FINISH LINE (Excerpt Only)

98 10 5
                                    


"Sa palagay mo ba..."

"Ano?"

Ang magkaibigan na sina Mellajiah (pronounced as Melayah) at Eccho ay nasa paborito na naman nilang tambayan, sa gitna ng kahabaan ng daan na naghahati sa lupain ng kani-kanilang pamilya. Pribado ito kaya nakasalampak sila sa mismong daanan.

"Kaya na kitang talunin kapag nagkarera tayo ulit?"

"Again? Hindi ka pa ba nadala? Hindi mo pa tanggap na mas mabilis akong tumakbo sa'yo?"

"Daya mo eh. Napigtal yung tsinelas ko kaya mo ko natalo."

"Bakit kasi pinagtyatyagaan mo yang tsinelas na yan? Sobrang luma na."

"Paborito ko ito eh! Bigay kaya ito ni Kuya Zach."

Biglang sumimangot si Eccho. Kuya Zach na naman. Wala ng ibang bukambibig itong si Mel kundi ang kuya niya.

"Sira na yan. Papalitan ko na lang ng bago. Yung gustong-gusto mong design sa bayan. Malapit na birthday mo di 'ba?"

"Oo nga pala. Sige, sige. Yung pink ha. Yun ang gusto ko."

"Oo naman. Malakas ka sakin eh." Sa isip-isip ni Eccho, ako lang naman ang di malakas sa'yo.

📝05.22.2020

Stranger than Fiction (A Collection of ONE-SHOT Stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon