Muntik Na Kitang Minahal

464 39 13
                                    

Our story started with "hello"...

"Hello, is the seat taken?" Tanong mo sakin.

"Hi. No, you can have it." Sagot ko sa'yo.

"Thanks." Tugon mo sabay upo sa upuan katabi ko.

Hindi kita pinansin pagkatapos noon.
Bakit ko naman gagawin yun? Late na ako nagising. Nakatulugan ko pa ang aking dapat gawin kagabi. Swerte ko na lang kapag nakaabot pa ako sa klase ko. Pero mapilit kang kunin ang aking atensyon.

" Miss..."

"Yes?" Sagot ko kahit gusto kong sabihing Shut up, I'm busy. Kahit papaano meron pa rin akong good manners.

"This is my first time here in Manila. Would you know if I got the correct bus and where should I get off if I'm going to Philcoa?"

"Yes. Foreigner?"

"No, half-Pinoy."

"I see. We have the same destination. Just follow my lead."

"Thanks."

Bumalik ang atensyon ko sa labas ng bintana ng bus, tinitingnan ang mga kalye at gusaling dinadaanan ng bus.

Di ako mapakali. Panay ang tingin ko sa relo ko. Minsan naman, bubuntung-hininga. Bigla kasing bumagal ang takbo ng bus. Mukhang di na ko aabot pa sa klase ko.

Minsan pa, tiningnan ko ang oras sa aking relo. Lampas 10am na, siguradong hindi na ako aabot.

Inilabas ko ang aking cellphone at tinext ang aking best friend. Siya na ang bahala.

Ibinalik ko ang aking phone sa loob ng bag at napahawak ako sa aking noo pagkatapos ng isa pang malakas na buntung-hininga.

"Hey, are you okay?"

"I'm fine. Don't mind me. Frustrated lang ako."

"Why?"

"Because I'm late! And I am never late in my life!"

"Really?"

"Yes. Even birth. Sabi ng Nanay ko, ipinanganak ako sa araw na sinabi ng doctor na manganganak siya."

"What?"

"Hard to believe but it's true. So, this is the first time I'm going to be late in my life."

"Since it's your first time to be late, care to celebrate that milestone with me?"

"More like failure but yeah, sure...why not?"

Nang bumaba tayo sa Philcoa, nag-Mcdo tayo para mag-celebrate. At para na rin tipid. Hindi pa naman sweldo. Pero nung magbabayad na, nakipag-unahan ka pa sakin magbayad. Sabi mo pa, my treat.

Umupo tayo sa bakanteng table na magkaharap ang upuan. Saka ko lang napagtanto, ang pogi mo pala! Lalo na kapag tinititigan.

Hoy, kire! Ke aga-aga. Sabi ng utak ko. Kaya minabuti Kong wag kang titigan.

Pero masyado kang makwento. Mabilis mong nakuha ang loob ko. Napakarami nating napag-usapan tungkol sa isa't isa na akala mo, matagal na tayong magkaibigan. Sa kalagitnaan ng ating kwentuhan, saka mo lang naiisip,

"By the way, I'm Edward." Bigla kang tumawa kaya natawa na rin ako.

"Oh my God! Ang dami na nating napag-usapan pero nakalimutan nating magpakilala. I'm Maymay."

Biglang tumunog ang aking phone kaya minabuti kong tingnan ang text sakin.

"Shoot! Male-late na naman ako. Edward, thanks for this but I have to go."

"I'll go with you."

Sumakay tayo ng jeep papasok sa campus pero nauna akong bumaba. May kailangan kasi akong daanan. Kaway lang ang namagitan satin sa bandang-huli.

Habang naglalakad, naiisip pa rin kita. Sayang at hindi man lang tayo nakapagpalitan ng phone numbers.

Saglit lang at papunta na ako sa klase ko. Tiningnan ko ulit ang oras. Thank God, di pa ko late!

Mangilan-ngilang estudyante na ang nasa loob. Dumiretso na ako sa whiteboard at isinulat ang aking pangalan.

"Okay class, let's start."

Pagharap ko, nakaupo ka sa last row.

Oh.

Shit!





Stranger than Fiction (A Collection of ONE-SHOT Stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon