Russel was leaning against the kitchen counter, facing her mother who was busy preparing their dinner. Nilalaro niya ang mga mangga na nasa isang container nang tapikin nito ang kamay niya. "And who told you na laruin mo ang mga 'to? Malamog pa ang mga 'yan," pagkatapos ay tumalikod ito at humarap na sa kalan kung saan niluluto nito ang pasta.
"Uh... I'm not going to eat here, Mom," medyo kinakabahan niyang sabi rito.
Her mom looked at him through her shoulder with a knotted forehead. "'Care to explain me why?"
He bit his lower lip before answering. Gano'n na gano'n siya sa Mommy niya tuwing magsasabi about sa kalokohang ginawa maski noong bata pa siya. Well, he's kinda nervous of course. But not that he did something na makapagpapsakit ng ulo ng Mommy niya ang sasabihin niya ngayon.
"May...pool party po kila Hans, Mom. He invited us to come over to...uh...you know, have some fun," nginitian niya pa ito ng pagkatamis-tamis.
"I know na gwapo ka, anak. It runs in our blood. But you don't have to make pa-cute to Mommy," nginitian din siya nito pero mayamaya pa'y biglang nagseryoso. "Is that it? To have some fun?"
Sabi na nga ba niya. He knew his Mom would allow him to go, after interrogation nga lang. He nodded. "Yup. Kaming magbabarkada lang po."
"Okay. I will allow you to go since Friday night tonight. Go ahead, have some fun, drink and dance but that's just it," sinabayan niya pa ito sa last words nito. "No drugs."
"Yes, I'll bear that in mind," todo ang ngiti niya tsaka nagmamadaling humalik sa pisngi nito. "Thanks, Mom. You're the best!"
"Sus, nambola pa. Umuwi ka ha. 'Wag masyadong magpagabi. Sige na, bago pa magbago ang isip ko," nakangiting biro nito.
"Yes, Mom!"
"Nako sila Kuya pa. Dami na namang girls do'n, ano, Kuya?" pang-iinis ng Grade 3 sister niyang si Jane, who's busy on her coloring book in the dining table.
Dadalawa lang silang magkapatid at madalas hindi magkasundo. Aside from different gender, malayo pa ang age gap nila. Simula nang magkaisip ito'y lagi na siya nitong inaasar. Hindi naman niya magawang patulan. First, kuyang-kuya siya and second, talaga namang cute at matalino ang kapatid. Sabi nga ng Mom nila, it runs in their blood.
"Mag-color ka na lang d'yan, okay?" Ginulo niya muna ang buhok nito bago tuluyang pumanhik sa kwarto niya para magbihis.
Inis nitong inayos ang buhok at matalim siyang tiningnan sa mata. "Hmp! Dun ka na nga!"
He heard their Mom laughed. Napangisi din siya sa pagkainis ng kapatid.
After na makapagpalit ay sumakay na siya sa kotse at pinatakbo ito...
Okay. He lied to his Mom when he said na may pool party sa bahay nila Hans. Oo nga at kasama niya ang mga kabarkada. But there's no pool party at all. At hindi rin sa bahay ng kaibigan. Kundi sa isang bar somewhere in the city ang punta niya. Palusot niya lamang ito para payagan siya. Alam kasi nito na hindi sila pwede magpakalasing ng todo at gumawa ng mga kalokohan kung nasa bahay sila ni Hans. Lawyer kasi ang father ng kaibigan kaya grabe ang respeto nila dito. Kaso ayun nga, sa bar nagkayayaan.
So kahit ayaw niyang magsinungaling sa pinkamamahal na ina ay nagawa niya. Agad na nag-sorry siya dito sa isip right after he stepped out of the door.
He received a text message from Dave habang nasa daan asking kung nasaan na siya. Hindi na niya nireply-an ito at binilisan na lang ang pagmamaneho.
'Yung guilt na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng excitement the moment na pumasok siya sa entrance door ng bar. Kelan ba ang huling bar night niya? A month or two? Ah basta. Matagal na rin. At dahil katatapos ng midterm exmas nila, tonight ay babawi sila sa lahat ng na-missed nilang parties.
BINABASA MO ANG
Walk With You
Teen FictionWith the fate playing their lives, could a boy and a girl with both high demands fell for each other? Not to mention this girl's insecurities and this boy's not-so selfish "game." Come on, let us know what fate will bring them.