Chapter 5: His kindness

32 6 2
                                    

°~Eunice's POV

"Eunice!"sigaw ng mga kaibigan kong nakatayo na ngayon,isali mopa sina Una at Bea.

Nagulat ako kaya nakabukas ng kaunti ang bibig ko. At nakue po! Akalain mo bang sobrang lamig ng tubig? Parang import galing sa Antartica,eh.

"Oops! Sorryyy!"sabi ng isang maarteng boses na kahit di ko tignan ay kilala ko na kung sino yan. Boses palang,putok na!

Nag-fake smile ako sakanya.

"Ok lang(kahit na alam ko na sinadya mo)"binulong ko yung huli.

Ang kaninang ngisi sa labi niya ay napalitan ng isang ngiwi. Tch,dapat lang mapalitan yan.

Lalo pa yata siyang nainis. Hehe. Akala niya siguro mapapahiya niya ako. Psh. Yes,nahihiya nga ako pero kunti lang. Pano ba naman kasi,eh. May pasok pa,tapos basa yung shirt ko? Edi nakakahiya kay Maam.

As soon na umalis na ang isang  naiinis na kamatis na Fiona sa harap ko,napangiwi agad ako.

Lumapit ako sa mga kaibigan ko. Aba't...wala naman akong bali sa katawan,ha? Ba't ganyan maka-react? Tanong ng tanong. Ano ako,teacher? Tsk. Unang araw palang,ang malas malas ko na. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Linggo? Buwan? Haayyy...ang buhay talaga,oh!

"Oks ka lang?"-Irvin
"Hanla,paano yung damit mo?"-Natalie
"May pamalit kaba?"-Josh
"Girl,paano ka matutuyo agad?"-Una
"Saan ka kukuha ng extrang t-shirt?"-Maei
"Hindi kaba nilalamig?"-Mike

Blah blah blah...magiging Dracula na kayo! Blah blah blah! Lmao. Gets niyo? Kung hindi,ibig sabihin dipa kayo nakakanuod ng Hotel Transylvania. Kapag ganoon,edi spoiler alert ako. Oops...

Lahat sila tanong ng tanong maliban sa isa...hulaan niyo kung sino?
.
.
.
.
.
Drumroll please!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tanaaaannnn!!! Edi si Nathaniel. Sino paba? Nakatingin lang siya sa damit ko tapos biglang umalis. Hanla? Nangyari?

Kahit na na-disappoint ako ng konti,hinayaan ko nalang siya. Baka,wala lang siyang pake.

Ang lamig,buwisit...

Kahit na salita ng salita ang mga kaibigan kong di tumutulong,tahimik parin akong nilalamig. Nakakahiya naman sa kanila.

"Iwan niyo muna ako. Magpapa-excuse lang ako kay HM,para makabili ako ng bagong shirt"

Ayan na naman yung pagka-hesitant nila,eh. Pero atleast I know na they care for me. Nagdadrama na ako,hehe. Tumango sila,nginitian ako at iniwan. Ako lang ngayon ang mag-isa sa café. Class hours kasi. Teka,anong ginagawa ko? Ba't lang ako naka-upo dito? Ahe.

A few minutes later...

Kaka-labas ko lang ng office ni HM,at ngayon ay nakatayo na ako sa gate ng school.

Plunk! Punk!

Hala,biglang bumuhos ang ulan. Kung minamalas ka naman,oh! Umusog ako ng kunti para di ako mabasa. Pero,paano na yung shirt ko? Medyo malayo pa naman yung mall,tapos wala pa akong sasakyan at payong! O kahit jacket,wala. Tapos punuan na yung mga jeep. Nubayan. Unang araw,palang,eh!

Sinusundan ba ako ng kamalasan? Walangya.

Susugod na sana ako sa ulan ng may humila sa akin.

"Huwag"

Teka,boses lalaki yun,ah? At parang familiar pa. Tumingin na ako sa likod ko at nanlaki ng kunti ang mga mata ko.

"Nathan? A-anong ginagawa mo dito?"

Huhu,nauutal na rin ako sa harap niya. Ano ba talaga yung nararamdaman ko sa mga boys ng Emerald?! Grr..pa-cute pa kasi,noh? Tch

Ngumiti siya sa akin.

"Sasamahan kita"

Waaaaaa! Alitaptap help me! Nginitian ko din siya at hindi nagpahalata na kinikilig ako ng bongga sa loob.

"Thanks. Pero paano ka? Isa lang yung payong"

"De,ok lang. May jacket naman ako,"sabi niya tas may binulong siya sa sarili niya.

Huh...so weird.

°~Nathan's POV~°
"De,ok lang. May jacket naman ako(mas mabuting ako nalang ang mabasa,kesa naman sa makita kitang may lagnat)"

Oo,kaya ako umalis kanina para makapag-paalam ako kay HM at para kunin ko yung payong ko.

"Bakit kasi wala kang payong?"

"Eh,kasi nagmadali ako sa pagligpit ng gamit ko"

Tumango nalang ako. Hay,Eunice,kung alam mo lang kung gaano ka ka-importante sa Emerald...

Pumunta kami sa sasakyan ko. Pero dahil gentleman ako,pinag-buksan ko siya ng pintuan. Sabihin niyo nalang na hindi sa passenger's seat siya naka-upo.

Pumasok na ako,at pinaandar ang kotse. Umalis na kami sa school. Nilagay ko yung kamay ko sa gilid ng gear lever at namataan na doon din pala niya nilagay yung kamay niya. Nagkatinginan kami ng sandali bago inalis ng sabay ang mga kamay namin. Uminit ang pisngi ko ng kunti at kita ko sa peripheral vision ko na namumula siya ng parang kamatis.

Cute but awkward. Pero mas nangingibabaw yung cuteness overload niya.

Tahimik kaming nakikinig sa radio. Teka,yung tunog na yan...favorite song ko yan,ah? Psh,Tan,huwag kang mahiya. It's gay.

"She played the fiddle in an Irish band. But she fell in love with an English Man"

Tinignan ko siya ng kaunti bago ko binalik ang tingin sa daan.

Ang ganda ng boses niya. Wow,maganda na,cute pa,at talented pa siya. Lahat na ng characteristics of every man's dream girl ay nasa kanya na.

Suwerte ang magiging boyfriend niya. Ewan ko ba kung bakit parang may beast sa tiyan ko...para bang naiinggit...

At the mall...
Kakabili lang namin ng shirt niya at suot na niya ito ngayon. Maganda din pala ang style ni Eunice. Hindi masyadong maarte ang pinili niya. Simple lang. Idagdag mo pa yung wala siyang arte sa katawan.

"OMG,girl,tignan mo yung dalawang yun,oh!"

"Oo nga. Bagay sila. Ang ganda ng girl tapos yung boy gwapo. Pareho pa silang cute."

"I know right? Nakaka-inggit si girl"

Ewan ko ba kung bakit napangiti ako doon. Narinig din yata ni Euni yung sinabi nila dahil nakangiti din siya at namumula yung mga pisngi niya.

Tapos may urge pang nalalaman yung utak ko na hawakan yung kamay niya. Ewan ko ba. Dahil nga nag-aaway yung utak ko at yung katawan ko,diko namalayan na nandito na pala kami sa parking.

Pinag-buksan ko ulit siya ng pintuan at nagmaneho na ako papuntang school.

Mabuti naman at dina nakakabingi sa katahimikan ang kotse. Naka ilang jokes siya at syempre,may panlaban ako,noh.

Tawa lang kami ng tawa. Kaya nung pagdating namin sa school,nakangiti kami ng parang mga timang.


Section:Emerald | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon