Badine's POV
Pagmulat ko ng mga mata ko, puting dingding agad ang bumulaga sa akin. OMG!!!! Patay na ba ako?!! Natuluyan na ba talaga ako?!!!! HUHUHUHU!! Ni hindi man ako nakapagpaalam ng maayos sa kay Lola, paano na ang future ko? Paano na ang mga pangarap ko? Paano na kami ng imaginary boyfriend ko? Wala na! Wala na ang lahat ng dahil sa hinayupak na driver na yun!! HUHUHU!! Mumultuhin ko talaga ang taong yun! Mapababae man siya o lalaki ! Mapatomboy man o bakla!! Mapalolo man o lola! Ay joke lang wag na pala pag lolo na at lola HEHEHE.
Agad akong napalingon sa gilid ko ng biglang bumukas ang pintuan. OMG! May pa pintuan din pala sa langit? And in fairness may aircon at anlambot ng kama ko.
" Oh! I'm glad that you're already awake miss. By the way I'm your Doctor, the name is Fred. You can call me Doc Fred." sabay lapit niya sa akin.
Napatulala ako! Literally na tulala! With matching nga-nga pa! Pakshit naman kasi! Ang gwapoo niyaaaa sobraaa!!
" Hey miss? Are you ok?".
" Ay gwapo! Ayy sorry po, what do you mean doctor ka po? So it means po ba ay hindi pa ako deads? As in buhay pa ako?" sinserong tanong ko sa kanya. Syempre serious tayo para di halatang kinikilig. Hehehehe.
" Hahaha! You're funny miss! Of course your 100% alive. Why? Do I look like an angel that's why you're asking if you're not dead?" sabi niya sa akin with matching pa cute pa.
" Excuse me, hindi no. Feeling mo naman ata masyado, naninigurado lang ako mahirap ng mag expect no? Wait nasan ba ako?" tanong ko sa kaniya, taray mode on muna tayo para di halatang marupok. HEHEHEHE.