THE PROMISE

103 10 2
                                    

Prologue

"Wag ka na umiyak." Pilit na pinapatahan ni Gelo si Nimfa.

"Sinagasaan mo si Ken. Kailangan ba talagang barilin siya ni Rambo?" humihikbing sabi ng batang babae.

"Syempre naman. Wanted kasi si Ken. Tapos ayaw pa niya sumurender ng maayos. Saka wanted siya...dead or alive."

Nanlaki ang mga mata ng batang babae sa sinabi ng kaibigan. Pero hindi pa rin siya natinag, kailangang matuloy ang kasal ni Barbie. Sayang ang pinabili niyang wedding dress ng kanyang manika sa kanyang nanay para lang sa araw na ito.

"Papaano yan? Sino na ang papakasalan ni Barbie? Dream wedding niya ito eh. Huhuhu!" palahaw ni Nimfa.

"Shhh. Tahan na. Di ba ikaw si Barbie?"

"Oo."

"Ako si Rambo."

"Eh ano naman ngayon?" Naguguluhang tanong ni Nimfa sa kababata. Sinabayan niya pa ito ng pagikot ng mga mata.

"Di sila bagay ni Ken. Si Barbie at Rambo ang bagay. Isa pa, hero siya. Ayaw mo bang makasal si Barbie sa hero?"

"Um...pwede ba yun?"

"Oo naman! Pwedeng-pwede. Basta kapag lumaki na si Barbie, papakasalan siya ni Rambo. Promise yan."

"Totoo?"

"Totoong-totoo. Sige na punasan mo na yang luha mo. Meryenda time na. Dadaan na yung mamang sorbetero sa labas ng gate."

"Lilibre mo ko?"

"Oo naman. Lika na!"

Hawak-kamay na sinalubong magkababata ang mamang sorbetero na suki na sila tuwing umaga.

"Pabili po, mama. Dalawa," sabi ni Gelo sabay abot ng pambayad.

Lubos ang ngiti ni Nimfa nang inabot ni Gelo sa kanya ang ice cream na nasa apa. Nakalimutan na niya ang kanyang mga manika at ang dream wedding nina Barbie at Ken.

--06.19.2020--

Stranger than Fiction (A Collection of ONE-SHOT Stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon