong bibiyakin na ang ulo ko.
"Samantha ayos ka na ba?" katabi ko ngayon sina Carleen at Shynna as usual.
"O-o medyo a-ayos na a-ako..." paninigurado ko sa kanila kahit sobrang sakit talaga ng ulo ko nag papanggap nalang akong hindi masyadong masakit para di na sila mag alala pa.
Napatango nalang sila at nakahinga nang maluwag.
"Ano ba kasi nagyari sa iyo? Pag katapos matumba ni Tiffany sumunod ka naman" pag uusisa sa akin ni Carleen.
Oo nga pala! Anong nagawa ko?! Nakasakit ako ng tao! Dahil lang dun sana pala sumuko na lamang ako!
"B-Bigla nalang k-kasing sumakit y-yung ulo ko eh" napahawak pa ako sa ulo ko at hinilot pa iyon para medyo mabawasan ang kirot na parang wawasak na sa ulo ko.
Merong tanong akong naisip na kinatatakutan ko kapag napupunta ako dito sa Medical Laboratory.
"Ilang araw na naman ako natulog dito?!" nandidilat na ang mata ko dahil sa kaba at gulat na baka 1 buwan na pala ako dito!! Charot!
"Isang buwan na ba ako dito?!" di ko maiwasang mag tanong agad ng wala pa silang naisasagot.
Natawa naman sila sa sinabi ko. Bakit?! Malay mo di'ba? Hehe....
"Ano ka ba isang araw kalang naman nakahiga diyan at walang pasok ngayon biglang nag suspend kasi si Ms. Precious ng klase" lahat ng balita alam talaga ni Carleen di na ako mag tataka kung bakit niya iyon nalaman.
Hayyy!! Buti naman at di na naman ako um-absent!
"Woahh!" bulong ko pa sa sarili ko at napapunas pa ng pawis sa noo ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun.
"Ganda mo talaga Sam!" wala sa kawalan ay nag salita ng ganiyan kahit wala sa topic.
Napakunot ang noo ko dahil dun "ano ka ba! Hindi kaya ako maganda!" pang eechos ko pa sa kaniya.
"Kuuhhh!" naniningkit at sinusundot sundot pa ang bewang ko ng dalawang ito.
BINABASA MO ANG
Dimmetrio University
FantasyThe most prestigious magical school. The school that have a student that has a magical power. And one day there's a girl that can destroy a magical world or even worst the whole world. Only the special students can only enter this school. Only the...