Chapter 2

228 18 16
                                    

Chapter 2

Cassandra's POV

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Kaya naghanda na rin ako. Naligo, Nag agahan at Inayos ang sarili. Nang natapos naman ako sa lahat. Umupo muna ako sa kama ko, habang hinihintay ko yung transport ko.

Nag phone muna ako, at binuksan ko ang aking Facebook. Biglang pumasok sa isip ko si Clyde, kaya naman sinearch ko yung account niya at ini-stalk ulit siya. Hindi ko pa siya na-stalk ng todo kagabi kaya gagawin ko ngayon.

Habang nag I-iscroll ako, may nakita akong picture ni Clyde na may kasamang magandang babae. Yung caption dun sa post ay "Thank you for everything, Babe."

May Girlfriend pala siya? Ang ganda niya;

Inistalk ko si Zandreese, yung Girlfriend ni Clyde.

Ang ganda ganda niya. Bagay na bagay nga talaga sila. Ngayong alam ko na, na may Girlfriend siya. Iiwasan ko na siya. Baka mafall pa ako ng tuluyan at masaktan nanaman. Dahil kung ipapagpatuloy ko 'tong nararamdaman ko, alam kong masasaktan at magiging one sided love nanaman 'to.

Nasa school na ako at naglalakad papunta sa classroom ng may naaninag akong babae at lalaki na nakatayo sa may corner.

Tinignan ko silang dalawa at napako ako sa kinatatayuan ko at bahagyang tumigil ang mundo ko ng nakita ko silang maghalikan. What the heck?

I'm so stunned! What the heck? What the heck did I just saw?

Kairita kayo! Ba't dito pa kayo naghahalikan?

Tss. Nakakainis kayong dalawa!

Bigla akong lumabas sa pinagtataguan ko at umaktong kararating lang at naglalakad lang. Hindi ko sila liningon pero alam kong tumigil na sila sa paghahalikan.

Habang naglalakad ako nakita ko sa gilid ng mata ko na, napatingin si Clyde saakin.

Ano? Bakit hindi niyo ituloy? Nahiya pa talaga kayo e 'no? Tss.

Ang tanga ko rin eh. Kunwari Masaya at matapang dahil sa nakita pero hindi naman.

Nag sisimula nanamang sumakit 'tong puso ko.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad, hanggang sa makarating ako sa Classroom.

Sira na agad araw ko dahil sa nakita ko. Tsk!

"Morning" Bati ko kay Eli

"Morning" Bati niya rin sa akin.

"Eli, alam mo ba naiinis ako!" Inis kong sabi

Tinignan ako ni Eli "Oh? Bakit naman?"

"Habang naglalakad ako papunta dito sa Classroom, nakita ko si Clyde at yung Girlfriend niya na nag aanuhan!" Pasigaw kong sabi

Tinignan ko si Eli at nakita kong parang may iniisip siya sa mga sinabi ko.

"Hoy!" Tawag ko sakanya

"Anong nag aanuhan?" Lito niyang tanong

Napaka slow talaga ni Elily kahit kailan! Kaya nakakainis siya minsan eh.

"Hay! Naghahalikan sila!" Iritado kong sabi

"Ah okay! Sorry na. Alam mo namang slow ako eh" Sabi niya

"Tss! Whatever, Elily Ylar Fedel Reyes!" Sabi ko

She's always slow. Minsan dahil sa sobrang slow niya, nag aaway kami. Lalo na kapag wala ako sa mood. Minsan hindi ko na co-control 'yung sarili ko. Nakakapagsabi ako ng mga bagay na hindi ko naman sinasadyang sabihin.

Cassandra (Unexpected Love Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon