Intro

16 0 0
                                    

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko biglang nag ring yung cellphone ko. Naalimpungatan ako ng dahil doon.

Nakita kong si Papa ang tumatawag sa akin. Lumabas muna ako para sagutin ang tawag ni Papa. Bakit naman siya tatawag ng ganitong oras? Alas dos na ng madaling araw.

"Hello po Pa.." Inaantok kong sagot

"Nak, si Mama mo. Pumunta kami kanina sa ospital para magpa check up dahil sumasakit daw yung lalamunan niya." Sabi ni Papa

"Tapos po? Ano pong sabi?" Tanong ko

"Meron daw siyang..." Hindi matuloy ni Papa "Thyroid Cancer" Wika ni Papa

"Po?! Cancer?" Gulat na gulat kong tanong

My Mama has what? Cancer? God, why? Hindi ko maisip ng maayos ang sinabi ni Papa.

"Oo.. Kaya kailangan nating umalis sa bansang ito. Ipapagamot natin ang Mama mo sa US." Sabi ni Papa

"US? Hindi na po ako dito nag aaral?" Wala sa sarili kong tanong

"Oo. Doon mo nalang ipapagpatuloy yung pag aaral mo sa US." Sabi ni Papa

Aalis ako? Iiwan ko si Elily at Iris? Paano na ito? Pati si Clyde? Mahihirapan na kami. Nasa Pilipinas siya ako nasa US. Paano 'yun? Hindi ko na alam. Ang gulo gulo ng isip ko ngayon.

Wala na akong pakealam sa kung ano pa ang ibang pwedeng mangyari. Ang importante maging maayos ang kalusugan ni Mama. Ang importante sa ngayon ay si Mama. Kailangan gumaling siya.

"Kailan po tayo aalis, Papa?" Tanong ko

"Sa lalong madaling panahon, Cassandra. Baka lumala ang kalagayan ng Mama mo pag hindi natin ito naagapan. Baka sa susunod na linggo na tayo aalis. Aayusin ko lang ang mga papeles natin." Sabi ni Papa

"Okay po Papa..." Sagot ko

Hindi na ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kung anong mangyayari. Buong magdamag akong umiyak. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Paano ko sasabihin kay Clyde at kila Elily at Iris? Natatakot ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit naman ganito?

May kumatok sa pinto at 'yun ay bumukas. Bumungad ang masayang mukha ni Clyde.

I will miss his smile. Mamimiss ko yung mga mata niya na nawawala tuwing ngumingiti siya.

"Good Morning!" Maligayang bati ni Clyde

I forced myself to smile. "Good Morning" Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

Yinakap ko siya ng mahigpit. I will miss our tight hugs. I will miss his forehead kisses. I'm so sorry, My Clyde. I'm sorry, I will hurt you. Our love happened in the most Unexpected Time. I'm sorry...

Cassandra (Unexpected Love Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon