Chapter 9: Training

26 7 11
                                    

3rd day

Note:Napansin ko lang na kada publish ko ng chapters ay kumukonti ang mga votes ko. From 6 votes ay naging 2 or 3 nalang ang mga ito. Baka ma-stuck ang libro na ito sa isang susunod na chapter kapag ganun lang kakunti ang support. What I'm trying to say is,posibleng hindi na ako magpa-publish ng chapters due to lacking of supports. Sorry. Sana maintindihan niyo.

~°Bea's POV°~
Pagkatapos ng nangyari kahapon,naging normal ang lahat. Medyo. Ramdam naming mga meif'was na nag-iba ang mga nararamdaman ng mga tao dito.

Ang mga guro,mas naging maingat. Ramdam naming nag-aalala sila sa loob-looban nila,kahit na pinapakita nilang masaya sila,at poker-faced sa harap naming mga estudyante. Ang iba namang mga guro ay lalong tumapang. At dahil doon,nag-mi-meeting sila ngayon. Iniisip namin na pinagmi-meetingan nila kung magte-training na ba kami or hindi kasi ganun din naman nagsisimula yun. Pag "lumindol",yun yung hudyat namin para mag simulang mag-training.

Kaya kaming mga students ay walang pasok! Yehet. Idagdag mo pang friday ngayon. So it's a long weekend for us.

Andito kami ngayon sa bagong tayo na "Emerald Garden" dedicated sa special section at of course,kay Eunice.

Dati dati kasi,nung wala pa si Eunice sa school,si HM yung gumagawa ng protection spells around our school. Pero nung nagsimula daw siyang mag-aral dito para sa high school life niya,lumakas daw yung abilities ni HM at yung mga healers at naging madalang lang ang mga "lindol"dito. Kaya kami,ginamit namin yung opportunity na yun para mag training. Pero hindi ibig sabihin nun ay ginagamit lang namin si Pres.,noh.

"Basta,siguradong sigurado ako na ang meeting nila ngayon ay tungkol sa 'lindol',kung hindi training ang pinag-usapan nila,malamang ay connected parin sa 'lindol' yun. Teka parang umuulit lang yata yung mga sinasabi ko,ah?"tawang sabi ni Mike.

"Oo nga,Mike. Hindi man talaga umuulit yung mga sinasabi mo. Hindi talaga. As in! Nuko,hindi nga umuulit,eh. Ang kulit niyo. Sabing hind---"

"Psh. Oo na. Gets na namin!"sabay sabay naming sigaw kay June.

Natiklop na rin yung bibig niya. Leche kasi. Syempre joke lang.

"Pansin ko lang. Parang tumahimik yata yung isang maingay diyan,"nagtataka namang sabi ni Eunice.

"Oo nga. Ayan kasi. Naging pilosopo na nga,sarkastiko pa,"dagdag ni Maei.

Bigla namang natawa si Eunice kaya napatingin kami sa kanya.

"HAHA...ano kasi...hindi...hindi naman...siya yung---"

"Oh,dahan dahan lang,baka mabilaukan ka"

Napatahimik si Eunice tapos kami naman ay lumipat ang tingin kay Nathan.

"Hoy,hindi ako concerned,noh. Nakakabakla kaya yun. Tsaka importante kay HM si Eunice,diba? Kaya ayun."

Napairap ako.

"Defensive,"sabay sabay na naman naming bulong.

Tumkhim nalang si Eunice at bumulong.

"Aray naman..."

Katabi ko kasi siya kaya naririnig ko. I think yung ibig sabihin niya doon ay parang pinaparating ni Tan na kaya lang safe at masaya siya ay dahil mahalaga siya kay HM. Tch,dapat kasi pinag-isipan niya yung sinabi niya. Makakasakit pa siya ng iba. Kunti nalang masasapak ko na yang Nathan Lee,na yan. Kunti nalang talaga.

Section:Emerald | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon