Note and Prologue

85 8 2
                                    

Henlo po! If magkaparehas kami ng story sa ibang books,pag pasensyahan niyo na po ako. Kasi di ko naman po nababasa ang mga iyon. Well,except yung iba. Ahehe. Coincidence lang po yon,noh? Dont be judgemental agad. All of these are just part of my imagination and memories.

© 2019 by Cassandra_QueenVie

All rights reserved

Plagiarism is a crime

°~ Eunice's POV ~°

"Eunice Arithusa Bloom,you will be assigned as the section Emerald's president"

"Yes madam headmistress. Madali lang po siguro yang section na yan"

Ngumisi si hm na nagawang pataasin ang mga balahibo ko sa kamay.

"Hmmm,to be honest. Ikaw lang yata ang pinakamatino sa klase kaya kita nagawang president of this section"

"A-ahmm...po?"

Pinakamatino? Eh ako nga yung pinaka-hype at madaldal nung 4th year high eh... ganoon ba talaga ka...intense ang klase na 'to? Hayy,wag naman sana,Lord. Masyado pa akong bata para maging matanda ang itsura.

"And also...there's something special in this class"

"Eh? Eh,hindi naman po ako special,ah?"

Di niya pinansin ang sinabi ko kaya medyo nairita ako doon dahil patuloy lang siya sa pagsasalita. Ang weird nitong hm na 'to. Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon ko lang ito sinabi ay dahil minsan lang nagpapakita ang hm sa mga estudyante. Kaya nga nagulat nalang ako nung pinatawag niya ako sa opisina niya,eh.

"Ang misyon mo ay kilalahanin mo muna ang iyong sarili at siguraduhin mo ding magkakasundo kayong lahat sa klase na ito bago magtapos ang pasukan,understand?"

"O-opo"

Kilalahanin ang sarili? 'Di ko paba kilala ang sarili ko? Well,I'm just an average teenage girl na college student. Masasabi kong 'di ako masyadong maganda.

Um-oo nalang ako kasi kinikilabutan ako dito.

Tsaka ano bang meron dito sa klase nato at special ito? May special child ba? Ahehehe. Alangan man taong hybrid eh di naman tutuo yung mga yun eh,diba? Kaya paano naman naging special ang section na 'to? Ayt...tanong tuloy ako nang tanong. Magiging bot nako dito sa messenger eh. Di ba nga sabi ko sayo madaldal ako? Ayan ang proof.

"A-ah madam. Yung files po ng klase asan na po?"

"Sigurado kaba dyan sa hinihiling mo,dear?"

Ayan tuloy nagdalawang isip ako. Gusto ko ba talagang malaman ung info nila? Teka nga,ano bang masama doon? Panget ba sila?

"Ahmm,opo"

Kinuha niya ang isang folder na may nakalagay na Special Section:Emerald sa harap. Parang hesitant si madam hm sa pagbigay sakin nung folder pero binigay niya naman.

Binuksan ko ito at binasa ang ilang identities sa class. Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ang mga ito.

Kinurot ko ang sarili ko kasi baka panaginip lang pero hindi eh. Tutuo ito...

Nabitawan ko ang folder sa gulat.

Ano ba 'tong napasukan ko?!

A/N:Yo! So ito nga po yung bago kong book this May. Inspired po ito sa section namin dati. Inincourage din po ako ng the one and only Kaceyyy_AKO na gumawa din ng story na dedicated sa section nila na Diamond. So ang ilang parts sa story na ito ay dedicated in real life. Baka nga mabasa niyo ang pangalan/second name ng favorite author na posible na kaklase ko din dito. Osya,shut up na ako. Baka makaka-spoil ako.

Section:Emerald | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon