Badine's POV
Pagkatapos ng eksenang nangyari kanina umalis na agad ako sa bahay dala-dala ang mga damit ko at di ko alam kung saan ako pupunta.
Ba't ba nangyayari sa akin to? Hanggang ngayon di ko parin mapigilan ang hindi umiyak.
"Ambobo mo talaga BADINE!! Padalos dalos ka tingnan mo ngayon san tayo pupulutin nito?! Ang tanga talaga!!!"
Wala na akong pag-asa, mabuti pang mamatay nalang ako. Nagderederetso lang ako hanggang sa.
*PEEEEEEEEPPPEEEEEEPPPEEEEPPPPP*
Grabi ang bilis namang magkatotoo ng hiling ko. Salamat makakapagpahinga na din ako wakas.
And everything went black.
Ken's POV
Badtrip! Ba't kasi ngayon pa ako nalate nagising! Takte malalaye na ako sa photoshoot ko nito. Mayayari nanaman ako kay manager.
*RIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGGGGG*
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Takte si Manager nga ang tumatawag. Patay na!
"Good morning Manager Anne, isang napagandang pagkakataon ang pagtawag niyo upang maging mas maganda ang araw ko." Malumanay kong sabi kay manager. Sana gumana ang plano ko.
"CAAAAAASSTTTTRRRROOOO!!! WAG MO AKONG MAGOOD MORNING DIYAN DAHIL TALAGANG HINDI GOOD ANG MORNING KO!! ASAN KA NA?!!! PAG DI KA DUMATING DITO SA LOOB NG SAMPONG MINUTO MALALAGOT KA SA AKIN!!! NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO?!" Sabay biglang baba ni Manager sa phone.
Takte ang sakit sa tenga! Kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagdadrive ko ng biglang may dumaang babae na animoy di natatakot masagasaan at mamatay.
*PEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP!!!!!*
"F*ck!!."
Di ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko sa oras na to. Nakasagasa ba ako? Pano na ang career ko? No! This can't be real!
Dali-dali akong lumabas ng kotse para tingnan ang babae na bigla nalang tumawid kanina. And I saw her lying on the floor unconsciously.
"Shit! Hey miss?! Are you alive? Oh what a foolish question! Hey miss?!."
I try waking her up pero di siya nagigising, I checked her body if she have some scratches and thank god wala naman.
Binuhat ko siya and isinakay sa kotse ko para dalhin sa pinakamalapit na ospital para mapatingnan if may major injuries siya. Mahirap na, ayaw ko makulong.
While driving, bigla ako napatitig sa kaniya. Her face seems so innocent, she has pinky lips and rosy cheeks. From the look of it, she seems to be rich but her clothes seems to be so cheap.
"Fuck! Patay talaga ako nito kay manager."
Nang makarating sa ospital ay tinawagan ko agad ang family doctor namin para maipasok siya. Di nila ako pwede makita, mahirap na baka magkaroon pa ako ng issue.
"Doc Altamirano, ikaw na bahala sa kaniya. Just call me when she wakes up, I really need to go. Baka mapatay na ako ng manager ko nito."
"Sige Ken ako na bahala, di na ako magtatanong kung ano ang nangyari kasi mas lalo lang tayong matatagalan. Sige umalis ka na baka ikaw naman ang isugod dito ng manager mo. Hahaha!".
"Haha!! Sige Doc, salamat po."
After that, dali-dali agad akong umalis para puntahan ang photoshoot ko.