Chapter 1
Cassandra's POV
September 21, 2017
Ngayon ang unang araw ko sa remedial class. Kailangan kong mag remedial dahil hindi ako nakapasok noong first quarter namin. Nagbakasyon kasi kami ng pamilya ko sa Pilipinas.
We've been living here in the Middle East for 11 years already. Dito na kami naka tira sa Middle East, dahil dito nagtratrabaho si Mama at Papa. Umuuwi kami sa Pilipinas pero bakasyon lang.
This Remedial Class is tiring. 8 AM start ng regular class namin at matatapos ng 2 PM, tapos kailangan kong mag stay dahil sa Remedial. Remedial Class will start at 2:30 PM up to 4 PM.
Nakakapagod. Nakakatamad. Nakaka stress. I hate it when this happens. Nawawalan ako ng oras para sa sarili ko. Pero I have to do this. Kung hindi ko 'to gagawin, babagsak yung grades ko para sa First Quarter.
It was my 4th Day of Remedial Classes. Nasa labas ako ng Classroom at tinititigan yung bagong student na kakalabas lang din sa Classroom namin. He's in Grade 10 while I'm in Grade 7. Oh so Kuya ko siya? He's got good looks. Kapag ngumiti siya, nawawala yung mata niya. Mukhang mix siya. Half Pinoy at ano kaya? Chinese? May pagka singkit siya eh.
I'm gonna be honest. He's attractive but he has this pagka mayabang aura. He walks so straight. Yung katawan niya diretso pag naglalakad while his shoulders are... Hindi ko alam kung anong tawag dun pero yung shoulders niya medyo nakaangat pag naglalakad. Baka nag g-gym siya.
Dumating na si Miss Mitchell, our MAPEH Teacher. Grabe, Miss Mitchell is so pretty kahit na medyo malapit ng lumampas yung edad niya sa kalendaryo.
Biglang may kumalabit sa akin, tinignan ko kung sino 'yun. Si James pala, ang isa sa mga kaklase ko sa Remedial Class. Inaabot niya yung Attendance para sa MAPEH. My heart skipped a bit when his fingers slightly brushed my hands. Hindi na ako lumingon. Kinuha ko nalang ng tuluyan yung Attendance.
James is handsome. He's tall. Siguro nasa 5'6 yung height niya. He's half Pinoy, Half Egyptian. Medyo crush ko siya kasi ang tangkad niya tsaka magaling siyang mag Basketball. Pero at the same time hindi ko din siya crush kasi ang hambog niya!
Binuksan ko na yung Attendace at may hand writing na nakakuha ng atensyon ko. Clyde Emmanuel R. Valdez, ang pangit ng hand writing niya! Siguro mag Dodoctor 'to! Buti nalang nabasa ko pa.
Wala kaming gaanong ginawa ngayon. Nag discuss lang si Miss Mitchell at nag pa Homework at Seatwork. Panay tanong ni James sa akin ng mga sagot. Binibigay ko naman kasi hindi ko alam. Hindi ko maintindihan 'tong sarili ko. Bakit ba hindi ko kayang humindi o tumanggi. Isa 'to sa mga bagay na ayaw ko sa sarili ko. I need to change this kind of attitude.
Kinabukasan, Pagka-dating na pag-ka dating ko sa School mabilis akong pumasok sa Classroom at hinanap si Elily para ikwento 'yung nakita kong medyo may looks na Grade 10 kahapon.
"Oy! Eli" Tawag ko sa Bestfriend ko na sobrang busy sa pagbabasa
"What?" Sagot niya
"May kwento ako. Alam mo ba kahapon may nakita akong new student na taga Grade 10. He's attractive pero parang mayabang. Pero ang cute ng smile niya." Pagkwento ko
"Bakit naman parang mayabang?" Tanong niya
"Hindi ko alam eh. Alam mo 'yun nararamdaman ko lang na parang mayabang siya." Sabi ko
"Oh ano? Crush mo?" She smirked
"Hindi ko alam. Mga 10 percent siguro." Tumawa ako
"Weh? Talaga ba? Baka 100 percent na ha" Nang aasar na sabi ni Eli
BINABASA MO ANG
Cassandra (Unexpected Love Series #1) COMPLETED
Dla nastolatkówStatus: Completed/Editing Unexpected Love #1 Started - May 08, 2019 Ended - December 31, 2019