Party Line [05.18.2019]

271 27 7
                                    

Ilan na lang ba ang gumagamit ng landline?

Siguro yung mga nakasubscribe sa PLDT home fiber or yung tipong old fashioned na hindi up to date sa technology gaya ng tatay ko. Yung tipong since 1990 pa na install yung linya ng telepono gaya ng samin na naman pa yata niya kina Lolo at Lola.

Gamit niya ito sa business niyang hardware store. Mahal pa rin kasi ang per minute ng cellphone lalo na kung nakalimutan mong mag-unli call. Ah, basta.

Ako, gamit ko ito sa personal kong buhay. Sa pakikipagtsismisan sa aking mga kaibigan na meron ding landline. 

High school pa lang kami, wala pang pambili ng prepaid card or load unless bibigyan ni ako tatay. Sa tagal kong makipagkwentuhan, kulang na kulang ang 100 load na budget ko sa isang linggo.

Si tatay kasi, nuknukan ng kuripot!

Wala kaming internet. Nakikiwifi lang ako sa kapitbahay na walang password ang network. Mas madalas sa hindi, nakapatay ito.

Maswerte nang makapag Facebook ako ng ilang oras. Comment dito. Like doon. At ang aking pinakapaboritong gawain, magshare ng kung anu-ano sa wall ko. Kaya minsan sabi ng kaibigan ko,

"Bes, naka-unfollow na ako sa'yo. Puro share mo yung nakikita ko sa newsfeed ko. Don't worry, hindi ka blocked."

Kaya unfollow ko rin siya.

Kala mo naman hindi nagshashare eh puro Korean ang nakikita ko sa newsfeed. Korean makeup, Korean dress, Korean skincare, video clip ng BTS, Black pink, etc.

OK lang naman sana dahil gawain ko rin yun.

Ang kaso, pati horror movies, nagagawa pa niyang i-share. Yung tipong matatakot ka lang pero hindi mo na naintindihan yung sinasabi dahil sa kakatakip mo ng unan sa mukha mo, di mo na nabasa yung subtitle.

Pero ang totoo, matatakutin ako. Ayaw kong nagugulat (at natatakot) dahil lang sa aking pagfi-Facebook.

But, I digress. Balik tayo sa landline.

Sa kalagitnaan ng tsismisan namin ng BFF ko, bigla kong narinig,

"Hello party line? Pakibaba naman yung phone. Kanina pa ko hindi makatawag eh."

"Bes, narinig mo yun?"

"Ang alin?" Sagot ng kaibigan ko pero naririnig ko pa rin ang boses ng lalaki,

"Hello, yuhoo! Please."

"May mumu!" At bigla kong naitapon ang handset sa ere. Mabuti na lang at hindi ito cordless.

Makalipas ang ilang saglit, inangat ko ulit yung handset sa tenga ko. Wala na si Bes sa kabilang linya pero nandun pa rin si kuya mong boy.

"Hey, please put your phone down. I need to make a call."

"Hoy, mag cellphone ka na lang. Di pa kami tapos mag-usap ng bestfriend ko."

"This will only take a few minutes. 5 minutes tops."

"Okay."

Napilitan kong pagbigyan si kuya mong boy.

Una, he said please.
Pangalawa, ang ganda ng boses niya!
Pangatlo, nagtext si Bes na grounded na siya kaya hindi na kami makakapagtsismisan pa.

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang biglang mag-ring ang landline.

Bakit kaya?

"Hello?"

"Hey, party line. Thanks!"

"Wait, pano mo nalaman yung number ng landline namin?"

"I have my ways... And, Maymay? See you tomorrow."

"Ha? Pano?"

"One more thing, wear your hair down. You'll look prettier."

What the heck?!

Stranger than Fiction (A Collection of ONE-SHOT Stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon